♥ANNAH'S POV♥
Nandito ako ngayon sa practice room, I mean kami pala ni James. Bakit? Kasali lang naman ako sa pageant ng Mr. and Ms. CA =_=#. Pinag-usapan pala nila yun nung wala kami, yung andun kami sa library ni James. Since kami lang daw ang wala, kami nalang daw ang kasali. Ang galing ng reason di ba? Tsk napilitan tuloy ako.
"Okay! Tomorrow ulit! Remember after lunch pa rin kayo pupunta dito bukas okay?"
Tumango kami sa choreographer. Unang practice palang namin kasi ito. Tinuruan niya kami sa mga gagawin namin. Dapat sa pinaka-una rarampa muna kaming lahat with our clothes na pang costplay. Yan kasi ang theme ng school fair namin next week. Hindi ko alam kung anong trip ng papa ni James tsk.
Umuwi na ako at nadatnan ko si Kuya at Ate Lucy sa sofa na magkayakap.
"KUYA!!!"
"Pota!!! Ano?! Ba't ka ba sumusigaw?!"
Binatukan siya ni Ate Lucy, "Pwede ba wag ka ngang sumigaw at magmura!! Once na magmura ka! No kiss sa isang araw!" binelatan ko siya. Bleeehhhh buti nga sa kanya hahaha.
Pumunta muna ako sa kwarto ko at nagpalit saka sinuklay ko rin yung buhok ko. Naks! Certified 100% girl na ako. Bumaba na ako at binalita ko sa kanila na sasali ako sa isang pageant next week.
"Weh?!" binatukan ko agad si Kuya. Langya to! Ayaw maniwala eh!
"Oo nga! Kasali ako eh!"
"That's great Annah! Ano ba ang mga isusuot niyo? Tutulungan kita hihihi excited na ako!"
"Uhm una cost play ang isusuot dahil yun ang theme ng school fair namin this year."
"Ano bang trip ng abnormal niyong headmaster at yun pa ang ginawang theme?"
"Hindi ko rin alam eh. Pangalawa naman ay sportswear. Pangatlo ay ang pagpapakita ng talent."
"Oh kumanta ka na Annah! Maganda boses mo ah." komento ni Kuya, sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Last naman ay gown at question and answer portion."
"Hmmm madali lang naman pala. Don't worry ako ang bahala sayo. Gagawin kitang si Cinderella. Excited na ako."
Nagpasalamat naman ako kay Ate Lucy. Buti nalang meron siya, kung wala siya naku baka mamroblema ako ng todo-todo.
***
"Did you get it?"
Tumango ako kay Ryan. Andito kami ngayon sa library room. Prinoproblema ko kasi ang talent ko. Si James naglalaro lang ulit. Sinnugest kasi ni Ryan na mag-gitara at kumanta nalang ako. Pero siyempre di ako masyadong marunong sa gitara, konti lang kaya tinuruan niya na ako.
Monday na ngayon. 4 days nalang pageant na. Sa Wednesday magsisimula ang school fair. Napatingin kami sa nagbukas ng pintuan.
"Hi Zaira."
"Hello Annah. Haist! Nakakapagod naman gumawa ng booth! Tapos iba pa yung sa classroom."
Dali-dali siyang umupo dito sa nakalatag na comforter dito sa sahig at humiga. Kawawa naman si Zaira. Sa pagkaka-alam ko kasi, si Zaira at Drake ang inutusan na sila ang mag-take over para sa booth at cafe ng section white. Sila kasi ang sumusunod na mataas sa amin ni James. Dapat kami ang mag-aayos pero dahil nga kasali kami sa pageant, sila na ang inutusan.
"Natapos niyo na?" tanong ni Carl pero nakatingin lang siya sa libro niya.
"Yung booth katatapos palang. Yung White Cafe naman on the process pa lang." tumango nalang si Carl.
Sari-sariling diskarte ng bawat section to kaya naman natawa ako nung nalaman kong tumakbo agad si Drake at Zaira sa office nang sabihin na walang magkakaparehas dapat na section. Kaya yun sila ang unang nakakuha ng cafe. Yung ibang section nahihirapan na kung ano ang gagawin nila.
"Ano naman sa booth niyo?"
"Sa White Booth naman ay magbabasag ka ng plates. Ikaw ang titira. Magbibigay kami ng tatlong bola at kung makakabasag ka ng plate na may star, yun ang jackpot! Kapag makakabasag ka naman ng plate na white, sweets ang prize. Kapag blue na plate naman, teddy bear ^^"
"Ano naman ang jackpot?" takang tanong ko sa kanya. Ngumiti siya ng nakakaloko. Uh-oh mukhang hindi maganda ang jackpot...
"Ang jackpot ay isang French kiss from Drake Ethan Lee!!"
"WHAT?!" nasabi naming tatlo nila Carl, Ryan, at James. Nakikinig pala sila...
"Anong 'what'!! What-watin ko kayo! Sumang-ayon naman si Drake sa isang kundisyon na dapat maglaro rin daw ako pero siyempre hindi ako tanga kay hindi ko titirahin ang plate na may star ^_^"
Napa-face palm nalang ako. Nagulat nalang ako ng bigla akong hinila, ay mali....kinaladkad ni James at tinulak ako sa loob ng kotse niya. Bwisit! Wala man lang ka-gentle-gentleman ang lalaking to.
"San mo ako dadalhin?!" bulyaw ko sa kanya. Ang sakit kaya ng braso ko tapos ulo ko dahil nauntog pa ako kanina huhuhu sadistang James.
Hindi siya sumagot. Tignan mo 'to, kinaladkad na nga ako, hindi pa sumasagot. Walang manners! Pagkalipas ng ilang minute ay nakarating kami sa isang bahay este mansyon pala. Ba't parang familiar itong mansyon na to. Nevermind. Hinila ako ni James hanggang makapasok kami sa mansyon.
"Sa inyo itong mansyon na to?"
"No."
May lumapit na maid sa amin at binate kami.
"Call her."
"Sige po Sir James. Hintayin niyo nalang po siya."
Maka-utos naman tong James na to. Mas matanda kaya yung maid kesa sa kanya. Tama nga ako, walang manners ang lalaking to. Sinong 'her' naman kaya yung sinasabi ni James?
"JAMES MY MOST HANDSOME COUSIN! What brought you here and oh you brought a girl."
Tumingin ako sa likod ko dahil mukhang doon nanggaling ang boses ng sumigaw.
"ANNAH?! Oohhh what a surprise future sister-in-law." lumapit siya sa akin at niyakap saka hinalikan sa pisngi.
"You knew each other?"
"Yes James. Boyfriend ko ang Kuya ni Annah so mas maganda kung kayo rin ang magkatuluyan! Hihihi ang ganda!"
"Tch. She's my partner for the upcoming pageant."
"Ayos ah! Okay wala na akong problema at least magkasama na kayo so uumpisahan natin sa costume niyo na costplay. Dapat blah blah blah....."
BINABASA MO ANG
Distraction Called "LOVE"
Jugendliteratur1 word 4 letters 1 syllable 2 vowels 2 consonants one emotion many meanings a BIG lie a RARE truth "LOVE" Dapat ba akong maniwala? -Savannah Valerio