Chapter 1

18 2 0
                                    

Kabanata 1
Hike

"Leah, aalis ka?" tanong ni inang Pola, nginitian ko siya. Maaga akong nagising ngayon dahil balak kong gumala.

"Maggagala lang po inang, balita ko madaming magagandang tanawin dito eh." ani ko, habang bitbit ang isang bag na naglalaman ng pagkain at tubig, balak kong umakyat sa Mount Bulaylay. I like hiking, but I love swimming. Kaso nga lang ay hindi pa ako nakakalibot dito, kung kaya'y hindi ko alam ang mga resorts.

"Sige, apo. Mag-iingat ka ha? Mababait naman ang mga tao dito, at marami rin akong kilala." tumango ako, at bumalik naman si inang sa pagtitimpla ng kaniyang kape.

Lumabas ako ng gate at napatingin sa langit madilim dilim pa, alas kwarto palang.

Nagsimula na akong maglakad habang nakahawak ang strap ng bag ko. Napalinga-linga ako sa paligid, making sure na ma-familiarize ang surroundings ko para mamaya hindi na ko malito kung saan ang daan.

Nang makaliko ako sa crossing, hindi ko alam kung saan dadaan. Nakakafrustrate! Papataas na ang araw hindi pa ko nakakaakyat ng bundok.

"Kuya, saan po yung daan dito papuntang Mount Bulaylay?" magalang na tanong ko sa isang lalaki, he looks mid 30's.

Pinasadahan niya ako ng tingin mula taas hanggang baba, medyo naconcious ako sa suot kong oversized white shirt, black jogging pants, at white running shoes, nakasuot din ako ng black cap at black sunglasses. Sa tingin ko ay wala namang mali sa suot ko.

"Diyan, iha. Liko ka sa kanan, tapos deretso ka lang hanggang sa makaalis ka sa tulay, lagpasan mo ang sementeryo, at dumeretso ka lang. Ingat ka, iha." paalala niya sa huli pagkatapos ng mahabang paliwanag niya, hindi naman ako kinilabutan dahil sabi ni lola ay mababait daw ang mga tao dito.

Sinunod ko ang sinabi nung lalaki. Lumagpas ako sa tulay, at lumagpas na din ako sa sementeryo, ngayon hindi ko na alam kung saan ang susunod na daan ko ngayon.

"Hi kuya! Daan po ba ito sa papunta sa bundok?" mataas na energy kong tanong sa isang lalaki. Humarap eto sa akin, medyo may kaedaran ito at m-medyo... lasing? Ang aga palang ah? Tinignan ko ang mga kasama niya at napag-alamang lima sila.

"Oh! Miss beautiful gusto mo ba ihatid kita papunta don?" tanong nung isa, nagtawanan sila at hindi ko naman mapigilang mapairap sa hangin.

"May kasama po ko manong" ngumiti ako kahit na sa isip-isip ko ay gusto ko na silang bayagan lahat.

"Ay ganun ba iha? Nasaan ang kasama mo? Wala naman akong nakikita." sabat pa ng isang lalaki na may hawak na kopita.

Sakto naman at may humintong kotse sa kabilang kalsada, bumaba dito ang isang lalaki, saglit ko lang siyang nakita dahil ibinaling ko na ang atensyon ko sa mga lalaking nag-iinom.

"A-ayon po manong oh!" sambit ko habang nakaturo sa likod, nakita kong natigilan sila at napalunok. Ako naman ay may naramdaman sa likod ko, nag-iwas ng tingin ang mga lalaki at may tumikhim naman sa likod ko.

"Greg" sambit nito, akala ko ay nagpapakilala siya ngunit lumingon ang isang lalaki nasa dulo. Kilala niya? Gustong kong magpakain sa lupa, baka katulad siya ng mga lalaking 'to.

"Sir Raver... girlfriend niyo po? Pasensya na po, sir.. Pasensya na, ma'am" napakamot ng ulo ang lalaki, nakita ko naman ang saglit pagdaan ng pagkalito sa mukha ng Sir Raver daw na ito.

"Girlfriend?" lumingon siya sa akin. He stared at me, at pinanlakihan ko naman siya ng mata. Hindi pa makisama, tumingkayad ako at binulungan siya.

"Kuyang pogi, help please. Pinagtitripan nila ako e. " mariin pa akong nakapikit tsaka dumilat para tignan siya ng may pagsusumamo. Letche! Anong oras na! Yung hiking ko, ano na?

Señorita Series 1: The Stubborn OneWhere stories live. Discover now