Chapter 6

1 0 0
                                    

Kabanata 6
Envelopes

The date of the wedding is February 4, 2023, and it is currently January 28, 2023. School will start in 2 days, nakahanda na ang mga gamit ko, pero hindi pa ako handa kung paano ii-invite si ate Lin sa kasal ni Devonshire. I mean, nung nakaraan ay nakita ko kung paano niya baliin ang kutsara nang makita niya ang lalaking iyon na may kasamang babae. Paano pa kaya ngayon?

I'm curious kung anong relasyon niya sa kuya ni Raver, but it's not my business to mind.

Kinuha ko ang invitation at ini-slid sa ilalim ng pinto niya, pagkatapos nun ay lumabas ako ng bahay. Hindi na ako nagpaalam kay ate dahil pupunta lang ako sa palengke para bumili ng mga streetfoods, isa pa tumatakas din ako sa posibleng reaksyon niya.

Pumasok ako sa isang milktea shop at umorder ng cookies and cream milktea, pagkalabas ay agad akong tumungo sa mga nagbebenta ng kwek kwek, fish ball, kikiam, at atay, but my favorite of all is the kalamares. Nag-order ako ng tig-iisang supot ng mga iyon bago pumunta sa nagtitinda ng fried noodles, umorder ako ng dalawa, tig-isa kami ni ate Lin. Spicy buffalo at oyster ang flavor ng akin, samantalang soy sauce with calamansi kay ate Lin.

After I pay, dumeretso ako sa mga nagtitinda ng mga sando. Medyo mainit ngayon dahil magsa-summer na, kaya kailangan ko talagang bumili ng mga gan'to. Paalis na ako nang makita ko si Raver na papalapit sa akin. Shit.

Binilisan ko ang lakad habang naririnig ko siyang tinatawag ang pangalan ko.

"Haley! Haleyyy-babeee!" dinig kong tawag niya sa paraang ayaw ko. Ayaw ko nga ba?

Imbis na magpatuloy tumakbo ay tumigil nalang ako dahil pinagtitinginan kami. Hinarap ko siya gamit ang mukhang may bahid ng pagkairita.

"What?" Mataray kong tanong, tinaasan ko pa siya ng kilay. Nakangiti siyang lumapit sa akin tsaka kinuha ang mga dala ko.

"Hatid na kita." para siyang batang binigyan ng laruan kung makangiti sa akin. I wouldn't dare to remove that smile on his face, so I agreed.

Nasa loob na kami ng sasakyan nang tanungin ko siya.

"Sinong kasama mo?" Tanong ko.

"Uyy curious, ikaw ha." pang-aasar niya. Pwede bang tumalon dito?

"Psh, malay ko ba kung coincidence ang pagkikita natin o sinusundan mo ko" I said cooly. He chuckled before starting the engine.

"Medyo assuming ha" he laughed.

"Pero coincidence lang talaga Haley-babe, tsaka kasama ko si mama" sagot niya, nanlaki naman bigla ang mga mata ko. Mama niya!?

"Don't tell me iniwan mo ang mama mo doon!?" I exclaimed. He bite his lips para iwasan ang ngiting namumuo sa bibig niya, pero hindi siya nagtagumpay.

"She told me to follow you, may pupuntahan pa raw siya bago kami umuwi. Grabe boto talaga sayo mama ko." he chuckled. Napasimangot naman ako.

Minutes later, nakarating na kami sa tapat ng bahay. Bumaba muna siya bago umikot at buksan ang pinto banda sa akin, maingat niya akong tinulungan pababa habang nakalagay ang isa niyang kamay sa taas pintuan ng kotse niya para hindi ako mauntog. There, I felt my heart throbbing, again.

Nagpaalam ako sa kanya bago siya pumasok sa kotse niya. Hihintayin ko pa sana siyang umalis, kaso may narinig akong basag sa loob ng bahay kaya dali dali akong pumasok.

Pagkapasok ko ay ayos naman ang sala, kaya inilapag ko doon ang mga dala ko. Nakarinig muli ako ng kung ano sa kwarto ni ate Lin kaya dumeretso ako doon.

"Ate Lin? Ate Lin!" sigaw ko. The door was locked, so I went to the side table of the living room to get the keys, mabilis ang naging galaw ko.

I immediately opened her door, at bumungad sa akin ang magulong kwarto. Masyadong maarte si ate Lin sa kalinisan pagdating sa kwarto niya, at kahit na magalit siya o ano ay hindi siya gumagawa ng ganitong gulo, kaya hindi ko alam kung bakit niya nagagawa 'to.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 19, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Señorita Series 1: The Stubborn OneWhere stories live. Discover now