Prologue

15 2 0
                                    

"Ang init!" sabi ng babae na katabi ko. She is wearing mask, sunglasses and cap kaya talagang maiinitan siya. I sigh. Kumuha ako ng tubig sa bag at inabot sa kanya.

Napatingin sakin ang babae, tinitigan niya muna ang tubig na hawak ko tsaka kinuha 'yon.

"Salamat" aniya. Nginitian ko lang siya at ibinalik ang tingin sa daan. Malapit na ko sa destinasyon ko.

"Waltermart! Waltermart! Baba na!" sigaw nung kunduktor. Sinukbit ko ang dala kong bag at hinintay na makababa ang mga nasa unahan ko.

"Uhmm-- salamat ulit, miss." sambit nung babae. Nginitian ko lang siya at bumaba na.

This is it, lalayo na ko sa syudad. I'll start my new life here in the province. No one will notice na dito ako pupunta, they hated this place anyway.

"Kuya! kuya!" tawag ko sa isang tricycle driver. Agad naman nitong pinaandar ang tricycle at pinuntahan ang pwesto ko.

"Namamasada kayo hanggang sa Cuyapo, kuya?" tanong ko.

"Ahh oo, ineng.. aba'y Cuyapeñio ka ba?" tanong nito saken tsaka pinasadahan ng kabuuan ko.

"Ahh.. ehh.. opo haha" awkward akong tumawa. Pinasakay niya ko sa loob ng tricycle tsaka pinaandar ang motor niya.

"Alam mo ba na ashdjkl--" pagkukwento niya, oo nalang ako nang oo kahit hindi ko naiintindihan ang mga kwento niya dahil sa lakas ng hangin.

Halos thirty minutes din ang byahe ng marating ko na ang bayan ng Cuyapo. Bumaba ako agad tsaka nag-abot ng pera. Nilakad ko nalang hanggang sa bahay ni inang Pola, lola ng pinsan kong si ate Linlin.

Hindi talaga kami magkamag-anak ni inang Pola, pero mas ramdam ko ang pagmamalasakit niya bilang kapamilya kesa sa pamilya ko sa lungsod.

"Inang!" tawag ko nang makarating ako sa kaniyang bahay.

"Oh, Leah? Leah, ikaw na ba yan?" may galak sa mata niya ng makita niya ko.

"Ako nga po, inang." sabi ko. Pinapasok niya ko tsaka pinaupo sa mahabang sofa.

"Kamusta? Nagkita ba kayo ni Kryzline?" tanong nito.

"Hindi pa po, inang. Pero po.. nasabi ko naman po na dito muna ako pansamantala. Ayos lang po ba?" nag-aalangan na tanong ko.

"Aba eh.. malamang, iha. Bahay mo naman ito hahaha." natawa pa siya nang bahagya.

Sa totoo lamang ay dating kasambahay namin si inang Pola. Siya ang nagbabantay sakin mula bata pa ako, ngunit nang magsingkwenta anyos siya ay umalis na siya mansyon sa kadahilanang gusto niya nang makasama ang asawa siya. Ayos lang naman sakin yon.

Pinagawa ko itong bahay na ito bilang pasasalamat sa kanya ngunit hindi siya pumayag na kunin ito. Tumira siya dito kasama ang asawa niyang kalaunan ay namayapa na din, at ang alam ko ay siya na lang din mag-isa dito.

"Inang, dito muna ako pansamantala." ngumiti ako ng alanganin nang makita ko ang nagtataka niyang mukha.

"Bakit, iha? May problema na naman ba sa inyo?" tanong niya. Binigyan ko siya ng pilit na ngiti.

"Inang.. ayaw niyo po ba na dito ako?" kunwareng nagtatampo kong saad, ngumuso pa ko para medyo makatotohanan. Ayokong mamroblema pa siya sa mga problema ko, masyado na rin siyang nasaktan dahil sa pamilya ko.

"Naku naman, Leah.. 'wag mo kong binibiro. Syempre gusto kita dito pero alam kong lumalayas ka lang naman sa inyo kapag may problema. Dito ka pa tumakbo sa Nueva Ecija para sure na hindi ka nila hanapin ahh." saad ni inang Pola. Hindi naman siya chismosa noh? Joke. Inang Pola and umm... my grand father sort of have a past.

"Ang totoo po kasi-" naputol ang sasabihin ko nang biglang may nagdoor bell. Napatayo si inang tsaka lumabas.

"Shopee delivery po para kay Polania Sarmiento... Four hundred fifty-five pesos po" rinig kong sigaw ni kuyang nagdedeliver. Hindi makapaniwalang napatingin ako kay inang.

"Hehe," nasabi nalang ni inang bago pumunta sa gate, pagbalik niya ay may box siyang dala.

"Oh iha, ano pala ang sinasabi mo?" tanong niya agad pagkapasok na pagkapasok niya.

"N-nakalimutan ko na po inang eh. Nga po pala, ano po yan?" tukoy ko sa shopee delivery niya.

"Ahh eto ba apo? Mga bed sheet at kumot lang ito... Hindi ko kasi bet sa palengke." bulong niya sa huli, napangiti nalang ako ng lihim. She's still as naughty as before, and that's what I like about her.

"Saan po pala kwarto ko, inang? Medyo inaantok na po ko tsaka pagod sa byahe." sambit ko nalang. Agad niya naman tinuro ang gitnang kwarto, kung hindi ako nagkakamali ay yun ang master bedroom.

Pumasok ako at binaba ang mga gamit, tinanggal ko ang sapatos ko at humiga na agad sa isang king size bed. Nilibot ng paningin ko ang buong kwarto. Creamy white and kulay ng pader at puti ang kisame, may lining ito na black, yung tiles ay kulay orange at hindi ko alam ang design basta mga triangle pattern churva. Gold ang chandelier, at hindi ganun kalakihan. May white kabinet sa left side, at body mirror ang katabi nito. Sa tabi naman ng kama ay may study table, at may lampshade.

This is plain and smaller than my room in Manila pero ayos na din, ang importante may masisilungan.

Nilabas ko ang aking telepono at tinawagan si ate Kryzline, nakailang ring palang ay sumagot na agad siya.

"Hi, Leah!" sagot nito sa kabilang linya.

"Andito na ko kina inang, ano na nangyayare diyan?" tanong ko, natawa sya sa kabilang linya.

"Oh, Leah. If you only knew, tito Rey is very angry knowing na tinakasan mo ang kasal mo." she said. I know, magagalit talaga si tanda. It's a hundred million contract afterall.

"Pero may mas nakakaloka sis HAHAHA." tumigil siya saglit para huminga katatawa, naparoll eyed ako. Pabitin.

"Ano na?" inip na tanong ko.

"Eto na, eto na. So ayun nga, yung groom mo hindi din dumalo sa kasal HAHAHAHA" napahawak ako sa tiyan ko at nagsimula na ring tumawa. Tumatawa habang iniisip ang pamilya ko at ang pamilya ng lalaking yon, I'm sure stressed ang abot ng mga pamilya namin.

"Hala! Anong reaction ni Daddy?" tanong ko. Naiintriga talaga ako sa mga nangyayari, knowing na pati ang groom ko ay hindi dumalo. It makes things interesting and intriguing.

"Ano pa nga ba? Nang malaman nilang wala kayong balak na magpakasal dalawa, umuwi na agad ang pamilya ng lalaking pakakasalan mo. If you can only see how disappointed they are. Si tito naman ay nagwala, kung hindi daw sana nawala si ate mo, siya daw sana ang ipapakasal sa kasosyo niya." umakyat ang dugo ko sa ulo ng marinig ang sinabi ni ate Linlin. Dad is surely insane, he only thinks about money, money, money. Pati si ate Naleigne na nawawala na nga ay hindi niya pinalagpas, kahit sana ipahanap ay hindi niya ginawa dahil aksaya lang daw sa pera. I hate him.

"Hayaan mo na siya, Leah. Ang mahalaga ay nakatakas ka dito, pero wag ka magpapakampante, I'm sure ipapahanap ka ni tito. Anyways, nagkita na ba kayo ng groom mo?" she asked, umiling ako kahit na hindi naman niya ako nakikita.

"Hindi pa, kung naituloy ang kasal, then for sure that's our first meeting. And how dare them? Ine-expect ba nila na magpakasal sa taong unang kita ko palang? Ha! Nakakadiri. Iniisip ko palang na magsabi ng 'I do' at humalik ng stranger kumukulo na dugo ko" mahabang linyata ko.

"Surely haha. Anyways andito kame nila kuya Kristoper sa D' house. Babush muna, may laban kami ni ate Denden sa billiards." napanguso ako. Kung hindi nangyari lahat ng 'to edi sana nandoon ako ngayon, huhu nakakainggit. Kasalanan talaga ni tanda 'to eh.

Ang D'house ay isang hidden mansyon kung saan kami lang magpipinsan ang nakakaalam at nakakapasok doon, neither our parents know na may nag eexist palang ganoon. Lahat ng kailangan namin ay nandoon, specially sa underground ng bahay na iyon.

Pinatay na ni ate Linlin and tawag, ninato ko naman ang cellphone ko sa kabilang side ng kama. Naiinis ako, sobra pa sa sobra. I missed my girlfriend, pero nakipagbreak ako sakanya sa kadahilanang pati siya ay baka madamay sa amin ni Daddy. I don't regret it, I know she deserves better.

I hate my life. I hate everything. I hate my dad. Fuck this.

I close my eyes and do some inhales and exhales, hindi ko namalayan nakatulog pala ako.

Señorita Series 1: The Stubborn OneWhere stories live. Discover now