Chapter 1

100 2 3
                                    

Thamara's POV

"Room 7... " inilibot ko ang mga room na dinaanan ko habang naka sipsip sa milktea na hawak ko.

"Kyahhh si Flynn andito" rinig ko ang mga tili ng mga babae sa second floor. Ewan ko pero parang may hinahabol sila

Hindi ko nalang ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad ng may biglang humablot sakin.

"Madison dito" hinila nya ako sa isang bakanteng room. Nakatalikod ito sakin at hindi nag-abalang tignan ang hinila nya. Dahil sa gulat ko hindi na ako nakapag salita.

Bigla itong humarap sakin at napasubsob ako sa dibdib nya. Natapon ang milktea na hawak ko sa uniform nito.

Nagulat ito at biglang binitawan ang kamay ko

"Who are you?" cold nitong tanong sakin habang nakatitig

Wow. Ako pa ngayon tinatanong mo e ikaw nga tong bigla nalang nanghihila. Magaling ka ding lalaki ka.

Napa cross arms akong humarap sa lalaking to

"Ako pa tinatanong mo? Who are you too!" Napahinto ako ng mapagtanto kung sino ang kaharap ko ngayon. Si Flynn Maverick Dee, the hotty singer.

" I thought you are my sister" galit nitong sabi sakin. Lemme change the hotty singer na sinabi ko. Coldhearted singer pala. Parang kasalanan ko pang napunta ako sa room nato.

Napatingin sya sa uniform na natapunan ko ng milktea.

"S-sorry" utal na sabi ko sa kanya

"Hindi ko sinasadyang mata..."

"Shhhhhh" bigla nya akong hinila at pinasandal sa pader habang ang kanyang isang daliri ay nasa labi ko. Pinapatahimik nya ako.

"Nakita ko sya dito kanina" saad ng babaeng nasa labas ng room.

Nakatitig lang ang lalaking kasama ko ngayon sakin at parang sinasabi nyang pag nag ingay ako malilintikan ako sa kanya. Mukhang hindi na normal ang kabog ng puso ko.

"Baka andito sya" pinihit ng babae ang door knob at...

hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ng lalaking to ...

bigla lang nya akong hinalikan.

Damn. Mukhang hindi na ako marunong huminga ngayon. Parang nagkulang ang hangin sa room nato.

"Oopsss. Sorry. Labas na tayo dito wala si Flynn, may lovebirds na gumagawa ng milagro" lumabas ang mga babaeng naghahabol sa kanya ng makita kami.

Itinulak ko ito papalayo sakin

"Goshh. What did you do!" Galit kong sumbat dito

"It's a tie. May kasalanan ka sakin at bumawi lang ako" He is pointing at his uniform na natapunan ko ng milktea.

"It's not my fault. Bigla mo lang akong hinila dito" Hello. Kahit sikat sya wala syang karapatan halikan ako.

Aalis na sana ako ng bigla na naman nya akong hinila. Seriously?

"Ano na naman ba problema mo?"

"I don't know kung paano makakalabas dito ng hindi ako makikilala ng mga students. Will you please help me"

Tinapunan ko sya ng tingin from his head to toe. Ano bang gagawin ko dito. Hindi naman pwedeng make-upon ko to. Wait...

Tama. Para hindi sya makilala. Ang brainy ko talaga. Hays

"You want me to help you?"

"Uulitin ko pa ba?" napakasungit naman ng lalaking to sya nga tong humihingi ng tulong. Tsk

Kinuha ko ang extrang uniform ko sa bag at ibinigay sa kanya.

"Wear this"

Napatingin sya sa ibinigay ko at napakunot noong tumingin sakin.

"Are you joking? Pang babae tong ipapasuot mo sakin. Ayoko" inihagis nya ito sakin at saktong tumama sa mukha ko. Napaka walanghiya.

"Edi humanap ka ng ibang tutulong sayo napaka choosy mo. Che!" Akmang aalis na naman ako at bigla nyang hinawakan kamay ko. Chansing ah, alam kong maganda ako kaya wag mong ipapahalata Mr. coldhearted Flynn.

"Wait. Okay. I'll wear this. Sa isang kondisyon. Wag mong ipapaalam sa mga students dito na sinuot ko uniform mo. Tsaka, pagkatapos nito hindi ko gustong magkita pa ulit tayo. " Napatawa ako

"As if gusto din kitang makita ulit." pagmamaldita ko. Haler. He's not my favorite singer. Actually, tatlo silang singer. Parang boy group ika nga. Sya, Zachary and Xavier. Si Xavier yung crush ko sa kanilang tatlo. Kung sya pa andito baka hinimatay na ako sa room nato.

Isinuot na nya ang ibinigay kong uniform at hindi ko mapigilang tumawa.

Fit na fit ito sa kanya. Yung skirt ko na maiksi bumabagay din at halos kitang kita na ang legs nito.

"What? Masaya ka ba sa view? Pag ito kinalat mo malilintikan ka sakin"

"Never" Matapos ko itong make-upon sinilip ko ang labas ng classroom at wala na ang mga babaeng nagkakandarapa dito.

"Wala nang tao"

Dali dali naman itong lumabas at lumakad papalayo. Wala man lang thank you??? Wow.

Wrong Number Book 2 (My Favorite Mistake) Where stories live. Discover now