Chapter 7

20 2 0
                                    

CHAPTER 7

Flynn's POV

Nagwalk out ako sa mga taong kasama ko kanina. Hindi ko alam kung bakit nagkaganito ako.

Biglang may nag pop up sa instagram at tinag ako. Inopen ko ito at nakitang kami ni Thamara ang nasa photo. Andami ng masasamang comments ang nandoon kaya agad akong tumakbo pabalik sa room.

"Zach, where is Thamara?" hingal na sabi ko sa kanya

"Umalis sya. Sabi nya may gagawin pa daw sya"

"Sh*t" kumaripas ako ng takbo palabas at hinanap sya. Pumunta ako sa girl's cr at wala sya doon. Walang ka tao-tao.

Thamara where are you..

Tumakbo na naman ako papuntang hagdanan sa third floor ng may narinig akong sigaw ng isang babae.

"Aray. Ano ba. Bitiwan mo ako" I know who she is. It's Trixie, ang babaeng nalilink sakin. She's a model. Hindi ko aakalaing may tinatago itong ka malditahan dahil hindi makikita sa angelic face nito.

Pumunta ako sa dalawang nagsasabunutan at umawat sa kanila. Hawak ko na si Thamara pero galit pa din itong nakatitig kay Trixie. Dinala ko sya sa rooftop at parang ang sama-sama kong tao dahil nadamay pa sya.

Kahit na makikita kong palaban ito mukhang mas umiiral pa rin ang soft side nya. Hindi ako mapakali ng makitang tumutulo na ang luha nito kaya agad ko itong niyakap. I don't know what's wrong with me pero ayokong mapahamak ang babaeng to. Maybe dahil magka pareho sila ng personality ng mommy ko? I don't know.

"Are you okay now?"

Pagtatanong ko sa kanya. Ilang oras din kaming andito at ni wala itong imik. Nakaupo lang ito.

"Yes. Sorry. I cause trouble again" napayukong sabi nito.

"No. It's okay. Ako ang may kasalanan nito"

"Ate" pagtawag ng kapatid ko kay Thamara. Tinext ko syang pumunta sa rooftop para naman may kausap sya.

"Anong ginagawa mo dito? Pano mo nalaman na andito kami" naguguluhang tanong nya

Tumingin naman sakin ang kapatid ko at sinamaan ko ito ng tingin na parang sinasabi kong wag mong sagutin malilintikan ka sakin.

"Hehe. Magpapahangin lang sana ako kaso nakita ko kayo. Are you okay po ba? Sino ba nang away sayo? Reresbakan natin, kayang kaya ko mga yun" napatawa naman si Thamara sa sinabi ng baliw kong kapatid.

Biglang may tumawag sakin. I checked my phone at its our manager. Pinapatawag nya kaming tatlo sa studio kaya nagpaalam ako sa kanila.

"Ako na bahala sa baby girl mo kuya" masiglang sabi ng kapatid ko habang nakaakbay ito kay Thamara

"Stop it Madison. Mag behave ka nga" galit na sabi ko dito. Ano bang pinagsasabi nyang baby girl.

Umalis na ako doon at pumunta sa parking area. Pagkapasok ko pa lang sa van inusisa na ako ng mga kasamahan ko.

"How's Thamara bro?"

"She's okay. I guess"

"Dinadamay mo na naman ang isang inosenteng tao Flynn" napatingin ako kay Xavier

"What do you mean by that?" tanong ko dito

"I thought ayaw mo sa kanya. Bakit parang may malalim kang nararamdan kay Thamara ngayon? Look what you've done. "

Wrong Number Book 2 (My Favorite Mistake) Where stories live. Discover now