Chapter 9

58 3 3
                                    

CHAPTER 9

Thamara's POV

Nagising akong masakit ang ulo ko. Bumangon ako at hinimas himas ang aking ulo. Teka, anong nangyari? Napatakip ako sa aking bibig ng biglang nag flashback ang ginawa ko. Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng kwarto. Saan ba ako pwedeng makatakas dito. Ghaddd nakakahiya pinag gagawa ko.

May narinig akong footsteps sa labas kaya humiga ako ulit at nagpa as if na tulog pa rin.

"Tsk. Tulog mantika ah" I know kung sinong boses yun. It's Flynn. Umupo ito sa kama at hinawakan ang buhok ko. Wahhhh parang nanginginig ang mata ko. "You're in trouble again Thamara. Open your eyes I know gising kana" good girl ako kaya ayun, binukas ko ang aking mata at tumambad sakin ang mukha nya.

"S-orry. Hindi ko sinasadyang masabing asawa kita" nahihiyang sabi ko sa kanya habang nakayuko.

"That's not the issue" tinignan ko sya ng sinabi nya yun. Huh? E anong issue ba?

"Diba yun lang naman sinabi ko tungkol sayo?" meron pa ba akong sinabing hindi ko na matandaan? Oh please, enlighten me.

"Hindi ito tungkol sakin. It's about you and Xavier. Tsaka, kaya pala ayaw mong sumama pauwi kasi may dadaanan ka pa. Si Xavier pala ha" wait. WHAT? Anong issue nya don?

"EH BAKIT KA BA NAGKAKAGANYAN HA? LIKE HINDI KA NAMAN NAMIN PINAG UUSAPAN NI XAVIER" galit na akong sumagot sa kanya. Sya lang ba pwede magalit.

"Hindi sa ganon"

"Eh ano nga?!" ano bang problema nito kung makaasta akala mo naman boyfriend ko. Tumayo ito at napakamot sa kanyang ulo. "Sabihin mo! "

"Gusto kita" sigaw nito sakin. Ano????

"What?" naguguluhang sabi ko. Gusto nya ako? Paano nangyari? E una pa lang ayaw nya na sakin.

"Bingi ka ba?! " lumapit ito sakin at umupo sa tabi ko. Tinitigan nya ako at sinabing "I like you Thamara" Shocksss. Hindi ko na alam kung bakit nangyayari to ngayong araw.

"Bakit?" ito ang tanging lumabas sa bibig ko. Bakit nga? Bakit ako?

Pinitik nito ang noo ko "I don't know" nakangiting sabi nito at tumayo na.

"Ganyan ka ba pag may nagugustohan? Nanakit ha??" hinawakan ko naman ang noo ko na pinitikan nya. Bumalik naman ito at ...

attttt.....

hinalikan ang noo ko.

"This is your medicine." matapos nyang halikan ang aking noo ginulo nya ang buhok ko. "I know that you like Xavier and umamin na din syang may gusto sya sayo but itong tatandaan mo, I will do everything just to make you mine Thamara Mackenzie."

Pagkatapos nyang sabihin yun hinawakan nya ang kamay ko at hinila ako papunta sa dalampasigan. Natanaw na namin sila kaya binitawan na nya ang kamay ko. Magkatabi sina Madison at Ashley so may bakante pang isang upuan sa side nila. Tapos magkatabi naman si Zach at Xavier. Nakita kami ni Zach at hinila nya ako papunta sa upuan nila. Bale nasa middle ako. Si Flynn naman umupo sa bakanteng upuan sa gawi nila Ashley, magkatabi na silang dalawa. Gets nyo ba? basta yun.

"Okay ka na ba?" pagtatanong ni Zach. Hindi ko sya sinagot kasi nahihiya ako sa isang katabi ko. Nagflash back ang sinabi nya sakin Usap tayo kapag hindi kana lasing.

Wrong Number Book 2 (My Favorite Mistake) Where stories live. Discover now