Chapter 6

27 0 0
                                    

CHAPTER 6

Thamara's POV

Iniwan na ako ng mokong na iyon. Bumalik na ako sa school at pumasok sa second subject. Umupo na ako sa likod habang naghihintay kami sa professor namin. Dahil sa inip ko napag desisyonan kong matulog muna.

"Antukin ka pala" naalimpungatan ako ng marinig ang mahinang sabi ng katabi ko. Ibinuka ko ang aking mata at nakita si Xavier sa tabi ko. Agad naman akong napaupo sa gulat. Sheeeet. Bakit sya andito? Magkaklase kami sa subject nato? Omooo. Nagsmile ito dahil sa naging reaksyon ko.

"Hehe. Hi" hiyang sabi ko habang winave ang kamay ko.

Napatawa naman ito. Ang gwapo mooo. Ang amo ng mukha. Yung ilong nya ang tangos. Kyaaahh. Please helppp me malulunod ako sa kilig dito.

"It's so nice to see you again" napasmile nalang ako dahil hindi na ako marunong magsalita ngayon. Nahihiya ako. Sobraaa.

Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng room at ito lang ang napagtanto ko. Ako lang ang nag-iisang babae dito. Kaya pala komportable itong nakaupo.

"Magkaklase tayo?"

"Yeah" nakangiting sagot nito. Bakit ba sya palaging nakangiti ? Hays. Kung si Flynn pa to ang isasagot sakin obvious ba? .. Napailing nalang ako, bakit ko ba inaalala ang mokong na yun.

"Can I ask you something?" curious lang ako

"Yeah. Go ahead"

"Asan ang dalawa mong kasama? Ikaw lang ba ang pumasok sa school nato?" Ba't ko ba tinatanong? Ano bang pake ko? Thamara yung baba mo talaga ang daldal.

"Nope. Nag enroll din sila dito. Magkakasama talaga kami pero sa subject nato ako lang ang nahiwalay sa kanilang dalawa. "

"Papaano kayo nakakapasok sa school e sikat kayo. Pagpipyestahan kayo ng mga fans nyo"

"Madalas nagdi disguise kami pero pag alam namin na ang mga kaklase puro lalaki lang, hindi na kailangan"

"Ahh.. Okay"

Hindi na ito nagsalita pang muli dahil pumasok na ang prof namin. Makalipas ang isang oras na discussion ay nag dismiss na ang klase.

"Gusto mo maglunch?" pag-aaya nya.

Kyaaahh. Totoo ba to? Nanaginip ba ako?

"Ako tinatanong mo?" malamang Thamara sino pa ba.

Ngumiti ito at ginulo ang buhok ko.

"Meron pa bang iba?" nilagpasan na nya ako at kinuha ang cap at shades nya sa bag. Isinuot na nya ito.

"Thamara. Let's go" bumalik ito sakin at hinawakan ang kamay ko.

Hinila na nya ako, ang akala ko pupunta kami sa canteen.

"Wait. Saan tayo pupunta? Lumagpas na tayo sa canteen"

Hindi ito umimik at nagpatuloy maglakad. Huminto naman ito sa isang room at binuksan ang pintuan.

"Eto ang nagsisilbing kainan naming tatlo" para syang canteen pero maliit ang espasyo nito. May chief din at nagseserve dito. Ang sosyal lang. So dito sila nagtatambay kapag magbe-break na?

"Feel free to choose whatever you want. Here is the menu" iniabot na nya sakin ito.

Ibinigay ko na ang kakainin ko. Naghihintay na kami sa ipinapaluto namin kaya eto kami ngayon sobrang tahimik.

Wrong Number Book 2 (My Favorite Mistake) Where stories live. Discover now