[Take 01] Action!

270 6 1
                                    

             "Are you sure about this?"

"Yeah. This is so good." Tiningnan niya ako nang maigi. "Why? You don't like it?"

I bit my lower lip. Ah, I can feel the pressure.

Shit. Bakit ba kasi ako pumayag? We know each other to well. We've been together for years. Sigh. It's impossible for me to hide what I exactly feel right now.

Ipinilit ko pa rin kahit na alam kong alam niyang napipilatan lang ako. Pero hindi na rin siya nakatiis at itinigil ang ginagawa.

"Isang tanong, isang sagot, gusto mo ba o hindi? Kasi kung napipilitan ka lang ,eh di wag na lang natin itong ituloy."

I stopped and answered. "Sinagot mo na'yung tanong mo eh."

"Ayun. Eh di itigil na natin 'to."

Napabuntong-hininga na naman ako. Wala. Nagkasubuan na eh. Itinuloy ko na lang ulit.

"Kaya naman o. Konting push lang. Sige na," pang-e-encourage pa niya sa akin.

And so I pushed.

Ang hirap. Ang sakit na din. Napangiwi na ako.

"Hindi talaga kasya. Ang sakit na."

"Dahan-dahanin mo lang. Magkakasya din 'yan."

Push pa. Konti na lang...

"Aray. Hindina talaga kayang isagad eh. Hanggang dito na lang."

"Kasi naman.Bakit ang laki!"

Nagtaasan ang mga kilay koat napatigil sa paghigit ng zipper sa tagiliran ng suot kong dress.

"Sorry ha! Hiyang-hiya naman ako sa boobs mong masmalaki sa akin!"

"Gaga! Mas malaki kasi iyang sayo! B lang ako," depensa ni Alyssa sabay higit pataas ng dress na kanina ko pang pinipilit isuot.

Napasimangot ako. Eh di akin na ang malaki! Leche 'tong si Alyssa. B lang din naman ako.

Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin. Ang ganda ko. Kung magkakasya lang sana ang lintik na mini black dress. Shets.Walang halong kasinungalingan. Pawang katotohanan lang.

Char!

"O ano? Uurong ka pa ba?"

Nilingon ko si Alyssa. "Ewan.Sayang make-up eh." Alangan namang alisin ko pa pagkatapos niya kong ayusan? Sayang sa effort! At kahit ayoko ng make-up-make-up na 'yan para matapos na rin!

Ipinaling ko ang ulo ko from left to right. Sumunod ang curls. Taray! "Ganda ko 'te."

"You're welcome. 300 lang."

"Ang ano?"

"Hair and make up."

"Kiss na lang. Torrid."

Natatawang hinila ni Alyssa ang bagong kulot kong buhok.

"Sabihin mo yan kay Harris mamaya."

Itinigil ko na ang pagpipilit na itaas pa ang tube ko at napatitig ulit sa sarili ko sa salamin.

"Punyemas. Gurl! Ang halay!" Tukoy ko sa hitsura ko. Kita ang cleavage ko sa suot ko. Ipit na ipit ang aking future. Masyado kasing fit itong dress. O mas tamang sabihing sikip. Hindi ako sanay."Itatakwil ako ng mga magulang ko nito!"

"Keri lungs. Ibig sabihin niyan mag-diet ka na. Tsaka buti nga tayo meron. Yung iba nga kapit sa patalim magkaron lang ng cleavage," sabi niya sabay tawa. Gaga talaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

[ON-HOLD!] I Love You, Take Two!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon