hello guys! uy, thanks kay God kasi may time ako ngayon at makakpag-update akong mga stories..
hehe, eto na nga po pala yung story ni Tyrone at Yesha.. medyo natagalan po, kasi nahirapan po akong mag-isip kung paano ko po paaandarin yung story nila eh.. haha pero ngayon, eto na po.. meron na.. :) sana po magustuhan nyo ..
------------
PROLOGUE
Hirap magmahal ng palihim...
lalo na kung ang taong minamahal mo ay sadyang kay hirap abutin...
yun bang.. makita mo lang siyang masaya, sa mga ginagawa niya o kahit pa sa piling ng iba...
masaya ka na..
basta ang importante sayo..
lagi syang masaya at nakangiti...
---
mahirap rin magmahal ng taong...
wala pang siniseryosong mga bagay sa tanang buhay niya..
yun bang ang tingin lang sa PAG-IBIG ay laro-laro lang..
na kahit anong oras.. pwede kang magsawa at iwan na lang ng basta-basta...
Paano kung ang dalawang taong ito ay biglang mapana ni kupido?
at sa di sadyang pagkakataon ay nahulog sila sa isa't isa...
magawa kaya nilang ipaglaban ang nararamdaman nila...
kung natatakot sila sa maaaring gawin ng tadhana..
at maaari ring makasakit di lamang sa kanilang mga damdamin...
ngunit pati na rin sa ibang taong nakapaligid sa kanila... ??
-------
CHAPTER 1
Nakatulala sa kawalan si Yesha nang biglang sumulpot sa kanyang harapan ang bagong kaibigan niya na si Yssia.. Transferee ito sa kanilang school.. Madali nya itong naging kaibigan dahil bukod sa pagiging mabait nito.. masayahin rin itong tao...
"Hoy Yesha! Lalim ng iniisip natin ah??" ani Yssia.
"Huh?? ah--eh.. kasi..."
"Ano?! Iniisip mo yung CRUSH mo noh?" pang-aasar nito..
Bigla naman syang nagblush, dahil nahulaan nito ang nasa isip niya..
"Uuuuyyyyy..... aminin!! bawal magsinungaling... haha buking ka na eh.. di mo kasi kayang magsinungaling kahit pa wala kang sinasabi.."
"Oo na.. pero wag ka namang masyadong maingay Yssia oh.. baka kasi may makarinig sayo.."
"ah.. sige-sige.. pero who's the lucky guy muna??" tanong nito sa kanya..
Ayaw sana nyang sabihin dito kung sino man si "LUCKY GUY" .. ngunit panigurado syang hindi sya nito titigilan hanggat hindi sya umaamin .. Kaya sasabihin na lang nya rito ang tungkol sa sekreto niya.. may tiwala rin naman siya rito..
"Si Tyrone Fernandez.." nahihiyang sagot niya rito..
"Ahhh.. si Tyrone lang naman pala eh.. HAH??!!!! ANO ULIT YUN??!! Si TYRONE FERNANDEZ ba?!" nagulat na tanong nito..
Malakas rin ang pagkakasabi nito sa pangalan ng CRUSH niya.. mabuti na lang at dadalawa pa lang sila sa kanilang classroom ng umagang iyon..
"Oo nga..! ang ingay-ingay mo naman eh.. buti na lang at tayo palang ang nandito.."
"hehe sorry.." ^_^v at nagpeace sign pa ito.. "pero you mean.. Si Tyrone Fernandez ng STARKISS?!" tanong uli nito..
"Oo.."