sensya po... medyo natagalan ang update.. :)
--
Chapter 2
Natapos ang araw ni Yesha ng masaya.. puro tawanan ang ginawa nila ng kanyang mga kaibigan na sina Yssia at Breis maghapon.. wala kasi silang teacher sa last 3 subjects nila ng hapon.. nagtabi-tabi sila at nagkwentuhan ng mahigit 3 hours..
wala namang pakialam ang kanilang mga classmates dahil may kanya-kanya rin namang ginagawa ang mga ito.. sina Caleb na seatmate ni Yssia, at si Lanz na bestfriend naman ni Breis ay lumabas ng classroom.. dala na rin ng mga ito ang kani-kaniyang bag..
Ang pagkakarinig nya sa paalam ni Lanz kay Breis ay may practice ang mga ito sa music room, para sa nalalapit na Masquerade Ball sa kanilang school.. Panigurado syang kasama nina Caleb si Tyrone sa practice..
Matagal na ring hindi nya ito nakikita.. dahil bukod sa dami ng pinagkaka-abalahan nito, kasama na ang pambababae.. ay malayo rin ang classroom nito sa classroom nila.. nasa kabilang building pa iyon..
Papauwi na sya nang hapon na iyon.. naglalakad sya ng mag-isa dahil nauna na sina Yssia at Breis sa kanya sa pag-uwi.. Siya kasi ang president ng ng Bradsville Stage Performers Club.. nagkaroon sila ng meeting, at pagabi na nang matapos iyon.
nadaanan nya ang Music Room.. napansin niyang nakabukas paang ilaw roon..
Naisip nyang, baka nakalimutan lang iyong patayin ng StarKiss.. kaya nagpasya na lang syang pumunta roon upang patayin ang ilaw.
habang papalapit na sya, ay napansin niyang tahimik na sa loob.. kumatok siya sa pinto..
***tok! tok!***
ngunit walang sumagot..
Baka di lang narinig..
kumatok muli siya..
***tok! tok!***
"May tao pa ba dyan?!" aniya.
naghintay siya ng sagot.. ngunit walang sumagot sa tanong nya.
"Hay... ano ba yan.. di talaga marunong magtipid ang mga estudyante sa school na 'to.. palibhasa, anak mayaman kasi.. di tulad namin.. may kaya lang.." pagsasalita nya ng mag-isa habang umiiling-iling pa..
pinihit nya ang door knob at dahan-dahang binuksan ang pinto..
pumasok sya sa loob.. at nakita nyang wala na ngang tao roon.. nakita nya ang iba't ibang mga instruments roon.. at sa may sulok ay nakita nya ang mga instruments na ginagamit ng bandang StarKiss.. katulad ng drum set na pagmamay-ari ni Lanz.. ang electric guitar na syang gamit naman ni Ryan, isang 3rd year student at kapatid ni Breis, ang lead guitar na gamit naman ni Enderson, isa ring 3rd year student..at bass guitar na syang gamit naman ni Tyrone.. di nya napigilan ang kanyang sarili, kaya napalakad sya papunta sa bass guitar.. hinawakan niya iyon.. at napansin niyang may nakasulat sa likod niyon..
__T.Y.__ <<-- iyon ang nakasulat.
"T----Y..??" aniya..
"Excuse me miss.. what are you doing here? are you looking for something? " tanong nang isang tinig galing sa likuran niya..
dahil sa pagkagulat ay, muntikan pa niyang naitumba ang gitarang hinahawakan niya..
nagpasya syang humarap rito, ngunit sya ay nakayuko.. dahil nahihiya sya rito, at baka mapagkamalan pa sya nitong magnanakaw.
"A--ahmmm.. p-pasenya na.. papatayin ko lang ---" aniya na hindi na naituloy pa ang sasabihin.. dahil pag-angat nya nang mukha ay di nya inaasahan ang kanyang makikita..
" T-Tyrone?! O.O" nauutal na sabi niya..
" Y-Yesha???! O.O" nauutal rin na sabi nito.. halatang nagulat rin nang makita sya..
"A-ahh.. p-pasensya na ha.. di ko naman sinasadyang pumasok dito eh.. akala ko kasi wala ng tao at naiwang bukas yang ilaw.. kaya pumasok ako.. kumatok naman ako eh, kaso walang sumagot.. tapos sorry sa paghawak sa gitara mo ha.. naku, nakakahiya.. sorry talaga.. nagandahan lang naman ako eh, saka first time ko lang kasing mahakan yung mga instruments na ginagamit ng StarKiss ... at--" di na nya naituloy pa ang pagpapaliwanag, dahil bigla sya nitong hinalikan..
O.O <-- Yesha
** DUG-DUG! DUG-DUG! DUG-DUG! **
Shocks! totoo ba 'toh?!!!! hinahalikan nya ako?!! WEH?! DI NGA!? hinahalikan talaga niya ako?!! WAAAHHHHHHH!!!!! FIRST KISS KO SIYA!!!!!! >___< =____=
tumagal ang kanilang kissing scene for almost 2 minutes... (ansabe ng Author??!! KISSING SCENE?! haha :D ) halos di sya kumukurap at humihinga dahil sa sobrang bilis at lakas ng tibok ng puso nya..
Nang bitawan sya nito ay nakatingin lang sya rito.. hindi pa rin sya kumukurap.. at ramdam niya ang pagba-blush ng buong mukha niya...
SHEMSSSSSS!!! Ano na?! Anong sasabihin ko?! Anong gagawin ko?!
TATAKBO BA AKO??!!!
SASAMPALIN KO BA SYA???!! at sasabihin kong MAGNANAKAW SIYA ng FIRST KISS!
EHHH...
KUNG TADYAKAN KO KAYA SYA,
at saka ako TATAKBO,
SASAKAY NG TAXI..
PUPUNTA ng PRISINTO... at ....
MAGSASAMPA ng KASONG ...
"SEXUAL HARASSMENT" ???!!!!
WAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!!!!! ang OA ko masyado! >__< akala mo naman kung ni-RAPE ako! eh, ninakaw lang naman niya ang FIRST KISS ko! pero.. ba't ako magrereklamo?? nagustuhan ko naman... >__< at saka ... M-A-H-A-L ko naman siya???!!!!! =___=
and... bakit naman pala niya ako hinalikan?! di kaya..
MAY GUSTO SIYA SA AKIN?!!
Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
ako na ang malandi! ako na rin ang assuming!!!!!!! hmp! pasensya naman.. medyo nahahawa na ako sa mga bestfriends kong madadaldal eh.... =___=
saka lang sya nakagalaw sa kinatatayuan nya, nang magsalita si Tyrone..
"Ayan.. buti naman at tumahimik ka na..." anito..
"h-hah?!" gulat na sabi niya.
"ang sabi ko.. buti naman at tumahimik ka na.. ang gulo mo kasi kausap kanina eh.. ang bilis mo magsalita.. at wala akong naiintindihan sa mga sinabi mo... halos di ka na nga humihinga eh, dahil sa dami ng mga sinabi mo.." anito.
WHAT?!! kaya lang niya ako hinalikan ay dahil sa .... GUSTO NIYA AKONG MANAHIMIK?!! aba! di niya ata alam na... ninakaw niya sa akin ang FIRST KISS KO! siraulong 'to! >.<
dahil dun, ay bigla na lang nya itong nasampal...
siguro ay dahil na rin sa nangyari at sa naging rason nito sa paghalik nito sa kanya...
isa lang namang napaka-BABAW na dahilan!
lumabas na siya ng Music Room.. narinig pa niya ang pagtawag nito sa kanya..
mabilis siyang lumabas ng Campus, at sumakay ng taxi pauwi, upang di na siya nito maabutan pa...
---
don't forget to vote!! :) comment na rin :) hehe thank you ng marami..
[[[[ follow niyo naman po ako.. ^__^ hehe .. pls.. salamat! :) ]]]]