Ika-Labing Isang Kabanata

197 30 4
                                    

"Hello!" masayang salubong ko kay Kate ng maabutan ko siya sa hapag kainan pagbaba ko galing sa kwarto.

Tipid lang siyang ngumiti sakin, tinabihan ko naman siya sa upuan.

"Ano yung sasabihin mo sakin?" agad na tanong ko.

"Jaile magdasal ka na. Kumain na tayo." utos ni Mommy sakin kaya hindi na nakasagot si Kate.

Pagkatapos kumain ay dumiretso na rin kami sa kotse niya para pumasok sa school.

Pagkaseatbelt ko ay humarap na ako sa kanya.

"Ano yung sasabihin mo?" ngiting ngiti pa ako kaso di naman siya natingin sakin.

"Ahm.. Later." sagot niya lang at pina-andar na ang sasakyan.

Kinuwentohan ko na lang siya tungkol sa nalalapit naming theater play. Nakapasok na kami sa gate ng school ng may mapansin akong pamilyar na tao.

"Babe! Babe! Bagalan mo nga." natatarantang utos ko sa kanya na kalmado nya namang sinunod.

Tinanaw ko ang isang pamilyar na pigura na naglalakad.

Nakasuot siya ng black fitted jeans na ripped sa bandang tuhod, white chuck shoes, white plain shirt na medyo mahaba ang cut at black denim jacket.

"Si Ashi ba yun?" hindi makapaniwalang turo ko kay Kate sa magandang gwapo na naglalakad.

Pormadong pormado siya ngayon. Bagong gupit pa siya. Ang gwapo nya tingnan kaya marami ring tumitingin sa kanya.

"Yes." tipid na sagot ni Kate at binilisan na ang takbo ng kotse.

"Ang gwapo niya!" hindi makapaniwalang pahayag 'ko.

Hindi na siya baduy sa outfit at gupit niya.

"Crush mo?" seryoso ang boses niya kaya nabalik ang tingin ko sa kanya.

"Hindi nu! Alam mo naman sino ang one and only crush ko! Hehehe" mabilis na sagot ko.

"Hmm. What if you don't know me, magugustohan mo ba si Ashi?" hypothetically, oo naman.

Kasi mabait naman ito at mukang seryoso talaga sakin. Tapos lalo na ngayon na nag-aayos na siya. Hindi naman siguro ako mahihirapan magustohan siya kung hindi ko kilala si Kate.

Pero baka maturn-off si Kate kapag oo sinagot ko.

"Hindi ah! Hahanapin pa rin kita para makilala!" bibong sagot ko sa kanya.

Nagpalatak naman siya "You think about it." inis na turan niya.

Hala, bakit ganon? Mali ba sagot ko?

Nahinto kami sa parking at nagmamadali siyang bumaba. Pinagbuksan niya lang ako at ng makababa ako ay pabalagbag niyang sinara ang pinto ng kotse na kinagulat ko pa.

"Babe, anong problema?" kalmadong tanong ko sa kanya habang sinusundan siya maglakad papuntang locker room.

Hindi niya ako sinasagot kaya hinatak ko ang palapulsahan niya para humarap sakin.

"What?!" kunot noong bulyaw niya.

Ngayon ko lang nakikitang hindi kalmado si Kate. At hindi ko maintindihan bakit.

"Hi Jaile!" sabay naman kami napatingin sa tumatakbo palapit sa akin.

"Beautiful rose for a beautiful lady." abot niya sakin ng bulaklak.

Marahas namang binawi ni Kate sa akin ang kamay niya at walang pasabing umalis.

"Ashi, thank you. Mamaya na lang tayo usap." kinuha ko sa kanya ang rose para di naman siya masyadong mapahiya bago ko hinabol si Kate.

Ang Crush Kong TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon