Ika-apat na Kabanata

288 32 7
                                    

Napatigil si Jaile ng maramdaman ang paninigas ng katawan ni Kate. Rinig na rinig nya ang malakas na tibok ng puso nito.

Dahan dahan siyang napabitiw dito at pinakalma ang sarili.

"S-Sorry.." paghingi nya ng paumanhin dito. Ang dibdib niya ay kumakabog pa din mabilis.

"S-Sakay ka na.." sagot lang nito.

Napansin nya na may upuan na ito sa likod. May foam pa ito na parang pinasadya kapag may aangkas.

Patagilid siyang naupo dun at yumakap sa bewang ni Kate.

Nang umandar ito ay hinigpitan niya pa ang kapit. Amoy na amoy niya na ang pabango nito na kaamoy ng mga bulaklak.

Napapangiti siyang hinilig ang ulo sa likod nito habang pinagmamasdan ang mga nadadaanan nila.

Ilang saglit lang ay nakarating na sila sa school. May mga napapasunod ang tingin sa kanila na bibigyan lang ni Jaile ng matamis na ngiti.

Nahinto sila sa parking ng school. Ayaw pa bumitiw ni Jaile sa pagkakayakap kay Kate pero kailangan niya na.

Bumitiw sya at bumaba na sa bike. Hinintay niya ang huli na ma-ilock ang bike nito. Nang matapos ay hinarap siya nito na pakamot kamot sa batok niya.

"Sabay na tayo pumasok, babe." aya nya dito. Tumango lang si Kate.

Magkatabi silang naglalakad sa hallway ng school, hindi nakibo si Kate at nakafocus ang atensyon ni Jaile sa kamay nilang halos magdikit na.

Kung wala lang jowa ito, baka hinawakan ko na ang kamay nito. Saad nya sa isip niya.

"Hi Kate!" bati ng isang lalakeng nadaanan nila, tinanguan naman ni Kate iyon at bahagyang nginitian.

Agad kumunot ang noo ni Jaile sa nakita. Huminto sya sa harap nito at sinamaan niya ng tingin.

"W-Why?" kinakabahang tanong nito.

"Hindi ko alam na flirt ka pala!" angil nito at tumalikod na bago tuluyang pumunta sa locker.

Akala ko pa naman special ako sa kanya! Maharot lang siguro siya. Sabagay, may jowa nga sya tapos alam niyang crush ko siya nasama pa siya sakin. Ako naman ito kilig kilig, simpleng maharot pala itong si Kate! Nang-gagalaiting ngitngit ni Jaile sa sarili.

Nagpapadyak siya pumunta sa classroom habang tahimik lang na nakasunod sa kanya si Kate. Nagtataka sa biglang inasta nito.

Magkatabi sila sa upuan at di maiwasan ni Kate mapasulyap kay Jaile dahil ramdam nyang inis ito sa kanya.

Why she's mad? I haven't done any wrong with her. Naguguluhan na ring tanong ni Kate sa sarili.

Natapos ang buong araw na galit si Jaile sa kanya. Wala naman syang magawa dahil nahihiya syang lumapit dito at magtanong.

Wala din silang practice ngayon dahil may mga kailangan silang reviewhin na ibang subject kaya diretso uwi na sila.

Nag dadabog pa rin si Jaile sa locker niya hanggang mag-uwian.

Nang konti na lang ang mga tao ay naglakas loob na si Kate lumapit kay Jaile.

"Galit ka ba sakin?" mahinang tanong niya dito.

"Bakit naman ako magagalit? Ano naman kung landiin mo ang lahat!" pabalang na sagot nito na kinakamot sa ulo ni Kate.

"Ahm.. Wala naman akong nilalandi." pagdadahilan niya dito.

"Wala daw, ano pala yung kaninang nasa hallway? Tapos ako! Inaangkas mo pa ako sa bike mo kahit may jowa ka!" tuloy tuloy na pahayag ni Jaile.

Ilang sandaling nakatingin lang sa kanya si Kate hanggang sa yumuko ito.

Ang Crush Kong TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon