Ika-anim na Kabanata

276 36 7
                                    

Abala na ang lahat para sa paghahanda sa praktis ng mapansin kong nagpapa-cute pa si Viv kay Babe.

"Lumugar na kung saan dapat ang lugar." pagpaparinig ko at pumwesto na sa tabi ni Babe.

Napatingin sakin si Viv kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Thank you, Kate. Dun na ako sa backstage." paalam niya dito na humalik pa sa pisngi ni Kate na kinasingkit ng mata ko.

Sinusubukan talaga ako ng babaeng yun! Alam niya naman na gusto ko si Kate kung maka-asta akala mo girlfriend!

"Akala ko ba di mo gf yun?!" asik ko kay Kate

"Hindi nga. We're just friends." inosenteng sagot niya.

"Ganon ba mga friends. Friends naman tayo ah. Kiss mo nga ako sa cheek." masungit na utos ko sa kanya pero sa loob loob ay nagpipigil na ako ng ngiti.

"Oh bakit ayaw mo? Kiss na, dali." nilapit ko sa kanya ang ulo ko at inalay ang pisngi ko.

Naghintay akong dumampi ang labi nya sa pisngi ko pero hindi iyon dumating.

"Okay. Let's start our practice." aniya at nilagpasan ako. Nagtungo siya sa bandang harap malapit sa stage.

Napabuntong hininga ako. Kakainis! Ang damot.

Badtrip akong sumunod sa kanya at pumwesto sa may likuran nya. Ayuko siyang tabihan.

Seryoso naman din sya sa pag-ddirek at ganon din ako. Kailangan ko kasi umepal minsan dahil ako nakaka-alam kung paano ang tamang pag-deliver ng mga lines.

"She's delivering her line properly, right?" tanong nya sakin tukoy sa pagmamaldi-malditahan ni Viv.

"Pwede na." iritang sagot ko.

Nakita kong napalunok si Kate at dahan dahang tumabi sakin pero naglakad ako paabante para lumayo sa kanya.

"Nakakapagod na. Next week naman." reklamo ni Viv ng medyo lumalalim na ang gabi.

Tinignan ko ang oras at mag-alas nuebe na.

"Okay. Let's meet next week. Monday after our class." announce ni Kate.

Bilis kausap porket request ni Viv. Hay naku.

Nag-meeting lang kami saglit para magkaroon ng fix time para sa practice at nagsi-uwian na.

Nauna akong lumabas ng bulwagan kasama si Karina ng maramdaman ko na tumabi sa akin si Kate, hindi ko naman siya pinansin.

Tahimik lang rin siya sa tabi 'ko.

"Bakit di mo pinapansin?" mahinang bulong ni Kare sakin.

"Wala naman akong sasabihin." simpleng sagot ko sa kanya.

"Di ka kinikilig? Katabi mo siya?" usisa pa nito.

Syempre kinikilig ako. Lalo na't nagkukusa siya pero nangingibabaw ang inis sa akin ngayon dahil ilang beses akong nalamangan ni Viv! Di man lang ako maka-isa.

Pinili ko na lang di sagutan tanong ni Kare dahil baka marinig ng isa, lumaki pa ang ulo.

Pagdating ng parking ay nagkanya kanya na kami. Sumakay na si Karina sa van na sundo niya at naiwan na lang kaming dalawa ni Kate sa tapat ng bike niya.

"Are you mad?" maingat na tanong niya sakin.

"Hindi." malamig na sagot ko.

Nakatitig lang sya sakin na parang tinatansya kung nagsasabi ako ng totoo. Maya maya'y bumuntong hininga siya at sumakay na sa bike niya.

"Sakay ka na." aya nya. Pinaikot ko muna ang mata ko bago umangkas sa kanya.

Humawak lang ako sa bewang nya at di siya niyayakap.

Ang Crush Kong TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon