Innocent Mind~ 2

6 1 0
                                    

"Anong oras na ba?" Bianca asked.

"Malapit na mag10 ate, 9:48" Sarah responded and carried on dancing with subtle movements.

I'm currently drinking a sip of water while chilling on the floor. Even though we had been here since before eight, our dance session came to an end at 10. We arrived early on purpose so that we could practice some more before the chancellor was supposed to arrive.

"Ano raw gusto niyo kainin?"Unexpectedly, Bianca asked a question while still holding her phone to her ear.

"Tinatanong tayo ng kapatid ko, kain daw muna. Kahit snacks lang daw muna dahil baka sumakit tiyan natin kapag kumain tayo ng marami tapos ay sasayaw tayo after. O kung gusto niyo raw mag-almusal na lang tapos mga 10:30 na raw siya pupunta para makahinga tayo after kumain." She stated.

"Sabihin mo sabay sabay na lang tayong mag-almusal." Sabi ni Sarah na may kakaibang ngiti na tila ba'y may binabalak.

"Hmm pwede rin, kanina pa yung alas sais dito e. Sige sige wait sabihan ko." Pagsang-ayon ni Bianca sa sinabi ni Sarah.

"Mag-almusal na lang tayo no? Tapos kahit mga 1 na tayo magtanghalian? Ayos lang ba sa inyo? Or baka nakaoras kayo kumain?" She asked one question after another. The three of us shook our heads in unison as an answer.

"O sige, sabihan ko si kuya." Usal niya at nilagay ang phone sa tainga.

"Hello, kuya, mag-almusal ka na lang din, sabay ka samin, kanina ka pa nandito sa school e. Ha?-- sabay ka? Sigi sigi-- oo sige, tanungin ko na lang sila-- Sige, yung katulad na lang sakin?--sige, see ya." Matapos nun ay agad siyang tumuon samin.

"Ano gusto niyo kainin? Order na lang tayo." Nakangiti niya pahayag.

"Uy, uso kaya magsalita, hahaha. Saang restaurant tayo oorder? Dominic ikaw? Pit?" Tanong niya.

"Kahit ano naman kinakain ko e" sagot naman ni Pit.

"Hahaha ano ba yan! Ahhh may bukas diyang bagong resto, gusto niyo duon na lang? Masarap dun?" Pahayag niya. At tumango naman kaming tatlo.

"Sige saglit, ano ba gusto niyong orderin, eto pili kayo." Usal niya at lumapit sa amin saka pinakita ang cellphone. Una siyang lumapit sakin, tapos ang dalawa naman ay sumunod na rin.

"Eto na lang kayang isang set, for 5 persons siya oh." Pahayag ni Pit tapos tinuro ang nakalagay sa phone.

"Yun na lang?" Tanong naman ni Bianca at tumango kaming ulit

"Sure na yan ha, orderin ko na. Ano drinks niyo?" Tanong niya ulit

"Sprite sakin" sagot ni Pit.

"Sakin Sprite na lang din." Sagot naman ni Sarah.

"Iced tea sakin." Sagot ko.

"May gusto pa kayong orderin bukod dito?" Habol niyang tanong.

"Mamaya na lang siguro ate sa lunch." Tugon ni Sarah, tumango naman si Bianca at muling tumuon sa cellphone.

"Sige sige. Ayan na order ko na. 15 mins daw, wait text ko lang si kuya." Sabi niya at muling tumuon sa phone.

"Oh, hello kuya? Bakit? Tetext na sana kita e-- ha? Isang set yung pang 5persons.-- ha? Ganun ba? --saglit hahabol ko--wag na bakit?-- share???-- ah sige sige-- sige kuya, sige labyu." Pagkatapos nun ay binalik niya ang phone niya sa sariling bag at lumapit sa pwesto namin.

"Bakit ate?" Tanong ni Pit.

"Anong bakit?" Taka namang tanong ni Bianca.

"Para ka kasing nakarinig ng problema magsalita e." Nakangiwing usal ni Pit.

Innocent MindWhere stories live. Discover now