Innocent Mind~ 5

6 1 0
                                    

"Andyan ba si kuya sa loob?" tanong ni Bianca sa lalaking nakaupo sa isang desk.

"Ah oo, sumuka ulit kanina pag-alis mo pero ayaw naman magpadala sa clinic, nagpabili lang uli ng biscuit." sabi nito.

Nakita ko naman ang pag-iling ni Bianca at saka nagtungo sa isang pintuan.

"Kuya" pagtawag niya na kumatok pa. Wala namang sumagot kaya dahan dahan niya itong binuksan.

Pagbukas niya ng pinto ay agad din namang akong sumilip sa loob at napakunot ang noo nang makita si Rox na nakahiga sa upuan niya. Hindi naman literal na nakahiga pero ang ulo ay nakatuon sa kisame, may takip ng tuwalya ang mukha at nakapatong ang kanyang braso sa noo niya. Habang ang isang kamay ay nakapatong lang sa arm rest.

"Kuya? Masakit ba? Sorry, medyo natagalan ako." mahinang usal ni Bianca. Tinuro niya ang isang maliit na lamesa na sa tingin ko ay duon niya pinapalagay ang pagkain na dali namin.

"Kuya" muli niyang pagtawag at nilapitan ang kapatid. Tinapik tapik ito dahilan naman nang pagbangon ni Rox.

"Hmmm bi, andito ka na pala." sabi nito, halatang may nararamdaman dahil boses pa lang ay kakaiba na.

"Sandale at ipaghahain kita." sabi ni Bianca. Nakita ko naman ang pagtango ni Rox at nang sundan niya ng tingin ang kapatid niya ay saka niya ako nakita.

"Oh Nic nandito ka pala. May kailangan ka ba?" mahinahong tanong niya, nagbago rin ang pamamaraan ng pagsasalita, na akala mo kanina ay parang hirap na hirap pa siya.

"Ah kasama ko siya kuya. Nagmamadali kasi ako kanina, wala si kuya Shawn e, kaya nang makita ko siya, siya na lang hinatak ko." sabi pa ni Bianca. Ngumiti naman si Rox sa akin at sinenyasan akong maupo.

"Naglunch ka na ba? Halika at sabayan mo ako." sabi nito. Nang tignan ko si Bianca, ay patago siyang tumatango, na nilalakihan pa ako ng mata para lang pumayag ako.

"S-sige" sagot ko na lang kahit nakapaglunch na talaga ako.

"Salamat, madalang kasi mag-aya yan kumain. Kaya mas magandang samahan mo na hehe." bulong ni Bianca paglapit sa akin.

Napatingin naman ako kay Rox at nang makitang nakatingin siya sa akin ay nagmamadali akong naupo sa kaharap niyang upuan.

"Ikaw Bianca?" tanong ko. Parehas naman kami ni Rox na pinapanuod siya habang hinaainan ako ng pagkain.

"Kumain na kasi ako kanina e. Ah- ano labas muna ako ha, kain lang kayo. Kuya tawag ka kapag may kailangan ka. Yung gamot mo nandiyan nilagay ko sa tabi mo. Huwag mo kalimutan. Dominic paalala mo yung gamot niya ah, baka malimutan e." pahayag nito at nagmamadaling lumabas.

Wala sa sariling nilibot ko muna ang paningin ko at naglabas ng malalim na hininga saka dahan dahang humarap kay Rox.

"Kain na." nakangiti nitong sabi.

"Sige" usal ko.

"Salamat pala sa pagsama mo kay Bianca. Wala ka bang klase?" tanong niya. Napailing naman ako at iniusod palapit sa kanya ang sabaw dahil tumutulo mula sa kutsara ang sabaw.

"Wala kaming klase. May kailangan daw asikasuhin prof namin." sagot ko sa tanong niya.

"Hmmm" hummed niya. Saka sinimulang kumain. Wala na rin akong nagawa at kumain dahil napaghainan na ako ni Bianca sa isang pinggan.

Hindi ko naman maiwasang tignan siya habang kumakain dahil sa bawat galaw niya ay nakahawak siya sa kanyang tiyan.

"R-Rox ayos ka lang ba?" out of blue na tanong ko. Napatingin naman siya sa akin at umiling.

Innocent MindWhere stories live. Discover now