Michelle Hoffman

10.3K 264 30
                                    

Michelle Hoffman

Prologue

"Mich why don't you wear your latest prada shoes? Parang lumang style na kasi yang suot mo ngayon?"

Napakunot ng kaunti ang nuo ni Mich dahil sa sinabi ng kanyang kaibigan. It should be one of the best night of her life pero tila nasisira iyon dahil sa mga bad comments ng mga ito.

College friends niya ang mga ito sa King's College in toronto Canada. Umuwi ang mga ito para lamang sa bridal shower niya ngayong gabi at sa gaganaping kasal niya bukas ng umaga.

Ito ang pinaka-ayaw niya sa lahat. Na-pepressure siya sa mga pagpapa-yabangan ng mga ito sa kahit anong bagay. Mapa-bag man iyon o sapatos.

"Oh. This is the lastest last week. So may bago na palang labas?" Naiiritang tanong niya. Wala na kasing ginawa ang mga ito kundi mag-usap tungkol sa mga materyal na bagay.

"Yeah. Just last night. And i have it.." Maarteng bumaba ang tingin nito sa makinis nitong hita pababa sa sandals nito

Ipinakita nito sakanya ang napakaganda nitong sapatos na suot suot nito.

"Oh good for you. It's nice.." Peke siyang ngumiti bago siya nagpaalam sa mga ito na gagamit muna siya ng banyo

Narinig niya pang nagtawanan ang mga ito.

Wala na siyang balak pang bumalik sa loob ng vip room na iyon kung saan ginaganap ang kanyang bridal shower na pakulo ng mga ito.

Hindi siya makahinga sa loob at para bang sinasakal siya ng hindi niya maintindihan

She just wanted to celebrate her bridal shower but ended up pissed. Wala na kasing ginawa ang mga babaeng kaklase niya noon kundi magpataasan ng ere at magpagandahan ng mga gamit.

Pagod na siyang makisalamuha sa mga ganitong tao.

Napabuntong hininga si Mich ng salubungin siya ng kanyang private driver. Nagulat pa ito ng makitang nakabusangot siya papalapit sa kotseng sinasandalan nito habang naninigarilyo

Agad nitong itinapon sa kalsada ang sigarilyo at tinapakan iyon.

"M-Ma'am mich uuwi na po ba kayo?"

"Yes!" Walang ganang sagot niya dahil sumasakit ang kanyang ulo.

Imbis kasi nagpapahinga nalang siya ay heto siya at nakikipag-sabayan sa mga sosyalistang kaibigan niya noon.

Well kaibigan nga ba niya ang mga ito? Maybe? Maybe no?

Iyon ang nagpapalungkot ng husto kay Michelle. Halos lahat ng gusto niya ay napapasakanya. Ipinanganak siyang mayaman ngunit pakiramdam niya ay isang sumpa iyon

Sometimes she wish her life will be as simple as normal people do. Without branded and luxury things. Without jewerlys! Ngunit paano naman ang mga taong nakakasalamuha niya? Mas lalo siyang mamaliitin ng mga ito.

Kung magpapakasimple lamang siya ay paniguradong lalaitin siya ng mga ito at higit sa lahat ay pagtatawanan pa siya.

Hinilot niya ang sintido ng kanyang ulo dahil lalong nanakit iyon.

Naalala niyang itext si Carlo ang soon to be husband niya. Mula kasi kaninang umaga ay wala pa itong text o tawag sakanya.

She texted him.

To Carlo: Carlo? Care to answer my calls?

Sent'

Hangang sa makauwi na siya sa mansiyon ay wala parin siyang natatangap na text message kay Carlo. Lalo tuloy sumasakit ang ulo niya.

Hinubad niya ang kanyang prada shoes na suot suot. Napangiwi siya ng makitang pulang pula na ang hinliliit ng kanyang paa

"It's expensive but not comfortable!" Naiinis na sambit niya bago niya iyon itinapos sa basurahan

Ngunit ng maisip niyang sayang naman ang sapatos na iyon na worth three hundred thousand pesos ay kinuha niya ito muli mula sa basurahan.

"Nakakainis kasi. Bakit ba kailangan magyabangan? Nakakapagod! Nakakastress!" Inilagay niya ang kanyang sapatos sa mismong box nito bago siya lumabas ng kanyang kwarto

Naka-tapak lamang siyang lumabas ng kwarto niya. But she can say that she really felt much more comfortable without wearing anything in her bare foot.

Malambot at malinis naman ang carpeted na sahig ng kanilang mansiyon kaya naman balewala lang sakanya ang pagtatapak

Kinatok niya ang pintuan ng kwarto ng paborito niyang katulong. Madalas niya itong bigyan ng mga gamit na pinag-sasawaan na niya.

Pupungas pungas nitong binuksan ang pintuan. Mukhang mahimbing na itong nakakatulog dahil maghahating gabi na rin. Batang bata pa ito at sa tingin niya nasa disinuebe anyos palang ito.

"Here.. Sayo nalang yan" Iniabot niya ang box ng prada shoes kaya naman napatulala ito doon

"M-Ma'am Mich--"

"Can i talk to you yaya?" Malungkot niyang tanong

Napakurapkurap naman ito dahil napansin nitong problemado siya.

"S-Sige po ma'am mich.. Ayos lang po ba kayo?" Nag-aalalang tanong nito habang nakatingin sa nanunubig niyang mga mata

Napalabi siya at bigla niya itong niyakap. Nagulat rin siya sa kanyang sarili kung bakit siya humahagulgol ngayon habang yakap ang kanilang katulong.

"I'm not happy yaya.. I'm not happy" Hagulgol niya habang yakap yakap ito

"Shhhh... Ma'am mich tahan na po.." Natataranta ito dahil sa paghagulgol niya habang hinahagod nito ang kanyang likod

"I just want to be happy. Bakit napakahirap? Bakit ang hirap maging masaya yaya? Bakit?" Patuloy parin siya sa paghagulgol

"Ma'am mich.."

Inilabas niya ang lahat ng lungkot na nararamdaman niya sa pamamagitan ng pag-iyak niya habang kayakap ang kanilang katulong.

Hinayaan naman siya nitong umiyak ng umiyak habang yakap yakap ito.

Nang mahimasmasan siya ay agad niyang inayos ang kanyang sarili. Napansin niyang basang basa ang damit nito sa bandang balikat dahil sa pag-iyak niya

"Sorry yaya nabasa ko tuloy ang damit mo.." Humihikbi paring sambit niya

"Ayos lang po ito ma'am mich. Pwede niyo po ako iyakan sa tuwing nararamdaman niyong mabigat na ang problema.."

She smiled at her. Mabuti pa ito, kahit mahirap lamang ito ay panigurado siyang masaya ito. Nagpaalam na siya bago pa man siya umiyak muli.

"Good night yaya. Salamat ulit. Huwag kang mawawala sa wedding ko bukas ha?"

"Opo ma'am mich.." Malungkot itong ngumiti sakanya na para bang awang awa ito sakanya. Marahil nararamdaman nito ang lungkot na kanyang nararamdaman

Hindi niya alam kung ano bang magpapasaya sakanya kung nasakanya na ang lahat?

Ano pa bang kulang sa buhay niya.

Teach me Primo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon