Chapter 5
Malakas na katok sa pintuan ang nagpagising kay Michelle kinabukasan.
"Uhmmmp!" Reklamong ungol niya at binalewala niya ang malakas na katok na iyon. Dahil masakit pa ang buong katawan niya sa sobrang pagod.
Muling kumatok ng malakas ang tao sa labas ng kanyang kwarto.
Napadilat siya ng kaunti at inis na bumangon dahil kung maka-katok ang taong iyon ay para bang pag aari nito ang kanyang kwarto.
"Yaya naman eh! I'm so sleepy pa po!" Sigaw niya habang pupungas pungas pa siya. Dahil antok na antok pa siya ay wala pa sa katinuan ang kanyang utak.
Tumayo siya sa kanyang kama. Nagtaka pa siya ng kaunti bakit nasa lapag siya.
Ngunit derederetso nalang siyang lumakad papunta sa pinto upang buksan iyon.
"Yaya mamaya nako mag breakfast--"
"Anong oras na mahal na prinsesa?" Sabi ng isang baritonong boses ng pagbuksan niya ito ng pinto
Isang mata palang ang kaya niyang buksan sa mga oras na iyon.
"Ha?" Inaantok na tanong niya. Wala pa siya sa kanyang sarili dahil hinihila parin siya ng kaantukan
Saglit siyang tinitigan ng lalake dahil napakaganda ng kanyang mukha. Lalo na ngayong bagong gising siya. Kagabi kasi ay napaka-panget ng kanyang mukha dahil sa makeup na kumalat sa buong mukha niya.
Ngunit ngayong fresh na fresh ang kanyang mukha at namumula ng natural ang kanyang pisngi at labi ay di maiwasan ni Primo na mapansin iyon.
"Tulog ka pa ata. May panis na laway ka pa" Masungit nitong sabi sakanya kaya naman para siyang binuhusan ng malamig na tubig at nagising na siya ng tuluyan.
Napatakip siya agad sa kanyang bibig at nanlaki ang kanyang mata. Bumalik sa kanyang alala ang mga nangyari kahapon habang nakatingin siya kay Primo.
"Ano gising kana ba?" Nakakunot nuong tanong nito sakanya ng di siya magsalita.
Paano ba naman mas gwapo pala ito kapag maliwanag ang paligid. Kung kagabi napansin na niyang gwapo ito ay mas lalo na ngayong maliwanag niyang nakikita ang taglay nitong karisma.
Parang mas gwapo pa nga ito kay Carlo! Ipinilig niya ang kanyang ulo dahil tulog pa nga ata siya dahil kung ano ano ang iniisip niya
"M-My gosh kasi eh! why are you so early Primo? And kung maka-katok ka naman parang gusto mong sirain ang door" Tumalikod na agad siya kay Primo dahil nahihiya siya sa kanyang itsura.
"It's ten oclock already miss. Hindi ganyan ang gising ng matinong tao kung gusto mong maging matino" Pumasok ito sa kanyang kwarto at inilapag nito ang isang maliit na paper bag sa maliit na lamesa niya
Napatingin naman siya doon
"And whats that?" Nakataas na kilay na tanong niya kay Primo
"Utang" Maiksing sagot nito habang tinitignan ang kanyang itsura
Naamoy niyang pagkain ang laman ng paper bag na iyon kaya naman napangiti siya agad
"Wow. Many thanks! Kahit antipatiko ka mabait ka naman eh. Ilista mo nalang to sa mga utang ko sayo okay?" Lumapit agad siya sa paper bag upang buksan iyon
Katulad kagabi isang tupper ware iyon na may lamang ulam at kanin. Sa amoy palang ng ulam ay alam niyang masarap ulit iyon
"Wala kang bra?" Balewalang tanong nito sakanya na para bang walang kamalisya-malisya ang sinabi nito
Bigla naman nag init ang kanyang pisngi ng mapatingin siya sa tinitignan nito! Walang iba kundi ang dibdib niya!
"Pervert!!!" Tili niya sabay takip sa kanyang malulusog na dibdib na nakabakat sa kanyang suot na t-shirt.
BINABASA MO ANG
Teach me Primo!
RomanceTitle : Teach me Primo (RomCom-Hotseries) Hindi lubos akalain ni Michelle Hoffman na sa mismong araw ng kanyang kasal ay aatras si Carlo ang lalakeng papakasalan niya. Hindi raw nito kayang maging asawa ang isang tulad niyang spoiled brat at walang...