Chapter 1
Hindi mabilang ni Michelle kung ilang beses na ba siyang napapalunok kasabay ng walang tigil na pag kabog ng kanyang dibdib.
Panay rin ang dasal niya sa mga oras na iyon.
"No.. Please Carlo.. Don't do this to me" habang pinapakalma niya ang kanyang sarili ay nakatutok siya sa kanyang cellphone. Ilang ulit na niyang tinatawagan ang numero ni Carlo ngunit cannot be reach ito.
Hindi niya rin maiwasan mag-alala para dito.
Halos mag iisang oras na siyang naka-upo sa loob ng kanyang white limousine bridal car habang hinihintay niya ang abiso ng kanyang wedding planner kung lalabas na ba siya doon
Ngunit mag iisang oras na siyang naroon ay hindi parin dumadating si Carlo kaya't hindi parin masisimulan ang kanilang kasal.
Today is her wedding day. She will marry Carlo Estrello the famous painter in the Philippines. Wala naman silang problema sa kanilang relasyon ngunit bakit tila umaatras na ito? O baka naman na-aksidente ito?
Hindi mapakali si Michelle sa loob ng kotse at panay rin ang pag silip niya sa labas ng bintana. Maraming tao ang nagkakagulo sa labas dahil hinahanap na ng mga ito si Carlo. Walang nakaka-alam kung nasaan ito! Pinahahanap na rin ito ng mga tauhan ng kanyang pamilya.
"Oh my gosh. Don't do this to me Carlo you're son of a bitch" Napapamura na siya sa inis.
Tumatagaktak na rin ang kanyang pawis at nasisira na tuloy ang kanyang napakagandang makeup ngayon. Napakamahal pa naman ng binayad niya sa hair and makeup artist niya ngayong araw na ito.
No one can do this to her! Not on her wedding day! She's Michelle Hoffman for heaven's sake! Ang nag-iisang unica-hija ng pinakamayamang pamilya sa buong Pilipinas! Hindi maaaring mapahiya ang isang katulad niya!
What will her friends say after this?!
Ngayon palang ay nababaliw na siya sa pag-iisip na maari siyang pag-fiestahan sa internet! Lalong lalo na ng mga followers niya!
"Oh noo! C'mmon Carlo don't do this!" Gusto na niyang ipukpok ang kanyang cellphone at ihagis iyon sa labas dahil sa sobrang inis niya kay Carlo
How dare him to do this to the one and only Michelle Hoffman?!
Kung alam niya lang na gagawin ito ni Carlo sakanya ay hinding hindi na niya ito babalakin pang pakasalan! Five months palang ang kanilang relasyon ni Carlo at siya mismo ang nagsabi kay Carlo na magpakasal na sila.
Because Carlo wants to have sex with her! Gusto niyang ikasal muna sila bago nito makuha ang virginity niya. Ngunit hindi niya akalain na maduduwag ito ngayong araw!
Maya maya pa ay nagulat siya ng mag ring ang kanyang cellphone at si Carlo ang tumatawag doon!Nanginginig pa ang kanyang kamay ng sagutin niya iyon.
"What the hell Carlo?! Where are you?!" Singhal niya agad kay Carlo ng sagutin niya ang kanyang cellphone"I-I'm sorry Mich. I-I can't marry you"
Nanlaki ang kanyang mata dahil sa sinabi nito. Para bang pinagbagsakan siya ng langit at lupa sa bawat salitang sinabi nito
"W-What?! No way! How dare you to do this to me?!" Sigaw niya at sunod sunod ng pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata
"Please Mich. Hindi ko kayang magpakasal sayo--"
"Asshole! You should told me that before! Ano nalang sasabihin ng mga followers ko?! Pagtatawanan ako ng mga friends ko! My gosh Carlo! How can you do this to me! Did you know how much this wedding cost?! And my gown it's from france--"
BINABASA MO ANG
Teach me Primo!
RomanceTitle : Teach me Primo (RomCom-Hotseries) Hindi lubos akalain ni Michelle Hoffman na sa mismong araw ng kanyang kasal ay aatras si Carlo ang lalakeng papakasalan niya. Hindi raw nito kayang maging asawa ang isang tulad niyang spoiled brat at walang...