Chapter 11

171 3 2
                                    

CHAPTER 11

"Wala lang ito," tugon ko sa kanya at mahina kong winaksi ang kamay na nakahawak sa pisngi ko. "W-Wala lang talaga" pag uulit ko pero binigo ako ng sarili kong boses, naputol ito at ilang minuto mula ngayon ay maiiyak na ako dahil sa boses niya. Boses na nag-aalala at mahinahon, tono na hindi ko pa naririnig mula sa mga magulang ko at ng mga taong nasa paligid ko.

"Are you sure?" tanong niiya ulit. Sinisiguro ata na okay ba ako at tumango lang ako bilang tugon. Napabuntong hininga siya at hindi na nagsalita pa. Tumikhim naman sina lola at ang chef para kunin ang atensyon naming dalawa.

"Oh? Kakilala naman pala kayo ineng, hindi na kami mag-aalala na wala kang kasama kapag ikaw na ay aalis." aniya sa amin. Ngumiti nalang ako at napatingin kay Jacob, na nakatitig lang pala sa akin kanina pa.

"Gusto mo bang sumama?" malumanay siyang nag tanong sa akin. He also looked like he is concerned on my reaction and mood rather than my answer to his suggestion.

"Hindi na." Tumayo ako at ngumiti uli kina lola at sa chef. Tinapik ko naman si Jacob sa kaniyang balikat bago ako tumango para at nagpa alam sa kanila. Lumabas ako sa karenderya at naglakad na papunta sa terminal ng bus at pumasok sa kakadating lang na bus. Mabuti nalang talaga at mayroon pang bumabyahe kahit na medyo late nadin. Siguro dahil meron pang mga taong naghihintay kahit na late na. Umupo ako sa pinakadulo at ipinahinga at ulo ko at pumikit.

Naramdaman ko nalang na mayroong tumabi sa akin at nakita kong si Jacob pala iyon. "Akala ko may pupuntahan kapa?" tanong ko sa kaniya.

Hindi siya nagsalita at tinitigan lang ako. "Nagulat kaba sa ugali ko?" Mahina akong tumawa at saka nagsalita, "Akala mo siguro palagi akong makulit no? Especially sa reception ng kasal."

Binasa niya ang labi niya. "Yeah, akala ko talaga makulit ka, and bubbly. Is that your defense mechanism?" tanong niya. "If that's offensive or I asked something too personal, I apologize."

Natawa naman ako at napangiwi dahil biglang kumirot ang sugat at pasa ko. "Hindi oy, okay lang. But to answer your question, I think, oo? kasi ang plastic naman kung sasabihin ko na natural na ugali ko talaga at in born na ako sa pagiging bubbly kung hindi naman talaga? Kung tutuusin, iba naman ugali ko dati at ngayon. So defense mechanism ko nga talaga."

Hindi siya nagsalita ang nanahimik lang. "Ikaw? Bakit ka nandito?'' tanong ko sa kaniya.

"May hinahanap nga tao, I met that person back then and I was drunk. I want to apologize and take responsibilty in case something did happen." aniya.

May kung anong pakiramdam akong naramdaman at tsaka nagtanong, "Anong nangyari?"

"I went to a bar, years ago. I got drunk real bad and I didn't remembeer anything that I did but someone keeps on sending me pictures of a baby with a recipient with J.N initials. Come to think of it, both you and the child got the same eyes."

Kumurap ako ng mabilis. "Talaga? Kasing cute ko ata ang bata kaya nasabi mo iyan." Ngiting-ngiti ko pang sabi sa kaniya pero nanatiling kalmado at walang ekspesyon ang mukha niya.

Hindi niya ata dama na cute talaga ako.

"Not that, both of you really got the same eyes. Both brown and doe." Tumitig siya sa mga mata ko at ang nakangiti kong mukha ay napalitan ng kakaibang emosyon.

Mahina akong napakurap, nag hiwalay ng isang centimetro ang mga labi ko, at tumitig pabalik sa kaniya. Ang dating walang ekspresyon at kalmadong pigura na nasa harapan ko ay kumurap ng mabilis kasabay ng pagbilis ng mga pintig ng puso ko ngayon.

What's happening? Anong meron sa mood ngayon? Kanina ay sobrang gaan pero ngayon iba na ang ihip ng paligid, naging mabigat pero napaka komportable. "J-Jacob... hindi kapaba pupunta sa destinasyon mo?" Tumawa pa ako para hindi niya marinig ang naghuhurumentadong pintig ng puso ko at para nadin maalis ang kaba ko.

Tinapik ko pa siya sa kaniyang balikat at nagsalita, "Baka dahil sa akin kaya di ka makaalis, parang I'm feeling special na ha."

Hindi padin siya nagsalita at nanatiling nakatitig sa akin. "Tingin to ng tingin, baka iisipin kong crus -- "Are you okay now?" tanong niya.

Tumango ako at ngumit na parang proud. "Naman."

"Come to think of it, medyo malikot ka pala. Cute."

Kung kanina ay parang soap opera na heavy drama ang nangyari sa buhay ko, naging romcom, na naging steamy air kasi akala ko talaga mag k-kiss na kami dahil sa kakatitig niya, to ngayon na bigla akong sinasabihan na cute ako?

Parang gusto ko bigla mag bombastic side eye sa kaniya pero dahil ampogi niya, sige heart eyes nalang. Charot. "Pero seryoso nga, Jacob. What if puntahan mo nalang talaga iyong taong nagbibigay sayo ng mga baby pictures, baka kasi anak mo iyon or something. I mean, wala namang mawawala sayo kung totoo, may nadagdag lang," masimsimang payo ko sa kaniya.

Ngumiti naman siya sa akin bago tumunog ang cellphone niya. Hindi ko nalang pinakinggan kasi privacy din naman niya iyon at nagsout nalang ako ng earphones at pinalakasan ang tunog. Ilang minuto pa at nasa magandang parte na ako ng kanta nang tinapik niya ako.

"I'll go now Janah, iyong taong nagpapadala ng mga baby pictures came here. She said that she's going to meet me personally and dito sa terminal niya naisipan."

She probably thinks that I'll ran away incase at naisipan niyang dito nalang para madali lang makatakbo.Very witty naman.

Tumango naman ako at sinundan siya ng tingin. Doon ko nadin napansin na malapit na pala kaming bumyahe kasi dalawang pasahero nalang ang kulang para makaalis kami at saktong may isang dumagdag nung bumaba siya.

Sinilip ko naman si Jacob sa bintana at nakita ko si Jasmin na nakaupo doon. Kailan pa siya dito? Sinundan ba niya ako? Pero natigil ang pag iisip ko ng biglang lumiwanag ang mukha niya ng nakita niya si Jacob at mabilis niya itong nilapitan.

Anong nangyayari? Don't tell me si Jacob ang ama ng anak niya?

Marry Me, FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon