Chapter 12

163 6 1
                                    

CHAPTER 12

Anong nangyayari?” tanong ko sa sarili ko. Anong nagyayari? Si Jacob ba ang ama? Ito ba iyong panahon na narape ako, at sumama siya sa mga kaibigan ko sa club? Hindi ko alam kung matutuwa ako o ano, matutuwa kasi may tatay na ang pamangkin ko kahit na galing siya sa nanay niyang napakasama ng budhi o malulungkot para kay Jacob kasi ang malas niya at ang kapatid ko pa talaga ang babaeng nag s-send ng pictures ng baby.

Gusto ko pa sanang bumaba nalang sa bus kasi baka niloloko lang pala ni Jasmin si Jacob pero hindi ko na magawa kasi nagsimula ng tumakbo ang bus na sinsakyan ko, at unti-unti nading nawala sila sa paningin ko.

Iwinaksi ko nalang ang mga pag-aalala at nagpahinga. Kahit na kapatid ko si Jasmin, may masama padin siyang ginawa sa akin at hindi ko siya - sila mapapatawad, at kay Jacob naman, oo may pinagsamahan nadin kami pero di ko din kasi masasabi na may nararamdaman ako sa kaniya. Simpleng attraction lang ganun.

"Kamusta ka naman Janah?" tanong ni Gian. Kanina pa akong umaga dumating dito sa Manila. Mabuti nalang talaga at naka pag pahinga ako sa byahe at hindi na gaanong sumasakit ang katawan ko sa bugbog at paghila nila sa buhok ko.

Hindi muna ako umuwi kina ate at baka mag-alala lang iyon. Ayoko din makita ng anak nila na napuno ako ng sugat at pasa.

"Hindi ko alam. Masakit ang mga pasa at sugat pero mas masakit pala pag sariling kadugo mo na ang gumawa sayo ng masama." Bumuntong hininga ako. Kay Gian ako nakituloy nung unang sabak ko dito, iyong panahon na pinayalas nila ako. Mabuti nalang talaga at kahit loko-loko ito ay tinulungan padin ako.

At mabuti nalang talaga at naalala pa niya ako kahit na antagal na naming hindi nagkikita. Childhood friends kami nitong ni Gian, nung nagka labuan ang nanay at tatay ko ay doon ako pinatira ng magulang ko kina tita na ngayon ay nasa Amerika na. Binigay nila sa akin ang bahay nila na ngayon tinitirhan namin ni ate. Doon din kami nagkakilala ni Gian.

"By the way, wala kabang jowa 'te? Baka magalit sa akin pag nakita ako." Ngumiwi ako dahil kumikirot bigla amg sugat ko at dahil nadin sa pag-alala na baka ay masabunutan ako part 2 dahil sa jowa niya.

"Bobita, wala. May hinihintay ako." Bigla naman siya tumingin sa kawalan at parang nag e-emote pa.

"Weh? Di nga." Inaasar ko pa siya kaso sobrang iritado na niya at parang wala siya mood para makipag asaran sa akin. Usually sobrang effort talaga siya para asarin ako at kulang nalang suntukin at pagalitan siya ng sobra pero iba ang timpla niya ngayon.

"Okay kalang te, iba ata mood mo ngayon," tanong ko sa kanya. Hindi siya nagsalita ang bumuntong hininga. "Pst. Gian!"

"Hindi ako okay malamang,"  pasaring niyang aniat tumayo papunta sa kusina niya. Nakatitig lang ako doon at bigla naman siyang dumating hawak ang dalawang bote ng soju at maliit na baso. "Arat inom."

Paibaba akong ngumiti at tsaka masiglang kinuha ang soju na inabot niya sa akin. "Anong problema mo?" tanong ko sa kanya.

Mahina niya akong binatukan at nagsalita, "Gaga, dapat ako ang magtanong sayo. Anong nangyari? Umuwi ka ba sa inyo?"

Alam niya ang nangyari sa akin, alam niya lahat. Kaya nga bff ko ito. "Umuwi, dumating kasi si Maria sa pinagtatrabaho-an ko at as usual gumawa ng masama at nawalan ako ng trabaho." Sumandal ako sa upuan at tumuloy sa pagsasalita. "Ewan ko ba sa kanila. Bakit sobrang galit ng kapatid at mama ko sa akin? Alam nila na nirape ko ni papa pero bakit kay papa sila naniwala at kumampi?"

Hindi siya nagsalita ang nanahimik lang, ganiyan siya kapag nagsasalita ako. Nakikinig lang siya at hindi ako pinuputol. "Ano bang kasalanan ko?" Tumawa ako ng mahina at nagsalin ng soju sa baso. "Ampon ba ako? Mas maniniwala siguro ako na ampon ako at wala akong kadugo kahit isa sa kanila."

"Oh tapos na ako, ikaw naman."

"Pinipilit ako ni mama maging pari." Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa kaniya. "I know, hindi bagay. Hindi ko din alam anong nasa utak ng nanay ko."

"Naniniwala na naman ba siya doon sa manghuhula na peke?" Tumango siya at uminom. Halos paubos nadin ang iniinom namin kaya tumayo siya at kumuha ng panibago. Ilang beses nadin kaming uminom nito si Gian, at ilang beses nadin akong naunang nalasing at na black out. Sobrang taas din kasi ng alcohol tolerance nito. Siguro dahil sa pagrerebelde sa mama niya kaya andami niyang ginawang labag sa loob ng nanay niya.

Mayaman iyan si Gian, kami din dati. Medyo may kaya pero inubos nilang lahat sa luho kaya ayon, nawala at kaya kami lumipat ng bahay.

"So anong gagawin mo ngayon?" curious akong nakatingin sa kaniya matapos ko iyong itanong.

Tinagilid niya ang kabiyang balikat at nagsalita, "Ewan, baka magpakasal?" pagbibiro niya.

Natawa ako at tsaka siya pabirong tinuro, "Good idea."

Nakaramdam na ako ng hilo at parang anytime ay malalasing na ako at magblack out pero tinuloy ko padin at ang pag inom. Nakailang baso na kami at kanina pa tahimik pagkatapos niyang sabihin ang rason niya.

"Alam mo, ayoko talagang nakikita kang may sugat." Tumabi siya sa akin at hinawakan ang mukha ko. Nahihilo na ako at dumadalawa na ang paningin ko pero nagawa ko pading magsalita. "Kashi ano, nashaktan ka?" pabiro kong aniya.

Seryoso siyang nagsalita, "Oo, bawal? Alam mo Janah, the only time I can only express myself fully is when you're drunk. The only time na nasasabi kong mahal kita, and the only time I can repetively say that I love you so bad at ayokong masaktan ka kasi hindi ko kayang tignan ka nang may sugat." Niyakap niya ako. "And every damn time you always forget how you kiss me first."

Hindi ko na siya marinig ng maayos at tumawa. "Hehe, sabi mo papakasal ka. Marry me, future father," aniko at hinalikan siya bago ako pumikit at nagdilim na ang paningin ko.

Marry Me, FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon