Chapter 10

266 8 4
                                    


                                                                    CHAPTER 10

"Ngayon na alam niyo na, magagawa niyo padin bang magalit sa akin lalo na sa naranasan ko?" nanghihinang tanong ko sa kanila, lalo na nanay kong galit sa akin.

"Oh tapos?" tugon niya sa sinabi ko. Nanghina ako sa sinabi niya at bumagsak pa lalo ang mga luha kong kanina pa lumalabas. Paano niya nagagawang maging ganito sa anak niya? Wala siyang reaction na nakatingin sa akin at hindi pa siya nagulat.

Hindi nagulat...nanghina ng lubusan ang aking paa dahil sa natuklasan, "Alam niyo? Alam mo... Ma? ... Paano mo na sikmura ng ganito, alam mong nirape ako ni Papa pero sa akin kayo nagalit... itinakwil niyo ako..." Sobrang sakit ng puso ko at para akong hindi makahinga, para akong tinutusok ng napakaraming karayom, paano nila nagagawa iyon? Alam nila pero wala silang ginawa pero ako pa ang sinisisi nila sa nangyari sa kapatid ko... sinabihan ng mga masasamang salita... pinalayas, tinakwil.

"Sinabi sa akin ng asawa ko, nilandi mo siya at ginamit mo ang kahinaan niya... lasing ang asawa ko nang nangyari iyon at nilandi mo siya..." matigas niyang aniya at nagawa pa akong sipain. "Ama mo pa talaga Janah, ganoon nalang ba talaga kakati iyang katawan mo at ang ama mo pa talaga ang ginawa mong biktima."

"Ang kapal—" magsasalita na sana ako ngunit sinampal na niya ako. Hindi niya ako binigyan ng pagkakataon para magsalita at hinila niya ako ng malakas at ramdam ko na ang kuko niyang bumaon sa braso ko.

Kung ganoon, alam nilang may ginawang masama ang lalaking kadugo ko, ang unang lalaking pinagkatiwalaan ko, ang taong nag-alaga sa akin, ang tatay ko. They knew he raped me but masked it off as me, seducing him. Paano nila naatim na pagsabihan akong ganon kung alam nilang hindi naman ako ganoong klaseng tao?

He raped me. And that's not even the first time he did it, Jasmin knew and now she's the one hurting me both emotionally and physically. Kung tutuusin, dapat nga pinakulong ko ang ama ko at ang kapatid ko dahil sa nangyari pero pamilya ko pa rin sila and Jasmin...

She filmed it. She is my father's accomplice while he's harassing me, she's the real malandi who seduced him at hindi ako. And I can't even appeal that to everyone especially this family, lalo na at ganito na lang ang reaksyon nila... na ako ang masama.

Bigo akong umalis sa bahay na iyon at nakatingin sila sa akin ng may galit sa mata. Nahagip ng tingin ko si Jasmin na nakatingi sa akin at nakangisi, tila inaasar ako. "Babalikan ko kayo, and this time... sa korte nalang po."

"Manigas ka. Ikaw ang dapat na ipakulong."

Umalis na ako roon at mabigat ang loob. Doon ko narin napansin ang katawan kong napuno ng sugat dahil sa kuko at pasa dahil sa ginawa nila sa akin sa bahay na iyon. Of course, mahina ako pag sa pamilya ko and I didn't notice that not until they hurted me that day.

Halos kalahating oras nadin akong naglalakad at mabuti nalang talaga at malapit lang ang terminal ng bus doon sa bahay namin. Tumigil muna ako doon sa karenderya, nag iisang karendeya na bukas pa sa oras na ito. Naala ko tuloy noong pinalayas nila ako ng dis-oras ng gabi at sa mismong lugar na ito ako kumain habang umiiyak.

"Hija?" tawag sa akin ng isang babae. I looked at her and smiled. She's quite old and oddly familiar. "Nako hija, ang dami mong pasa! Ano na naman bang ginawa ng pamilya mo at ganito ka?" tanong niya. Inalalayan niya ako papasok at pinaupo ako doon sa may kusina. May kaunting table roon at napasulyap naman ang mga tauhan lalo na ang chef.

"Anong nangyari 'La?" tanong nung chef. Tinigil niya ng kaunti ang ginagawa niya at tumitig sa akin. "Ay hala, diba ikaw iyon anak nung sino nga ulit iyon? Ah! Ikaw iyong umiyak dati!" aniya pa sa akin at tinuro ako.

Napakunot ako at naalala ko na kung bakit, sila iyong umalalay sa akin nang umiyak ako dati. Back then it's the people, very kamukha nung tumuro sa akin. Parents ata niya ang nagpapatakbo nito tapos ngayon silang dalawa na. I don't want to ask too, buhay naman nila iyon.

"Nako hija, bakit bumalik kapa dito." Inalo alo naman nila ako dahil nagbabadya na naman ang luha na lumabas sa mata ko.

"Hello! May tao ba here?" sigaw ng isang lalaki. Again. Oddly familiar nung boses.

"Diyan ka muna hija at may kostumir." Ngumiti siya sa akin bago umalis. Nagsalita naman iyon chef at dinaldal ako, para siguro hindi ako masaktan. Nagluluto kasi siya ng ng sabaw habang naghuhugas ng plato.

Lumabas naman ako sa kusina at sumilip para magpaalam, sa terminal na ako mismo maghihintay ng bus, pero nakita ako ng may-ari at tinigil. "Hija! Hala, wag ka munang umalis! Jusko, gamutin muna natin iyang sugat at tsaka heto. Ice! Ilagay mo muna dito."

Lumapit siya sa akin at pinaupo ako. Napatingin naman ako sa lalaking kausap niya kanina, at napatanga nalang talaga ako kung sino iyon.

"J-Jacob..." usal ko. He stared at me as if he sensed something. Tumitig siya sa akin, at pinalandas niya iyon sa buong katawan kong may sugat, then he slowly stood and went his way unto me. "What happened? Who did this to you?" tanong niya, he placed his hand on my face and lifted my chin.

Huminga siya ng malalim at nagsalita, "Who dares to do that to you?!" galit niyang aniya. Napansin ata ng may-ari ang mood niya at binigay sa kanya ang ice na hawak niya para siguro siya na ang nagbigay sa akin na pwede naman sa akin na diretso.

Binigay din niya kay Jacob ang emergency kit at tinanggap naman iyon ni Jacob para linisin at lagay ng ointment ang sugat ko. "Tell me Janah, what happened? You were fine the last time I saw you, you had this positive and cheerful aura. But now... why is it so gloomy? What did those fucker did to you?"

Tumingin ako sa baba at napiling manahimik. He gently raised my face and stared into my eyes. "Wala lang to Jacob. T'saka ako na ang gagamot sa sugat ko." But he didn't let me. He silently cleaned my wounds and put an ointment on it. We remained silent until it ends, and I appreciate that he didn't ask anything nor tried to talk to me because I needed peace.

Marry Me, FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon