pumasok ako ng maaga ngayon kasi naalala ko ung sinabi ni Andrei na may assignment nga daw. tinext ko na lang si Jerione na mauuna muna ako sa kanya pumasok at may aasikasuhin ako. hay nako naman kasi si Franco dinaldal pa ako, ayan tuloy. hindi ko pa naman ugali na nangongopya ng assignment.
sa sobrang aga ko dumating sa school, nakalock pa ung room. dapat pala kumain muna ako ng almusal sa labas. parang gusto ko ng nissin cup noodles seafood. Hmmmm. pero bakit sniff sniff. pero bakit parang naamoy ko na ung gusto ko?? Hala naghahallucinate na ba ako???
"Good morning angela! Aga natin ha?" si Franco lang pala. At siya din ung may dala ng cup noodles. Di ko alam kung talagang inaasar ako ng tadhana.
"Kasalanan mo kaya, sinabihan ako ni Andrei kagabi na may assignment. Hindi ko narinig kasi kinakausap mo ako non." Bat ang taray ko ata ngayon? gutom lang siguro.
"Ohhhhh??!! May assignment?? Pakopya!" Anak naman ng tokwa o. Hindi niya siguro gets bakit ako pumasok ng maaga, para kumopya. -_-"
"Mangongopya nga ako kasi wala ako sagot, sige na nga aalis muna ako. Bibili lang ako ng cup noodles. Kanina pa kasi ako nagugutom tapos may bitbit ka pang ganyan."
"E di sayo na lang to" o.o pagkain. Wow, di ako tatanggi. Pero wait di pa kami close. Nakakahiya pala.
"W-wehh? E pagkain mo yan e?"
"Peace offering, kasi di ka nakagawa ng assignment dahil sakin, so ayan sayo na lang. Don't worry, walang lason yan at lalong lalo walang gayuma. Haha." di mo naman kailangan manggayuma, ang pogi mo na kaya. Plus points pa na gentleman ka. Yun nga lang, para kang bakla. Ang daldal mo sobra.
"Hindi na franco, bibili na lang ako. Nakakahiya naman sayo, wala ka pa kaya kinakain." Matakaw ako oo pero hindi naman ako mangaagaw ng pagkain na may pagkain no.
"Okay lang, nakadalawang hotdog sandwich na ako saka isang one piece chickenjoy" edi wow. ang takaw din pala neto.
"Ang dami mo naman kinain, di ka gutom? Haha"
"Breakfast is the most important meal of the day kaya dapat heavy breakfast palagi. Kailangan ng utak natin ng glucose para magfunction ng tama. Kaya kainin mo na to hangga't mainit pa. Kasi kung hindi, iisipin ko tinatanggihan mo ung pagkakaibigan natin" sabi sainyo ang daldal e, dami pa sinabi. Hahaha.
"Sige na sige na. Hahaha."
Kinain ko na, mamaya kung ano pa sabihin nanaman neto._________
"Mia!"
"Ay anak ka ng kabote. Ano ba yun andrei, papatayin mo ba ako sa atake sa puso ha?" Muntik pa ko malaglag sa inuupuan ko. May inabot siyang pael tapos umalis.
"Huh? Topak nun?" Tinignan ko ung papel. Assignment to. At pangalan ko nakalagay. Ibig sabihin sakin to. Pero bakit? Bakit niya ako ginawan?
"Ui angela anong trip ni drei? Isa pa tong kabote e, bigla bigla susulpot. Sasabihin ko ba sa kanya? Di naman kami close. Di pa.
"Ah wala, ewan ko dun. May sapak sa utak"
Nagstart n yung klase pero di pa din mawala sa isip ko ung ginawa ni andrei
Naweweirduhan na ako sa kanya ha. May gusto ba sakin yun?
Asaaaaa, mukha kaya akong frog. Literal na ugly duckling.
Yung buhok ko papunta sa lahat ng direksyon, ang taba taba ng pisngi ko mukha akong siopao.
Oo maputi ako pero sa sobrang kaputian, mukha na akong walang dugo.Ai nakooo Mia wag ka magfeeling. Mahirap na, wag mo na ulitin yung dati.
Magfocus ka na lang sa pagaaral."Walang love life. Walang love life."
"Yes Ms. Villegas, ano ung sagot sa tanong ko?"
"U-uhm according po sa assignment, the power house of the cell is the mitochondria since it produces energy int the form of adenosine triphosphate or ATP. this substance is required for different processes to occur."
"Well done Ms. Villegas"
weww, akala ko mapapahiya na ako sa class. hay nakoo mia, kung ano ano kasi iniisip mo e. Muntik ka na tuloy mapahamak.
"Ok lang yan angela, wala din akong love life. Hihihi." Pabulong na sabi ni Franco.
Ughhhhhhh. Feeling ko puro pangaasar lang gagawin sakin ng lalaking to sa buong taon. Hayy Lord.
Paglingon ko sa harap nakatingin pala si Andrei. Bumulong ako ng thank you at nginitian niya ako
Parang biglang gumaan ung pakiramdam ko. Hayy andrei, anong ginagawa mo sakin?____
dahil bakasyon nagsisipag magupdate hehehe ;)
Enjoy!! :* hugs and kisses!!
BINABASA MO ANG
past. present. future.
Teen Fictionyou can never say that past is not important because it affects your present and could change your future.