"NOOOOOOOOOOOO!!!!!! BAKITTTT?? Bakit kailangang mangyari sakin to?!!" kung mamalasin ka nga naman oo. mula sa kahihiyang dinulot ko kanina pa hanggang sa mawalan ng cellphone.
oo, nakailang tawag na ako ulit ang tanging naririnig ko lang ay "the number you have dialed is not yet in servie"may balat ata sa puwet itong lalaking ito ehh!! kasalanan niya T_T kung di niya ako pinansin na umiiyak e di sana di niya binigay ung panyo niya sa akin. kung di ko naman kailangang ibalik ung panyo niya e di sana may phone pa ako hanggang ngayon.
"i-i'm sorry miss. wag ka na magsusumigaw diyan nakakahiya sa mga tao baka sabihin pa nila ako ung kumuha ng phone mo. wag ka na din umiyak. kakasabi ko lang na wag mo sayangin ung luha mo. pag maglulupasay ka ba diyan makukuha mo ulit ung phone mo? di naman di ba?" para akong binuhusan ng malamig na tubig na may yelo pa. ohhh Lord kailan pa ba matatapos itong kahihiyan ko sa araw na ito? T_T pero imbis na lumamig ung ulo ko, lalo pa akong nainis. feeling ko nga umuusok na ung tenga at ilong ko. mala-Godzilla ba.
"anak ng walanghooooo!! e kasalanan mo naman kung bakit nawala ung phone ko di ba?? kung hindi kita hinabol e di sana hindi ko naiwan ung phone ko!!! FUCK!!" shit. pag ako talaga napupuno sumasabog na lang ako bigla. hayy nakokonsensya na tuloy ako sa sinabi ko. pwede bang bawiin? kaso hindi eh..
kitang kita ko sa mga mata niya na galit na siya. that very cold stare. sabi nga nila if looks could kill siguro kanin pa ako nachainsaw o kaya naman tunaw na ako kasi iba ung titig niya. ung feeling na par siyang si cyclops at tinunaw ka na gamit ung superpowers niya.
ang laki lang ng gulat ko ng bigla siyang sumakay ng isang black matte na lamborghini aventador. oo alam ko. un lang naman dream car ko. pero san nanggaling un? kanina pa ba un andito? pinausog niya sa passenger's seat ung nagdrive nung kotse. baka siya ung may-ari? siguro. hello? iphone 5 lang naman ung phone ni kuya. pero shet lunggsss. bakit siya nagvavan? at bago pa ako makapagreact sa mga nangyayari. ung phone niya naiwan sa kamay ko.
"sa iyo na lang yang phone ko. para manahimik ka. " un lang at pinatakbo na niya ng mabilis ung kotse niya papasok sa exclusive subdivision.
O_O << oo ganyan ung itsura ko ng iniwan niya ako. muntanga lang no? ang bastos naman ni Andrei. NO. don't call him by his name, you both are never friends. pero gags, anong gagawin ko sa phone na ito??
so ayon mga 30 minutes din ata akong nagantay sa kanya para bumalik pero wala kaya nagdecide na ako sumakay pauwi. kasi ba naman ang sama ng tingin ng guard akala ata niya akyat bahay ako na nagbabantang pumasok sa subdivision na un. hell no. uuwi na lang ako dahil pagod na pagod na ako. inayos ko ko kasi ng buong araw ung papasukan kong college. nakakuha kasi ako ng scholarship sa dream school ko. saan? The Pontifical and Royal University of Santo Tomas. yahoo!! :D
"bakit parang wala atang tao sa bahay?" yan na lang nasabi ko ng makitang wala pa ding ilaw sa may bahay namin. e mag aalas otso na ata? hala shet. kinabahan ako kaya dali dali akong pumasok sa gate at nung pipihitin ko na ung pinto, di nakalock?? Lord wag naman sana.
sa sobrang takot ko humablot pa ako ng tabla sa labasan bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay.
sa kadiliman ng bahay biglang may narinig akong boses na papalapit sakin. "HA-"
"KYAHHH!!! MAGNANAKAW!! MGA KAPIT BAHAY TULONG!!! " hinampas ko ng hinampas ung lalaking nasa harapan ko. aba mahirap na mamaya itali pa niya ako at gahasahin. sorry ka kuya over my dead body. buti kung mabuhay ka pa pagkatapos kitang pukpukin ng tabla no?
"a-aray! aray! masakit!! putcha! tama na! aray masakit nga sabi! ano ba Miyong!!!" Miyong? isang tao lang ang tumatawag sakin ng ganoon ha? tapos biglang nagbukas ung mga ilaw.
BINABASA MO ANG
past. present. future.
Teen Fictionyou can never say that past is not important because it affects your present and could change your future.