PPF 4: to know you

12 0 0
                                    

"A-Andrei....."

hindi ko alam kung matutuwa ba ako or maiinis or magpapasalamat or nagsisisi. hindi na kasi siya nagtext or tumawag noon after nung birthday ko. alangan naman na ako ung magtext di ba? babae ko no. siyempre mahiya naman konti isipin pa niya na may gusto ako sa kanya. wala naman di ba? 

"what's your name again?" -_-' ouch ha. wala pang isang buwan nung una at huling beses tayo nagkita nakalimutan mo na ung pangalan ko?

"M-Mikhael Angela Vi-" 

"okay class good morning! i am mrs. Villafuerte your class adviser and i shall set your seating arrangement alphabetically. let's start. Mr. Andrada, Andrei Xander. You in front." awts naman. anlayo ko sa kanya. -__- paano kaya yan? siya lang naman ang kakilala ko dito. sigurado na sa hulihan nanaman ako. hayyy.

"Ms. Villegas, Mikhael Angela,.." okay -_- likod nanaman. pero okay lang at least hindi ako ung laging natatawag ng prof di ba? at saka hindi kasi ako sanay na sa harap ako tapos may nakaupo sa may likuran ko. ayoko kasi ng may nililingon. 

"and last Mr. Franco Zobel."O_O hindi ako huli?? \[^_^]/ yehey!! whooooo!! first time hahaha.

nagsimula na si ma'am magorient sa amin. halata namang bored na bored na mga kaclase ko kasi ung iba kinakalikot na ung mga phone nila. grabe halos lahat naka iPhone o kaya Samsung Galaxy. wow. nakakahiya pala ung phone ko dati. buti na lang binigay sa akin ni Andrei 'tong iPhone niya. hihi.

"hi seatmate! i'm franco and you are?" sabay abot ng kamay. shake shake.

"Mikhaela Angela, but you can call me Mia for short."

"sobrang ikli naman ng nickname mo, pwede ba kitang tawaging Angela? if that's okay with you?" omygosh. pogi pala tong katabi ko no? kahawig pa niya si Zac Efron. pinagkaiba lang nakasalamin siya at brown ung mga mata niya. 

"Okay? pero wag mo iexpect na kapag tinawag mo ako by that lilingunin kita kaagad"

"masasanay ka din since ako lang naman ang tatawag sa iyo na angela dito sa school." sabay ngiti. hindi ko alam kung bakit ako kinakaban? grabe ang bilis ng takbo ng puso ko.

luckily, the bell rang. lunch break na namin. hayy speaking of lunch. paano kaya ako kakain? wala naman akong ibang kakilala dito? at saka mukhang lahat sila bibili, ako lang ata ang may baon. si Jerione naman mamaya pa ung lunchbreak niya may klase na ako =______=

"Angela would you want to come with us for lunch?" hala nakakahiya. e may baon na ako?

"ahmm ano kasi Franco, may ba-" di ako pinatapos sa sasabihin ko ng may biglang sumingit at itinayo ako.

"Mia, let's go?" sino pa nga ba?

"o-ookay? sige Franco maybe next time! thank you sa invite!" at dali dali akong hinila nung mokong palabas ng room.

"ano bang problema mo Andrei?" inis kong sabi sa kanya. kasi naman wala na akong balak lumbas pa ng room.

"yayayain kita maglunch. tara treat ko!" teka ano problema netong lalaking to?

"may baon akong lunch no. thanks na lang at saka nakakahiya kaya! gagastos ka nanaman. di ko pa nga nababayaran ung phone mo." grabe kaya. hindi ko pa nga napapalitan ung wallpaper nito. kasi naman di ako talaga ito. mamaya kunin niya na pala.

"ang kulit mo din no? binigay ko na nga sa iyo yan e. teka ano bang baon mo? baka naman nilagang itlog lang yan?" what! o_o may sademonyo ba tong taong ito at alam kung ano ung baon ko??

past. present. future.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon