Chapter 1 - I Miss You
Nilagok ko ang vodkang kakabigay lang ng bartender sa akin. Ilang shots na ang nainom ko ngunit parang walang epekto ang kahit anong inumin ko. Sinubukan ko na ang lahat ng klase ngunit pakiramdam ko ay nandoon pa rin ang alaala. Ang alaala na nagpapakaba sa akin.
"Wala na ba kayong mas matapang diyan?" asik ko sa bartender.
Napansin ko ang gulat at takot sa kaniyang mga mata ng mapasigaw ako. Hindi niya alam kung sasagot ba siya sa aking tanong o hindi.
Tss.
"Ma'am. Iyon na po ang pinakamatapang. Baka po malasing kayo ng sobra kapag binigyan ko pa kayo ulit."
"Why do you care? I can handle myself. Just give me the damn alcohol." Medyo iritado ko nang sabi sa kaniya.
I dont want to be rude here pero masyado na siyang nakikialam. Ano bang alam niya. Wala naman diba?
Sinunod niya naman ang gusto ko kaya pumasok na siya at naghanap ng nirerequest ko. Tinitigan ko ang basong wala nang laman. May bakas pa ng pulang likido ng alak na nandoon. Kulay pula ito kagaya ng dugo.
Ilang sandali pa ay ramdam ko na ang pagkahilo ng aking sistema. Hindi ko alam pero parang ngayon lang ata umepekto ang lahat ng nainom ko. Ayoko nang ganitong walang ginagawa dahil masyadong maraming imahe ang pumapasok sa isip ko. Ang gusto ko lang ay makalimot.
Kahit sandali lang. Kahit kaonting oras lang. Para naman mabigyan ako ng lakas kahit kaonti.
Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng bar. Iilan sa mga bisita ay nagsasayawan. Bagamat inakupahan namin ang buong bar ay hindi naman ito tuluyang naging ekslusibo. May ibang mga mukha na hindi pamilyar sa akin ang narito.
Kaarawan kasi ng kaibigan kong si Lucas kaya wala akong nagawa kundi ang pumunta. Ayoko nga sana dahil kakagaling ko lang sa flight galing New York kaso ay mapilit ang damuho. Kung hindi ko lang nalaman na pupunta siya ay hindi na ako nag-abala pang pumunta sa lugar na ito.
"Kakagaling lang ng flight andami na agad ininom? Anong nangyari sa jetlag? Normal na lang sa iyo yun?" Pangaasar ni Brian na ngayon ay nakaupo na sa aking tabi.
Ngumisi na lamang ako na parang baliw.
"Huwag ka ngang makialam Brie! Masyado ka. Kung gusto mo ay uminom ka na lang din!" Sabi ko sabay abot sa kaniya ng isa pang baso.
"Wala akong balak na magpakalasing ngayon. Like look at you. You look so . . . wasted." Sabi niya sabay pasada ng tingin mula ulo hanggang paa ko.
"Tss. Alam mo naman na ito lang ang nakakapagpaalis ng kaba ko." Pabalik kong sabi sabay irap sa kaniya.
Hindi naman siya nagpatalo at umirap din sa akin.
"Speaking of kaba. So siya na naman ang dahilan ng lahat ng ito? Akala ko ba ay nakamove on ka na? My gosh Ellise! May girlfriend na iyong tao." Concerned na sabi ni Brian sa akin.
Gumuhit ang galit sa aking sistema. Sa katotohanang iyon ay hindi maiwasan nang aking puso na magpuyos sa galit. Galit na kinimkim ko nh ilang taon. Galit na nagpapalakas sa akin hanggabg ngayon.
Pinilit kong ngumit sa kabila ng lahat ng sakit at galit na nararamdaman. Hindi dapat ako manghina at makaramdam ng sakit. Kaya ako narito ay para sa isang bagay na matagal ko nang gustong gawin. Para sa isang bagay na dapat noon ko pa ginawa.
"Brie! You know me. When I said I already moved on. I mean it. Its just that . . ." Sabi ko habang pilit na pibapangiti ang aking mga labi. Damn.
Nasaan na ba iyong bartender at hanggang ngayon ay wala pa siya. Kailangan ko nang makainom para hindi na pumasok sa sistema ko ang mga bagay na pilit kong itinatapon at kinakalimutan.
BINABASA MO ANG
End Up Loving You
RomanceYears pass, people change , everyone differs and world is composed of unexplainable and complicated things. Destiny doesn't choose us instead we are the one who choose our destiny. And as for me, I choose to leave you. To leave whatever hope that we...