Chapter 2 - Myself
"Ax! Malayo pa ba? Kanina pa nakatakip ang mga mata ko at parang ang layo na ng nilakad natin." Sabi ko dahil kanina pa nakatakip ang kamay niya sa akin at hanggang ngayon ay patuloy lang kami sa paglalakad.
Sinundo niya kasi ako sa huling klase ko at sabi niya may ipapakita muna siya sa akin bago kami umuwi. Akala ko naman ay malapit lang kaso kanina pa ako nangangapa sa dilim pero hanggang ngayon ay hindi niya pa rin pinapakita sa akin. Kanina nga noong nasa sasakyan nila kami ay binantayan niya pa ako habang nakapiring ng panyo ang aking mata.
Akala niya siguro ay tatangkain kong sumilip. Pero mabuti nga na ginawa niya iyon kundi ay kanina ko pa nalaman ang sorpresa niya kuno. Ngayon ang unang monthsary namin kaya hindi ko mapigilang maexcite kung ano nga ba ang sorpresa niya.
"My little Ellery is so stubborn. Just wait please. We're almost there. Kaya huwag ka nang sumubok sumilip. Ang likot ng mata mo sa kamay ko. Haha" halakhak niya kaya napanguso na lamang ako.
Paano ba naman ay sumasakit na ang mata ko kaya kumukurapkurap ako. Ramdam niya siguro sa ilalim ng kaniyang mga palad ang kagustuhan kong sumilip.
Ugh. Curiousity really kills me.
"Kapag ito hindi ako nasurprise. Ewan ko sa iyo Ax! Parang noong nakaraang mga araw ay hindi mo man lamang ako natetext tapos mambibigla ka!" May halong pagtatampo kong sabi.
Tumawa lamang siya sa aking sinabi. Hmp. Ilang araw din na hindi siya nagparamdam sa akin. Akala ko nga ay kung ano na ang nangyari. Lalo na noong malapit na ang monthsary namin tapos hindi pa rin siya nagpapakita. Halos mafrustrate ako tapos biglang paggising ko kanina nagtext na lang bigla bigla.
"Sorry, okay? I've been preparing for this one the whole week. Ayoko naman na malaman mo itong surprise ko." Pagpapaliwanag niya.
"Hmp. Matagal pa ba?" Sabi ko na lamang dahil alam ko naman na para sa monthsary namin ang ginawa niya.
This must be awesome or else. Haha. Pero kahit ano naman basta ba kasama ko siya ay walang problema sa akin. Kahit simpleng dinner nga lang ay masaya na ako. Pero knowing Accel. Lahat ata ng kakaibang surpresa ay ginagawa niya.
"Hep. Careful sa paglalakad. Andito na tayo" malambing niyang bigkas sa aking tenga.
Nanginig ako sa lambing ng kaniyang boses. Sumibol naman sa aking katawan ang antisipasyon na makita ang kaniyang pinaghirapan. Sabi niya ay hindi daw madali itong ginawa niya kaya tignan natin.
Hindi nagtagal ay unti-unti na niyang tinanggal ang kaniyang mga kamay na nakatakip sa aking mga mata. Medyo nahirapan pa akong makita ang paligid dahil sa pag-aajust sa liwanag. Kahit na nag-aagaw na ang dilim at liwanag noong umalis kami ay malakas pa rin ang silaw ng araw.
Nang naging malinaw na sa akin ang lahat ay napasinghap ako at napahawak sa aking bibig.
Wow.
Napaawang ang aking mga bibig at walang salita lumalabas. Naramdaman ko ang paggapang ng mga kamay ni Accel sa aking bewang at niyakap ako habang nasa likod siya. Ipinatong niya ang kaniyang baba sa aking balikat kaya ramdam na ramdam ko ang malalim niyang paghinga. Dinig ko din ang malakas na pagtibok ng kaniyang puso.
The view is just so breathtaking. Wala akong masabi dahil nasaktuhan niya ang papalubog na araw. Parang paraiso ang aking nakikita ngayon. Luminga ako para pansinin ang paligid at narealize na nasa bundok kami na malapit sa isang cliff. Kaya kitang kita mo ang mga nasa baba at ang ganda ng papalubog na araw.
Sa hindi kalayuan sa aming pwesto ngayon ay isang mesa at dalawang upuan. Hindi ito ganoon kalapit sa mismong hangganan ng cliff. May sapat na distansya lamang ito para makita ng maayos ang buong kagubatan na nasa ibaba.
BINABASA MO ANG
End Up Loving You
RomanceYears pass, people change , everyone differs and world is composed of unexplainable and complicated things. Destiny doesn't choose us instead we are the one who choose our destiny. And as for me, I choose to leave you. To leave whatever hope that we...