Ang Alamat ng Bitter

287 4 1
  • Dedicated kay Xena Tiongson
                                    

Nagtataka ka ba kung bakit bitter yung ex mo sayo? Nagtataka ka ba kung hindi ka matrato ng maayos ng ex mo? Naguguluhan ka ba kung bakit hindi ka niya kinakausap na? Oh, tanga ka ba? Isipin mo yung mga ginawa mo kung bakit siya ganyan sayo. Pwes, kung hindi mo maalala, ipapaalala ko sayo... Naalala mo ba yung araw na kailangan niya ng kasama dahil sa personal niyang problema? Pero nasan ka? Adun, nakipag- inuman sa barkada mo. Andun ka sa computer shop, nagdodota. Nasa sa isang party ka. Oh anong ginawa mo nung nag- aaway kayo? Nakipag- inuman sa barkada, nagshopping ka, nag- internet ka the whole day, hindi ka nagrereply sa texts niya, hindi mo siya tinatawagan... Ni sorry wala kang binigay kahit alam mong ikaw may mali. Yung pride mo, nahiya sa Eiffel tower sa sobrang taas na akala mo ikaw diyos. Yung panahon na dapat pareho kayong lumalaban sa relasyon niyo, nasan ka? Hindi ba dapat andun ka lang sa tabi niya, pinaparamdam mo na dapat KAYONG DALAWA ang aayos, dapat KAYONG DALAWA ang lalaban, dapat KAYONG DALAWA ang magsasama? Anong ginawa mo? Iniwan mo. Hinayaan mo na siya lang umayos sa lahat lahat ng sinira mo sa relasyon niyo. Pinabayaan mong maghirap siya na ipaglaban yung kayong dalawa kahit na dapat, kayong dalawa ang lumalaban. Hindi mo nalang siya iniwan, pinahirapan mo pa. Palibhasa, alam mong mahal na mahal ka niya. Pinabayaan mo siyang umiyak gabi gabi kasi sumuko ka nalang ng walang dahilan. Pinagpalit mo nalang yung pinagsamahan niyo dahil hindi niya ibigay lahat ng gusto mo. Pinatalo mo yung hirap at sakit na dinanas niyong dalawa sa matagal na panahon dahil sawa ka na? Naisip mo din ba siya habang ganun? Hindi mo man lang naisip na hindi lang naman ikaw nahihirapan? MAS HIGIT SIYANG NAHIHIRAPAN KESA SAYO. Choice lang niya na magstay kasi mahal ka niya pero sana naman hindi mo pinahirapan ng sobra. Kawawa yung taong susunod na magmamahal sa kanya kasi, wala na siyang kayang ibigay dun dahil na all out na niya sayo. Sakit no? Binigay na lahat sayo tapos sinaktan mo lang, wala na ulit siyang lakas ng loob para magmahal ulit dahil sa ginawa mo. Tapos ngayon, magtatanong ka kung bakit bitter siya sayo?

--Elisa :))

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 31, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Alamat ng BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon