CALLI
Warm.
Ang warm ng gising ko. Ang sarap naman gumising ng ganito. May tamang lamig dahil sa aircon at tamang init mula sa sinag ng araw na sumisilip sa bintana ko.
6:45 AM.
Wow. Nauna ako magising sa alarm ko. Is this it? Hindi na ba ako male-late for work this time?
Agad akong tumayo dahil for once in my adult life, may goal akong makapasok on-time today. Since I started working, lagi akong late. Hindi ko na matanggal sa sarili ko 'yong ugali ko na mabagal kumilos sa umaga.
Pagbaba ko sa kusina, dumiretso ako sa kusina upang tignan kung ano ang magandang almusal ngayong umaga. Which reminded me na kailangan ko nang dumaan sa supermarket after work.
Nice. May egg at kimchi pa ako sa ref. It's a nice day to have eggs and kimchi fried rice today. To my surprise, ang perfect ng pagkakaluto ko today. Hindi ko naman birthday pero bakit ang ganda ng araw ko ngayon?
After I ate breakfast, naligo na rin ako at nag-ayos na. 7:15 AM. I have 45 minutes to travel to work na 20 minutes away lang naman talaga. Kahit bagalan ko pa mag-drive, hindi na talaga ako male-late.
Very good, Callista Ysabelle. Magugulat workmates ko for sure.
As if the day couldn't get any better, walang traffic on my way to work. I arrived 7:45 AM. I had enough time to prepare for today's meeting, which made my work for the day lighter. Lumipas ang araw na wala akong naging problema. Sana ganito araw-araw.
5:15 PM. Nasa parking lot na ako nang mapansin kong naiwan ko ang susi ng sasakyan sa desk ko. Ugh. Bumalik pa ako to get my keys. Ang hassle.
5:30 PM. Magpa-gas na ba ako or diretso muna ako sa supermarket? Nah. Bukas nalang ako magpapa-gas. Abot pa naman.
6:00 PM. Ang sabi ko magrere-stock lang ako for breakfast, lunch and dinner ko for the week... bakit puro junk food groceries ko ngayon?? Napakagastos mo talaga, Callista Ysabelle!
6:15 PM. Sampung minuto nalang at malapit na ako sa bahay. Iniisip ko palang na makakahiga na ako ulit ay napapangiti na agad ako. Nakakainis lang dahil inabot na ako ng traffic. I unbuckled my seatbelt para abutin ang bag ko na nasa likod ng sasakyan. Nandoon nga pala ang aking cellphone.
6:20 PM. Umusad na ang mga sasakyan sa harap ko nang maabutan ako agad ng red light. What the hell? Kaka-green light lang! Limang sasakyan lang ang nasa harap ko! Sira ba stop light dito?
Napatingin ako sa cellphone ko nang maramdaman kong mag-vibrate ito. Oh. It's her birthday tomorrow. Muntik ko nang malimutan.
I looked up when I heard a screeching sound. Napahawak ako sa steering wheel nang makita ko kung ano ang papalapit sa akin. Nabitawan ko ang hawak kong phone.
BINABASA MO ANG
Ever After #9: Bloodline
FantasyCalli was supposed to die that day. When she felt her car flipped upside down, she knew she was going to die. Alam niyang ito na ang huling minuto ng buhay niya. But she lived. That's when she first met him. The great, divine hero, Hercules. And aft...