REESE'S POV
Kinuha ko ang papel na iniwan ni Ate Raraine at eto nanaman, kahit sa papel para talagang nagsasalita si Ate. Nadepress naman ako sa mga pinagsasabi ni Ate, na disappoint tuloy ako na baka hindi talaga totoo ang mga nasa Wattpad at Koreanovela. Si Ate Raraine nga pala ang Ate ko, siya yung tipong masyadong scholarly, mahigpit sa pag aaral at walang pakialam sa mga lalaki. Siya yung taong walang paki sa fairy tales at kung anong kaartehan ng babae. Para siyang babae na hindi babae. Alam mo yun?? O.o Yung kahit meron siya, walang sakit sakit na nararamdaman. Mula nursery hanggang ngayong pag graduate eh 1st at kahit ni isang rating ay hindi siya natalo bilang 1st. Oo matalino siya at masipag ng sobra sobra.
Wala yang FB account at kahit lumipas na ang Friendster hindi pa rin nyan alam. Wala sa vocabulary niya ang hang outs at gimik gimik. Wala kasi yang cellphone , kaya nga nag aalala sila Mama at Papa pero si Ate kasi dahil sa sobrang tapang at praktikal eh hindi man lang nagagalusan o kung anong kapalpakan. Basta't kung uwian na 5:30 , expect mo na at exact 6 nasa bahay na yan. Hindi nga pala siya nagcocomute kasi ang logic niya , nagtatapon lang daw ng pera. Siya yung taong alam kong malaki ang ipon sa bangko (suspense ata ang amount, di ako pinapasilip eh). Ngayon sa ibang bansa siya pag aaralin nila Mama at Papa dahil na nga sa grades nya at sa mayaman naman ang pamilya talaga ni Ate , eh afford ang pag pa aral sa States, pasado yan sa Harvard. Kaya't excited ang lahat sa magiging buhay ni Ate.
Teka bakit ba puro na lang kay Ate pinagsasabi ko?? Hmm.. Ako, ako si Reese Aguilar. Oo, kapangalan ko ang chocolate , si Mama at Papa kasi ang nagpangalan sakin nyan. Ampon lang nila ako. At accepted ko naman atleast ang turin nila sakin parang anak talaga, minsan nga pakiramdam ko mas spoiled ako kaysa kay Ate Raraine (ang tunay nilang anak) kasi si Ate medyo , lets say manhid , malihim, wa care. Eh ako naman tong nilalambing masyado ng pamilya, kung kay Ate Raraine eh hinahayaan nila sa gusto pwes ako super alaga to the point na eto ang kinahinatnan ko. Meet me Reese Santi , adopted child of the Santi's and I am home schooled!.
And now, after many many years of being home schooled, Now, Just now na 3rd year na ako, Nagdecide sila Mama at Papa na paaralin ako sa school ni Ate , dahil sa sulat na to.
Ma, Pa,
Diba dapat ang Reese maitim na kulay chocolate? Bakit si Reese ang putla? Pag aralin niyo na yan sa Sherwood Academy, para kasi siyang bunny na nakakulong lang sa bahay. Give her some freedom, tumatanda na yan na walang alam sa buhay sa labas. Yun lang. Tsaka wag po pala pagalawin mga gamit ko sa kwarto. I'll be back on Christmas. Bye.
Raraine
Okay, I'm screwed. Enrollment bukas . Naku naman. > <
BINABASA MO ANG
Sustaining Sanity
Teen FictionLove, it is the very thing that keeps this world spinning. Everyone is bound to love. Love is inevitable. Yet love is something magical. And anything that has magic has its end. Mission? Don't get lost.