Chapter 6

7 0 1
                                    

REESE'S POV

FIRST DAY OF SCHOOL

Pwede na ata akong umiyak sa sinabi sakin nila Mama at Papa, na hindi na raw pwede na magbantay saakin si Ate Bessa dahil according daw kay Ma'am Del Valle bawal na raw ang mga assistant o yaya na naghihintay sa waiting area unless ok lang sakin na pagtawanan at masiraan ng reputation lalo't masyado raw scholarly at mature ang mga students.

"We tried everything anak, Look it's going to be okay.. May phone ka naman. We're just a phone call away, and like what Ma'am Del Valle said na babantayan ka naman daw nya, If there's anything you need just tell her sweetie okay??" Hinug ako ni Mama at pumasok na kami sa kotse. Suot suot ko na ang school uniform na hindi ko man lang tinignan at ngayon ko pa lang nakita dahil sa gusto ko nga makalimutan yung nangyari. Ang bilis lang ng ride , maya maya pa'y nasa harap na kami ng gate ng Sherwood High. 

Nagwave si Papa at si Mama " Good luck Anak!!"  sabi ni Mama habang nagfflying kiss at si papa naman pinairal ang pagka strict " Be home at 6 sharp okay?"

"Yes Dad." Umalis na ang kotse. Okay, my first day in school. And this is my first school. Ang ganda pala ng feeling na may suot suot kang knapsack na puno ng notebooks at may ballpen. Ganito rin pala kasaya yung feeling na naka unifrorm ka..WEEEEEE.. 

Lumapit na ako sa gate at ng swipe ng ID ko tulad ng ginagawa ng ibang mga students. At nung pagpasok ko sinabihan ako ng guard na ang opening program daw ay sa auditorium and since alam ko na kung saan yun , pumasok na ako sa malaking auditorium at nakita ko ang isang malaking banner na ang nakalagay ay "DIAMOND" kung saan marami na rin ang nakaupo. Lumapit ako at umupo na.

" Miss do you belong here??" Tanong ng isang babaeng naka curls at mukhang mataray habang nakatingin din ang iba niyang kasama saakin..

"Uhm, yeah.." Without permission hinablot nila ang ID ko to make sure habang ako naman ay nahatak papalapit. 

"Everyone!! We have a new classmate" at ang mga taong nakaupo sa Diamond group ay naglapitan saakin at nakipagkamay 

"I'm Tracey" sabi nung mukhang KPOP fan dahil sakanyang hairdo na nakaponytails at may eyeglasses habang nag peace sign

"I'm Nicole" isang girl na medyo mababa at mahiyain pero mukhang kasama sa cool group

"Hi, I'm Syree" eto naman mukhang friendly at energetic

"I'm Jenna"  bob cut ang hair niya at mukhang hard to please type.. 

Hihi, ina-associate ko kasi sila tulad ng nabasa ko sa internet yung popular guys, nerds, etc. Meron din pala nun dito.. Weeeee!!

At yung babaeng humablot ng ID ko naman ang umabot ng kamay niya..

"And I'm Emrie, how are you related with Sherwood's miss brainiac??"

"Miss Brainiac??" Pagtataka ko..

"Raraine Santi"

"Ah, kapatid ko siya.." The girl named Emrie looked at me as if she is impressed

"I see, you are a lot fairer though" mataray niyang sinabi at tumalikod na.. Heyy.. Is that a compliment?? O.o

Dumating yung teacher na nakausap ni Ate Bessa ,si Ma'am Del Valle , everyone greeted her good morning , pumunta siya sa stage at nagsimula na ang prayer, tumugtog and national anthem kayat napatayo ako at ginaya ang ginagawa nila , nilagay ko rin ang kamay ko sa dibdib. Tinuro na toh sakin ng private teacher ko, yun nga lang hindi naman namin nappractice. Pagkatapos ng panunumpa nagsiupuan na habang may lalaking pumunta sa unahan at nag speech. Nagbulungan ang marami. Isa siyang gwapong lalaki, maputi, matangkad, at may killer smile, at sa pagkakaalam ko mabango sya.. O.O

OMG. Si Gabry..

 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 03, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sustaining SanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon