REESE'S POV
Now what am I going to wear?? Binuksan ko yung closet ko na puno ng damit na ang lahat lang naman ay naisusuot ko sa bahay. Mula nung nagkaisip ako at hanggang ngayon , bihirang bihira lang ako kung makalabas sa bahay. Hindi ko alam kung bakit ganun kaingat saakin sila Mama at Papa eh kung tutuusin ampon lang naman nila ako. Dapat nga ang pinaghihigpitan nila si Ate Raraine, hay naku, iba pala talaga siguro pag bunso. Nakakalabas lang ako ng bahay atleast 4 times a year kung lumalabas kami ng Pilipinas but other than that wala na akong alam sa buhay sa labas ng malaking gates. Nakakabore din ang lessons ko lalo't ang seseryoso ng teachers ko, buti na lang marami kaming katulong na usually kakwentuhan ko at isa na dun si Bessa, kung ako 15 si Ate Bessa 18, siya ang nag aayos saakin at lahat lahat. Nakita ko yung orange dress na new arrival sa stock room ko, di nga kasi ako nagmamall kasi owner sila Mama at Papa ng apat na malls kaya yun, si Mama na lang ang pumipili ng damit ko sa mga boutiques.
"Reese!!" bumukas yung pinto at pumasok si Ate Bessa na super nakangiti.
"Oh Ate, bakit ba ang saya mo" tiningnan ko siya habang siya naman umupo na sa kama ko habang yakap yakap yung unan ko.
"Magsschool ka na!! Excited ako!! Imagine that!! Ang alaga ko papasok pasok na rin tuwing umaga. Magkakaroon ng bagong friends, hay naku , baka naman mawalan ka na nyan ng oras para sakin. Teka, may idea ka na ba sa kung ano ang mga dapat mong gawin sa school??"
"I dont know a thing except dito sa sinulat ni Ate" inabot ko sakanya ang reminders ni Ate Raraine..
"What?? Ang Kill Joy naman ng ate mong yan, alam mo Reese sadyang wala lang talaga sa bokabularyo ng ate mo ang pagpapantasya, eh ni minsan nga hindi yan napabilib ni Mickey, ni tumawa nga kay Mr. Bean ay hindi magawa. Hay naku, tsaka look oh, mayaman ka at papasok ka din naman sa school, well , except sa part na nag Harvard nga ang Ate mo.. But other than that, wala naman cgurong rason para paniwalaan mo ang lahat ng ito." binalik nga saakin yung papel at ako naman umupo na habang inaayusan niya ako ng buhok. 7 am pa lang naman at 9 daw yung enrollment.
"There, bumaba ka na , ako ng aayos ng dadalhin mo para sa enrollment, naghihintay na Mommy at Daddy mo.." nagsmile siya kaya't lumabas na rin ako, pagpunta ko sa dining room nakita ko si Mama at Papa na parang iniexpect ang pagdating ko. Kung gusto mo maimagine ang mama ko na si Reena Santi , well mas magkamukha raw kami compared kay Ate Raraine. Tan kasi ang balat ni ate eh ako maputi kasing puti ni Mama at Papa.
"Anak, we've been waiting for you" Lumapit ako kay Mama at Papa para magkiss at umupo na ako sa upuan.
"Ma,Pa, sasama po ba kayo sa enrollment ko??" Nakita kong nagtinginan si Mama at Papa.
"No anak , we have some appointments. " Oo busy ang Mama at Papa halos dadating lang sila kung kailan late na at aalis din ng maaga. Pero it's still worth a shot kung tatanungin ko sila.
"Are you sure you want this? I mean are you ready for this Reese? " sabi ni Papa habang naka kunot noo
"Reese you've been homeschooled since preschool , til now na upcoming 3rd year ka na, can you cope up with the changes?" dagdag naman ni Mama habang nag saslice ng bacon.
Huminga ako ng malalim.. "Ma , Pa, buong buhay ko po kasi pinangarap ko talaga na pumasok sa school tulad ni Ate, yung mabuhay na parang isang normal na tao na nakakalabas pasok sa bahay na ito. Ako po hindi ko po yun magawa. Mom, is there something wrong with me ??" Nagtinginan ulit sila ..
Tinignan ako ng malalim ni Mama pero ngumiti na lang siya.."Wala anak, wala. Para hindi ka mahirapan sa school I already made arrangments with Sherwood High na sana they will treat you in an exclusive manner.. Papasamahan rin kita kay Bessa everyday, kahit dun lang sa Waiting Area para pag may kailangan ka, you can just call her."
"And wag mo na gayahin ang Ate mo na ayaw mag pahatid sa kotse, dun kami sobrang nag aalala ng Mama mo, nandiyan na si Manong Ed, kumain ka na at baka malate ka pa sa registration.
Umalis na sila Mama at Papa habang ako naman kumakain pa ng maraming marami . HAHA. Kasi sobrang yummy ang food lalo na't gawa ni Chef Mike. Pagkatapos ko kumain nagtoothbrush na ako't , nakita ko na rin si Ate Bessa na na dala dala yung envelope at yung bag ko,nakaayos na siya at naka formal na office wear kasi hindi naman talaga siya maid , assistant ko siya pero parang ganun na rin but I never treated her like that, maganda si Ate Bessa lalo na't kulay pink din ang uniform niya, oh diba BFF talaga kami eh.
"Tara!!" hinila ako ni Ate Bessa papalabas at sumakay na kami sa kotse. Parang siya tuloy ang sobrang excited para sa pagdating namin sa Sherwood High. At ako naman tong kinakabhan habang patingin tingin ako sa mga nadadaaanan.
"Shunga ka rin noh!!" habang kiniliti ako ni Ate Bessa.
"Hey!! What was that for??!!" Kiniliti ko din siya. Oo nagahaharutan na kami dito sa kotse, si Ate Bessa kasi ang bestfriend slash ate ko..
"Kasi, eto ha, mayaman ka, tapos parang ang ignorante mo sa buhay labas. I mean, nasayo nga ang lahat pero ang freedom naman ang ipinagkait sayo for many years. And now sobrang excited ako sa big gift ng parents mo. Eto na yung gustong gusto mo diba!!" yinakap niya ako habang ako naman tong ulol na nakatulog sa sasakyan..
zz..
zz..
zz..
BINABASA MO ANG
Sustaining Sanity
Teen FictionLove, it is the very thing that keeps this world spinning. Everyone is bound to love. Love is inevitable. Yet love is something magical. And anything that has magic has its end. Mission? Don't get lost.