CHAPTER 3 [TODAY IS THE DAY]

21 2 0
                                    

"Good morning sunshine!" inukit ko agad ang pinaka- THE BEST kong ngiti sa pagkadilat ko pa lang ng aking mga mata sabay taas ng aking dalawang kamay at unat ng aking magkabilang balikat. Kaharap ko ngayon ang sarili kong repleksyon sa salamin. Natural beauty talaga ang sumasalubong sa'kin every morning. 

I so love my weirdest HAIRDO na pinagpuyatan talaga ng aking unan. My morning glory na unang dumungaw sa bintana ng aking kaluluwa.(*echoz*). HAHA. Ang PRETTY ko talaga kahit hindi ako maligo. (yucks!*pasintabi po sa mga kumakain jan, nalipasan lang po ng gutom*)

Che! Tumahimik ka jan! Moment ko 'toh! Manigas ka. HAHA. Dejoke lang! Peace be with you ^__^v

WAAAAH! Ang ganda talaga ng umaga kooooooo... Lalong lalo na pag naaalala ko kung anong nangyari kagabi.

BWAHAHAHAH! Tama nga si Lexie! Hindi ko talaga pinagsisisihan ang pagsama ko sa kanya. Gusto niyong malaman kung ano ang hiniling ko kagabi?

[ ~flashback~

"Ano na, Lexie. Nahanap mo na ba?" tanong ko sa bestfriend kong todo buklat sa mga pahina sa malaking librong hawak niya. BOCS daw ang tawag dun. Book Of Chants and Spells.

"Teka lang... 'San na ba 'yun? *kamot sa ulo* *buklat na naman sa libro* Ito! Nakita ko na! Sige na Kryza, isulat mo na 'toh sa palad mo." Dali-dali niyang utos sa'kin sabay turo sa isang parti dun sa lumang libro.

"Ok. T-teka lang. Nalaglag ko iyong ballpen ko. Paki kuha nga." Sabi ko sa kanya. Bago pa man niya naiabot iyong nalaglag kong ballpen, humangin na naman ng malakas. Kaya isinara muna niya ang bintanang nabukas ng hangin bago bumalik sa pwesto.

"Asan ba dito ang isusulat ko?" tanong ko sa kanya habang hinahanap ng mga mata ko iyong tinuro niya sa'kin kanina.

"Heto! Sigurado ka na ba talagang 'yan ang gusto mong hilingin, Kryza??? Pwedi mo naman hilingin na magkabalikan na ang parents mo, oh di kaya-----"

"Lexie, nakapagdesisyon na ako. Gusto ko lang talagang mabawi ang KORONA ko. Ang SPOTLIGHT ko na inagaw ng walang hiyang kutong-lupang ang sarap tirisan gamit ang kutsilyo at sarap tortahin sa nagbabagang oven na JAIRO na 'yun! 'Sing kapal ng 5,000page-encyclopedia iyong pagmumukha nya! Grabe!" >_<' Heto na naman! Sinusumpong na naman ako ng alta-presyon Kryza version. Naku naman oh! Wala pa namang street ice cream dito at sa ganitong oras. Tsk!

"Oh! Siya. Heto na! Menus singko para alas dose na. Isulat mo na 'toh! Dali!"


~ vum excla, vum exi ~

~ vum excla, vum exi ~

~ vum excla, vum exi peri esti ~

~ Amore uni! Amore eros uni ~

~ Jairo Muñoz, uni amoreros perr esti. ~


~end of flashback~]

HAHA... Sa wakas, mapapasa'kin na ulit ang SPOTLIGHT na inagaw mula sa'kin ng Jairo na iyon na kilala bilang si 'Prince J' kuno... tsk. Sa totoo lang, isang taon mahigit pa lamang yang si Jairo na 'yan at iyong mga asungot na laging nakabuntot sa kanya sa Forever21 U, magmula nung lumipat sila mula sa Aeropostale University. Napakayabang nila. Akala mo kung sinong napakagwapong mga HARI kung umasta! OO! MAYAYAMAN sila, but that's it! WALA NAMANG IKABUBUGA! Tsh! Ewan ko ba kung ano ang nakita ng mga kababaehan dun sa APAT na mga kumag na 'yun. Kasi kahit matanaw lang nilang naglalakad silang apat sa corridor, parang wala ng bukas kung makatili. Lalong lalo na kapag ngingitian lang sila ng mga 'toh, NAKU, nangingisay at nag-gimme2x na sa sobrang kilig-over-load daw!

ka-LANDIAN nga naman!!! Geeeeeezh!

Teka nga! Bakit ko nga binaling ang good mode ko sa mga walang kwentang WANNAbees na mga 'yun? Ang saya2x ko na eh! Panira mode talaga iyong mga asungot na 'yun! Panira goodvibes! Tsk.

Grrr! Makaligo na nga lang nang sa gayu'y humupa naman na 'tong alta-presyon Kryza version ko!

"KRYZA, DUN KA SA COMFORT ROOM SA BABA MALIGO! *wooosh*wosssh* NAUNA NA AKO RITO SA LOOB! *woooosh*woooosh* ANG BAGAL MO KASI! *wooooosh*wooosh*"

O_O

Aba't anong ginagawa ng isang 'toh sa-------

AYAYAY! Oo nga pala! Nandito nga pala ako kina Lexie. Di pala ako pinauwi ni Tita Cassandra- mommy ni Lexie- kaninang madaling araw. Haaaaay! Napasapo na lang ako ng noo ko at napa-iling! NO CHOICE! Di ko pala 'toh bahay eh!

"Lexxxxxxxxxxxiiiiiiiiiiie!"

"Yes, dear! *woooosh*wosssh* Bakit?"

"PASALAMAT KA MAGANDA ANG GISING KO NGAYOOOOON! KASI KUNG HINDI PA, MATAGAL NG SIRA YANG PINTO NG CR MOOOOO!!! *booogsh* HAHAHAH!!!" sigaw ko sa kanya sabay bato ko ng sapatos ko dun sa may pinto.

"GAGA! *wooosh*wooosh* Maligo ka na! Baka ma-late pa tayo sa school. *wooooosh*wooooosssh* Today is the DAY! AHAHAH!" narinig kong tumawa si Lexie sa loob. HAHA.. Pati rin pala siya excited.. HAHA... Oh! Well, this will gonna be EXCITING! AMAZING! Isn't it? HAHA...

Maghanda ka na Jairo sa pagkabagsak ng iyong mala-Burj Khalifa Tower na kayabangan at mala-Eiffel Tower na kasikatan. Luluhod na lahat ng mga tala sa'kin. BWAHAHA. *insert kidlat effect*

*-*-*-*-*

Misspelled LovespellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon