Agad na napakunot ang noo ko ng makita kong madilim ang buong bahay.
Naglakad ako papasok ng gate. Napahinto ako ng may makitang mga kandila.
Kunot noong nilapitan ko ito at doon ko lang napagtanto na baka ginawa itong ilaw papuntang garden.
Sinundan ko ang mga kandila at napatigil lang ng may marinig akong malamyos na tugtog.
Dahan dahan akong tumingala at nanlaki ang mga mata ng makita ang paligid. Nalipat ang paningin ko kay mommy at Tito Lucho na naglalakad palapit sakin.
Mommy hugged me. "Happy sweet sixteen my baby."
Agad akog napangiti at naluluhang niyakap siya pabalik.
"Thank you mom." I whispered.
Mommy let go of me while Tito Lucho smiled at me before tapping my shoulders.
"Happy Birthday again Mayumi."
I smiled a little. "Thank you po Tito."
Binaling ko ang paningin ko sa harap. My jaw dropped and my eyes widened when I saw my friends. Wait- Kaya ba sila nag mamadaling umalis kanina?
"H-How did yo-" Naputol ang sasabihin ko ng sinugod ulit nila ako ng yakap kagaya ng nangyari sa school kanina. What the hell! Muntikan na kami matumba!
Napairap nalang ako ng humiwalay na sila at isa isa akong binati.
"Happy Birthday Te!" Maria shouted.
"Thank you!"
"Happy Birthday beh!" Anne greeted before handing me a medium size paper bag.
"Aww thank you!" I said as I looked what's inside the paper bag.
Napangiti ako ng makitang libro yon na napapalibutan ng petals at fairy lights.
"Nakipag-agawan pa yan sa comment section para dyan hahaha!" Maria teased.
Agad naman siyang nilingon ni Anne at nakapamewang na hinarap. "Buti nga ako may regalo! Eh ikaw? Makikikain ka lang ng shanghai!"
Sabay sabay kaming napailing ng mag simula nanaman silang mag bangayan.
Nalipat ang tingin ko kay Venice ng lapitan niya ako. She handed me a small paper bag. "Happy Birthday dai!"
I smiled. "Thank you!"
Ganon rin ang ginawa ng iba bago kami tuluyang nag lakad papunta sa harap.
Pagkarating sa harap ay pinaupo ako ng emcee sa upuan na nasa gitna. Sinimulan na namin ang program sa pamamagitan ng pagpapalaro.
"Okay guys! Listen up! We are going to play the bring me game." Agad nag ingay ang mga tao at nangunguna nanaman doon ang mga kaibigan ko. "But...With a twist!" Natawa ako ng mas lalong umingay.
"Okay ganto yon. Magsasabi ako ng bagay tapos kailangan niyo siya dalhin rito sa harapan at sabihin kung may pagkakatulad ba yon sa personality ng ating birthday celebrant. Malinaw ba?" They all answered yes kaya naman ay agad na napangiti ang emcee.
BINABASA MO ANG
No One Knows
Romance"She hides everything through those smiles. She experience the most tragic and painful feelings." Warning: This story contains SEXUAL, MENTAL, VERBAL, EMOTIONAL AND PHYSICAL ABUSE. Language: Taglish Date Started: March 20,2021 Date Finished: