Chapter 3

22 4 6
                                    

Naramdaman ko ang pag angat ko mula sa pagkakalubog sa tubig at ang pagyugyog ng kung sino sa balikat ko.

"Mayumi!"

"Mayumi wake up!"

I feel so tired. I can't even open my eyes. What is happening? Is that Phoebe? She's here? Akala ko matatagalan siya bago makabalik? At bakit siya sumisigaw?

"Venice h-help m-me! Si M-Mayumi...Si Mayumi n-nadatnan ko siyang nakalubog sa tubig at may mga hiwa ang p-palapulsuhan.." Huminto sa pagsasalita si Phoebe, tila ba hinihintay ang kausap na matapos magsalita. "Yes.. I already called the ambulance pero wala parin hanggang ngayon... N-Natatakot na ako Ven.. Ang p-putla putla niya na..." That was the last thing that I heard, dahil tuluyan na akong nilamon ng kadiliman...

Pagkarating ko ng bahay ay agad akong umakyat sa aking silid at nagkulong. Binaba ko ang mga gamit ko sa study table at naglakad patungo sa closet ko para sana magbihis, ng may biglang kumatok sa pinto.

Napahinto ako at napatitig doon. Patuloy pa rin ang pagkatok kaya naman nagtaka na ako. Kung si mommy kasi yan ay magsasalita siya.
Ngunit lumipas ang ilang minuto ay puro katok lang ang narinig ko. Who's that? Bigla akong kinabahan. Naalala ko ang mga ginawa ni kuya sa mga nakalipas na araw. Nakatitig lang ako sa pinto hanggang sa tumigil na ang pagkatok. Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib ko dahil sa labis na kaba.

Napapikit ako at huminga ng malalim. Ng medyo kumalma ay lumapit ako sa pinto at chineck ito kung nakalock ba. Ng masigurong nakalock nga ito ay agad na akong pumasok sa closet para mag bihis. Pagkatapos kong mabihis ay agad na akong humiga sa kama at natulog..

Weeks passed, and it's already my 16th birthday.

I woke up when I heard someone singing happy birthday. Kinusot ko ang mga mata ko at napatingin sa pinto kung nasaan si mommy at tito lucho na kumakanta. Si mommy ang may hawak sa pastel balloons habang si tito lucho naman sa cake.

"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, Happy birthday! Happy birthday to you!!! Happy 16th birthday anak!!!" Natawa ako ng bigla akong dambahin ng yakap ni mommy. "Gosh dalaga na ang baby ko." She said at mas hinigpitan pa ang yakap sa akin. "I love you anak." She whispered.

I tapped her back. "Thank you mom. I love you too." Mommy smiled and kissed me on the cheeks before letting go. Napalingon naman ako kay tito lucho na lumapit sa amin ni mommy habang buhat ang cake na may candle sa tuktok.

"Happy birthday Mayumi!" He greeted.

I smiled at him before answering. "Thank you po tito."

Binalik ko kay mommy ang aking tingin ng pumalakpak siya. "Okay! Make a wish anak and blow the candle!" She looks so excited, kaya naman ay pinikit ko na ang aking mga mata at humiling.

Long life and good health for my family and friends.

Minulat ko ang aking mga mata at hinipan na ang kandila. Mommy clapped her hands again before kissing me in my forehead.

"Oh siya sige, mag ready kana. We will wait for you downstairs." Tumango lang ako at pinanood silang lumabas. Ng makalabas na sila ay tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa kama at dumeretsyo na sa banyo para mag ayos.

After a few minutes ay natapos na ako kaya naman lumapit ako sa salamin. I stared at my reflection in the mirror.. Im wearing a high-waisted maong pants, white crop top shirt and my continental white shoes. Naglagay rin ako ng light make up at accessories para hindi masyadong plain tignan. 

No One KnowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon