chapter 1

17 0 0
                                    

"Hon? Do you really need to go? Matagal ang isang buwan... n-naman..."

Malungkot niyang sabi. Ayaw niyang umaalis ito. Mamimiss niya ito. Hindi niya ata kakayanin ang gano'n katagal ng panahon na mawawala ito ulit. Palagi itong ganito.

Busy si Crycer sa company na pinapamahalaan nito. Pero kahit gano'n ay hindi pa rin ito nagkulang sa kanya.

Madalas itong mag business trip sa ibang bansa. Ok lang naman iyon sa kanya, pero ngayon.... iba ang pakiramdam niya. Hindi niya alam kung bakit. Kinakabahan siya.

Pakiramdam niya sa oras na umalis ito may mangyayare.

"Dirk Crycer Mio...."

He sighed and held both of her hands. She pouted.

"Hon... it was just a month... promise, I'll make it up to you. Magbabakasyon tayo ng isang buong linggo."

"Promise?"

"I promise..."

He hug me. I'm just hug him tightly.

Wala naman siyang magagawa kung hindi ang pumayag. At isa pa, para din naman ito sa kanila. Sa kumpanya nila Crycer.

ISANG ORAS pa lang nang umalis si Crycer pero parang ang tagal-tagal na nitong wala. Naiinis si Deza dahil namimiss niya na ito.

Wala siyang magawa kaya naisipan niyang puntahan na lang ang bakla niyang kaibigan. Ito lamang ang nag-iisa niyang kakilala. Si Albert, a.k.a Alba. May-ari ito ng isang Parlor Shop. Dito nagtatrabaho si Deza... dati.

Simula kasi no'ng maging sila ni Crycer hindi na siya pinagtrabaho nito. Ayaw man niya pero wala siyang magawa. Dito rin sila nagkakilala. Hindi alam ni Dezalyn kung bakit ang isang kagaya ni Crycer ay napadpad sa sa lugar na iyon. Sa isang eskwater area.

Sinong hindi magtataka. Mayaman si Crycer. Nakasuit pa ito ng pang-office. Hinihingal pa nga itong pumasok sa Parlor at parang may tinataguan no'ng pumasok doon. Nagulat sila ng bigla itong pumasok, sumilip pa sa pintuan at bago mayabang na umupo sa mahabang sofa. No'ng mag-angat ito ng tingin sa buong sulok ng Parlor Shop nagtagpo ang kanilang paningin ni Dezalyn. Nakatalikod si Deza kay Crycer. Nagtama lang ang kanilang paningin dahil sa malaking salamin.

Naalala pa ni Deza kung paano siya titigan ni Crycer no'n. Pagkatapos ay ngumisi sa kanya. Nailang siya no'n kaya nag-iwas siya ng tingin. Pero ramdam pa rin niya ang mariing titig ng lalaki.

Marahan na isinira ni Deza ang pintuan ng condo unit. Kay Crycer ito. She was homeless at  sa Parlor lang siya natutulog. No'ng nalaman iyon ni Crycer ay kinuha siya nito at sa Condo pinatira para daw magkasama na sila.

Gusto niyang tumanggi pero mapilit ang lalaki. Hindi siya makatanggi.

Baby pa lang siya ng mamatay ang mga magulang niya. Ang dalawang kuya niya ang nakagisnan at nag-alaga sa kanya. Ang kuya Karzer niya at ang kuya Toyer niya. Kambal sila. Actually hindi ito ang mga pangalan ng mga kapatid niya. Naalala niya na bulol siya no'ng bata pa siya kaya gano'n na lamang ang bigkas niya. Hindi niya magawang bigkasin ang mga pangalan ng mga kapatid.

Mapait siyang napangiti ng maalala ang nakaraan. Turning six years old siya ng may dumukot sa kanya. Pinagpalimos siya no'n para hindi saktan. Hanggang sa niraid ang hide out ng mga ito at nakatakas siya.

Naging pulubi siya sa kalsada at ng magkaedad nakilala niya si bakla at inalok siya sa Parlor. Tinanggap niya iyon. Limang taon ang tanda sa kanya ni bakla. Kagaya niya ulila na rin si bakla pero ang kaibahan lang nila. Si bakla namana ang Parlor sa parents niya habang siya ay wala.

Minsan tinatanong niya ang sarili kung hinahanap ba siya ng mga kapatid niya. Ilang taon na ang lumipas pero hindi pa rin niya makita ang mga ito.

Ni hindi rin matandaan ni Deza ang totoong pangalan at surname niya. Ang natatandaan niya, no'ng kinuha siya ng mga sindikato. Lahat ng bata doon binibigyan ng bagong pangalan kaya na iba na rin ang pangalan niya at hindi matandaan kung ano ba ang tunay.

Bawat araw ay pare-parehas ang nangyayare kay Deza. Aalis ng bahay. Pupunta siya kay Baklitang Alba, tutulong sa mga trabaho doon at uuwi sa Condo. Nagtataka rin siya dahil isang linggo na ang nakalipas pero ni tawag o text, wala siyang natanggap kay Crycer. Nag-aalala na siya. Nakaturn off ang CP nito. Wala naman siyang magawa kundi ang mag-intay na kontakin siya.

Sa umagang iyon, busy si Deza sa pag-aayos ng sarili para pumunta sa Parlor. Nang matapos, naghanda na siya para gumayak.

Napapitlag siya ng tumunog ang kanyang cellphone. Mabilis niya itong kinuha. She open her cellphone just to see an unknown text. She frowned. She was a bit puzzled. She press a view message and got stunned to see the message.

Unknown number:

Let's meet up at my office. Be there on time. Don't make me wait.

- your Crycer

Nagtatakang napatitig siya sa mensahe nito. Napakabossy ng text message nito. Hindi gano'n ang Crycer na kilala niya Pero pinagsawalang bahala na lang niya at umalis na.

Mabilis siyang nakarating sa company ni Crycer. Pangalawang beses pa lang niyang makakapunta dito. Hindi rin siya kilala ng mga tao dito.

Nang makita ang receptionist, nag-aalangan siyang nagtanong.

"Ahm... Ms? Pwede po bang pumasok?"

Nakangiti itong bumaling sa kanya.

"May appointment po ba kayo, Ma'am?"

Napangiwi si Deza. Hindi niya alam ang sasabihin. Ngayon niya lang rin kasi narealize na walang nakakaalam sa relasyon nila ni Crycer. Siya lang at si bakla.

Mariin niyang kinagat ang labi at napanguso.

"S-si Crycer, sana....."

Natigilan ang babae at maya-maya'y nanlalaki ang mga mata. Nataranta itong tumango-tango. Umalis ito sa table niya at lumapit sa akin.

"Ma'am, dito po tayo."

Kinakabahan ang babae bagay na ipinagtataka niya. Hindi na lang niya ito pinansin at pinapasok na siya sa Private elevator ni Crycer. Tumango na lang siya sa babae bilang pagpapaalam.

Malalim ang buntong-hininga na ginawa niya. Naguguluhan siya dahil malakas ang kabog ng dibdib niya. Hindi maipaliwanag pero kada papalapit siya ng papalapit sa kinaroroonan ng Fiance, palala ng palala ang kabang nadarama niya.

Siguro dahil sa loob ng isang linggo ay magkikita na ulit sila.

Pero bakit kaya napaaga si Crycer? Hindi ba sabi nito, isang buwan?

Iyon ang paulit-ulit na pinag-isipan ni Deza hanggang sa magbukas ang pintuan ng elevator.

Huminga muna siya ng malalim bago kumatok ng tatlong beses. She sighed again before she open the door.

Unang bumungad sa kanya ang nakangiting matanda. Nginitian niya rin ito pagkatapos ibinaling ang paningin sa pwesto ng swivel chair ni Crycer. Nagtaka pa siya kung bakit wala doon si Crycer.

"Pumasok ka, hija."

Alanganin niyang tinanguan ang matanda. Marahan niyang isinara ang  pintuan. Mabagal na naglakad patungo sa kaharap na upuan ng matanda. Ngunit nakakalimang hakbang pa lamang siya nang biglang bumukas ng malakas ang pintuan at sumara rin ng napakalakas.

Napahinto siya sa paglalakad pero hindi hinarap ang taong may gawa no'n.

Naghuhumirindito ang puso niya.
Malakas ang kabog at para siyang mauubusan ng hangin. Nagkakaganito siya dahil sa presensya ng taong nasa likuran niya.

Sino ba ang taong iyon? Pakiramdam ko babagsak ako dahil sa sobrang kaba. Nangangatog ang mga tuhod ko. Nakakapanghina.

"Nandyan ka na pala Mr. Mio."

Mahinang sabi ng matanda kaya natigilan si Deza. Nangunot ang noo niya. Naisip niya si Crycer. Nagtataka siya dahil iba ang pakiramdam niya. Kung si Crycer ang nasa likuran niya bakit tila sobra ang kabog ng dibdib niya?

Umiling si Deza. Malalim niyang hinugot ang hangin sa katawan bago ibinuga. Si Crycer lang 'yan. Iyon ang sabi niya sa isipan. Nakangiti siyang humarap sa likuran niya.

Pero ang nakangiting labi niya ay napalitan ng pagsinghap. Umuwang ang labi niya sa pagkabigla. Ang kaba sa dibdib niya ay dumoble. Nahigit niya ang hininga sa taong ngayon ay mariin na nakatitig sa kanya.

Walang emosyon ang mukha nito. Pakiramdam ni Deza ibang tao na si Crycer. Nahipnutismo siya sa mga mata nitong mabagsik na nakatitig sa kanya.

AN ASSET SERIES 2: The Syndicate KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon