Chapter 4

16 0 0
                                    

Marahang hinahaplos ni Crycer ang buhok ni Deza habang pinakatitigan ang inosente nitong mukha. Hindi pa siya nakuntento sa pagtitig sa babae at maya't mayang hinahalikan ang labi ng asawa.

Alas-onse na ng hating-gabi pero hindi pa rin siya makatulog. Hindi pa sana siya titigil sa pag-angkin sa asawa kung hindi lamang ito nakiusap sa kanya na tumigil na. Pagod na pagod ito pero tila siya ay walang balak na tumigil at walang kapaguran.

Masyado siyang sabik sa babaeng mahal na mahal niya. Ngayong mag-asawa na sila, wala na siyang balak na pakawalan ito.

Napangisi siya sa kaisipang, habang buhay niyang makakasama ang babaeng mahal.

Muli niyang hinalikan sa labi ang asawa bago maingat na umalis na kama. Kumuha siya ng bagong pantalon at t-shirt sa kanyang closet. Nang matapos itong masuot, lumabas siya sa veranda ng kanilang kwarto ni Deza.

Umupo siya sa upuan na nandon at naglabas ng sigarilyo. Humithit at marahang bumuga ng usok. Matapos gawin iyon, inilapag ang sigarilyo sa ash tray na nasa mini table sa kanyang harapan. Inilabas ang cellphone at idinayal ang numero ni Benjo- isa sa kanyang mga tauhan at isa ring mapagkakatiwalaang kaibigan. Habang inaantay na sagutin nito ang tawag, mariin niyang tinitigan mula sa glass door ng veranda ang kanyang asawa na mapayapang natutulog.

S**t! By just looking at her parang ayaw ko munang gumawa ng trabaho!

Umiling siya at inis na umasik.

"Hey! Yow! King! Wats up! Musta?"

Nalukot ang kanyang mukha. "Why took you so long to answer my gaddamn call!" Inis na asik niya dito.

Rinig niya ang tikhim nito. "E, sorry na King. Paano kasi si little Monster gising pa hanggang ngayon. Hirap patulugin."

Natahimik siya sa tinuran nito. Nangunot ang kanyang noo.

"Benjo!" He warned him.

Dinig niya ang pagkataranta nito. "K-king.... a-ayaw talaga ni little Monster, m-matulog."

Crycer sighed. Alam naman niyang matigas ang ulo ng batang iyon. Kahit sa kanya ay hindi ito nakikinig unless makita nitong seryuso talaga siya. "I'll talk to him."

Mula sa kabilang linya narinig niya ang ugot ng brat na iyon. Napangisi siya. Kanino pa ba magmamana ang batang iyon?

"Hello?" Mahina nitong sagot.

"Aerus...." marahan niyang banggit sa pangalan nito.

"Daddy?" Gulat nitong tanong.

"Yes, baby. Its me." Rinig niya ang paghikbi nito sa kabilang linya. Nakagat niya ng marinig ang labi at pikit matang bumuntong hininga. Umiling at bumuga ulit ng hangin. "Hey, don't cry...."

"D-daddy ko... k-kelan ka u-uuwi..."

"Uuwi ako diyan bukas baby. I swear. Makakasama mo bukas si Daddy. Huwag ka ng umiyak, hmmm?"

"U-uwi ka, ah?"

"Yes!" Tumango siya na para bang nasa harapan niya ang kanyang anak.

Totoong anak niya si Aerus. Limang buwan na lamang at five years old na ito. Aksidente niyang naging anak si Aerus sa kanyang ex-girlfriend noon. 'Nung una hindi pa siya naniwala at nagpagawa siya ng DNA test, at nang mapatunayan kinuha niya ang bata sa ina nito. Mukhang pera ang babaeng iyon at ayaw rin nito kay Aerus. Palibhasa ay model at ayaw ng responsiblidad kaya madali para sa babaeng 'yon na iwan sa kanya ang kanilang anak. Wala rin naman siyang reklamo dahil hindi naman niya mahal ang babaeng 'yon. Gusto niya lang ito dahil maganda at sexy ito. Wala rin namang duda na sa kanya sa Aerus dahil habang lumalaki ito ay mas lalong lumalabas ang pagkakahawig ng kanyang anak sa kanya. Manang-mana ito sa kanyang kagwapuhan.

Ngumisi siya't napailing sa tinuran ng kanyang isipan.

Soon... ipapakilala ko si Aerus kay Deza. Aerus knows about her. Actually gusto ng makita ni Aerus ang bago niyang Mommy. Hindi pa ngayon pero malapit na.

"Daddy!"

Napapitlag siya sa biglaan nitong pagsigaw. "Yes?" Kunot-noo na kanyang tanong pero bahagya ring tumawa nang marinig niya itong umungot sa inis.

"Sabi ko po, tulog na ako. Antok na po ako, daddy ko." Pupungas-pungas nitong sabi.

Nakahinga siya ng maluwag nang tumigil na rin ito sa pag-iyak. Naririnig niya rin kasi ang pag-alo ni Benjo dito.

Napangiti siya. "Ok, baby. Sweet dreams. Bigay mo na kay uncle Benjo ang cellphone."

"Hey, wats up, King?"

Muling nalukot ang kanyang mukha. "Tsk. Drop it, ungas."

Humalakhak ito kaya lalo siyang nainis.

"Benjo!" Mariing banggit niya sa pangalan nito.

Tumikhim si Benjo sa kabilang linya. Napaayos pa ito ng upo sa kama ni Aerus. Siya kasi ang nagpatulog sa makulit na bata. Tumikhim pa ng isang beses si Benjo bago nagseryuso. Napanguso pa ito.

'Mahirap na! Baka bigyan pa ako ng parusa ni King!' Ani ni Benjo sa kanyang isipan. Kilalang-kilala niya kasi si Crycer. Maiksi ang pasensya nito at tipong hindi mabiro-biro.

Umismid si Crycer nang tumahimik sa kabilang linya si Benjo.

"Any update kay Liara?" Seryusong tanong niya.

Bumuntong-hininga si Benjo bagay na ikinainis niya dahil alam na niya ang sagot dito.

"Wala pa po. Parang bigla na lamang nawala na parang bula si Ms. Liara."

Naikuyom niya ang mga kamao. Blanko ang mukha. Matapos ang aksidenteng nangyare sa barko hindi na niya alam kung nasaan ito. Patuloy pa rin naghahanap ang mga tauhan niya. Ayaw niyang isipin na patay na ito at hindi nakaligtas sa aksidente. Hindi siya makakapayag. Ayaw niyang mawalan na naman ng isang babaeng mahalaga sa buhay niya. Nawala na ang kapatid niya at ayaw niyang pati si Liara ay mawala sa kanya.

Magbabayad ang mga taong iyon. Hindi niya ito mapapalampas. Alam niyang kalaban niya ang dahilan kung bakit nangyare ang aksidenteng iyon. Nadamay lamang si Liara dahil kasama siya nito.

"Pero huwag kang mag-alala King. Patuloy pa rin ang paghahanap. Ititriple ko pa. Mahahanap rin natin siya."

Tumango siya. "Sana nga. Tatlong buwan na pero wala pa ring lead kung nasaan siya."

Matapos ang tawag, muli siyang humithit ng sigarilyo at pinatay ito sa ash tray. Pumasok siya sa loob ng kwarto. Sinara ang glass door ng Veranda at ibinaba ang pink curtain na pangtakip dito.

Hinubad niya ang t-shirt at maingat na sumampa sa kama patabi sa kanyang asawa. Niyakap niya ito at hinalikan sa labi. Sa pagtitig lamang sa kanyang asawa, napapanatag ang kanyang kalooban.

"Sweet dreams, mahal ko..."

AN ASSET SERIES 2: The Syndicate KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon