Lumaki ako sa isang mahirap na pamilya.Maagang namatay ang aking ama.
Mahilig kasi siyang magsugal kaya kinalaban siya ng mga kalaban niya sa laro.Marami siyang utang na hindi nabayaran.Hanggang sa pumanawa siya.Naiwan kami ni Mama.Tumigil ako sa pag-aaral at nagtrabaho nalang.
Ganoon din si Mama,nagtitinda lang siya ng mga kakanin malapit sa simbahan.Ako naman,nagtatrabaho sa isang karenderya.Kulang na kulang pa ang kita namin ni Nanay sa pang araw araw naming gastusin.Idagdag pa diyan ang mga utang na naiwan ni tatay dahil sa pagsusugal niya.Wala din kaming sariling bahay at umuupa lamang.Minsan,hindi namin kaagad nababayaran ang aming upa kaya pinapagalitan na kami ng may-ari.
"Ano?!!Magbabayad ba kayo o hindi?!!Jusko naman Kay,palagi nalang kayong hindi nakakabayad sa upa niyo!!Pare-preho lang naman tayong naghihirap dito kay!!"
"Pasensya na po talaga,maaari p-po bang bigyan n-niyo pa p-po kami ni nanay ng isa pang buwan?Pangako babayaran napo namin"
"At talagang isang buwan pa ang hinihingi niyo?!!Aba!!Oh,sige ganito nalang ha?!!Dalawang Linggo!!Dalawang Linggo,pag hindi pa kayo nakabayad,pasesya na pero papaalisin ko na kayo dito!!Maliwanag?!!"
"O-opo"
"Mabuti!!Hay jusko!!Nakakainit kayo ng ulo!!"
Umiyak ako pag alis nang Ale.Talagang walang-wala kami ngayon.Ni hindi na nga kami kumakain tatlong beses sa isang araw dahil kami ay nagtitipid.
Pag uwi ni mama kinagabihan,ako naman ang naghanda para sa trabaho.Mas madami kasi ang kumakain sa karenderya ng may ari tuwing gabi.Malapit kasi ito sa terminal ng bus.Kaya ang mga pasaherong kakababa galing sa bus ay dito na minsan naghahapunan.
Mabait naman ang may-ari ng pinag tatrabahuan ko.
"Kakay,pagkatapos mong servan yung isang costumer,kumain ka doon sa kusina ha.Alam kong hindi kapa kumakain kakay."
"Ahh,kasi po,ano-nahihiya po kasi ako.Ano kasi,uhm,palagi na po akong dito naghahapunan,tapos hindi ko pa nababayaran ang mga kinakain ko.Hindi niyo naman po ki akaltas sa sweldo ko."
"Kay,ano kaba naiintindihan ko ang kalagayan niyo ng iyong ina.At isa pa,malaking tulong na sa akin ang pagtulong mo dito sa karenderya.Wag kanang mahiya,hmm?"
"Ahm,s-sige ho.S-salamat po,maraming salamat"
Kumain ako pagkatapos ng last costumer.Umuwi nadin kaagad ako sa apartment.Pagpasok ko nakita kong natutulog na si mama.Umupo ako sa tabi niya.Nang hawakan ko siya,napansin kong ang taas ng lagnat niya.Kinumutan ko siya bago dali daling lumabas ng apartment.
Pumunta ako sa may pharmacy,bumili ako ng gamot para sa lagnat.
Pagdating ko sa apartment,ginising ko si nanay at pinainom ng gamot.Tinanong ko rin siya kung nakakain na ba siya.Tumango lang siya sa tanong ko.Pinahiga ko na ulit si nanay at pinatulog.
Nilagnat si nanay nang tatlong araw,gustuhin ko mang manatili sa kanyang tabi upang siyay bantayan,hindi maaari.Sapagkat meron na lamag kaming dalawang linggo upang pag iponan ang bayad ng aming upa.
Mas lalong hihirap ang pag iipon ko ngayon gayong may sakit si mama.Kaya kailangan kong magdoble kayod.
Sa umaga,ako ang nagluluto ng mga kakanin at ako na rin ang nagtitinda sa mga ito.Nag iiwan na lamang ako kang nanay ng kaniyang makakakain.Sa gabi naman,saka ako pumapasok sa karenderya upang magtrabaho.Malaki pa ang kulang sa perang pambayad ng upa namin.
Idagdag pa ang mahigit isang milyong utang ni ama sa sugal.Sa ngayon,uunahin na muna naming babayaran ang upa.Mahirap na baka palayasin kami,wala na kaming matitirhan kung sakali.
BINABASA MO ANG
Since Day One
Teen FictionMahirap lang kami,hindi nakakakain ng maayos,walang desenteng bahay at marami pa kaming utang na hindi nababayaran. Ikaw? mayaman,sikat,at maraming pera at higit sa lahat may sarili kanag bahay sa edad mo nayan,may sarili ka na ring kompanya.At mala...