Tumulong ako sa pagluluto ng hapunan.Hindi pa dumadating si Sir.Nang matapos na akong magluto.Naghain na din ako sa mesa.Sinasaway na nga ako ng mga maid eh.Kaya lang,gusto kong tumulong.
Naka apron pa ako ng marinig ko ang busina ng kotse sa labas.Binilisan ko ang paghahain.Ang ibang maids naman,lumabas para salubungin si Sir.
May narinig akong tawanan ng mga lalaki.
Nang silipin ko,may tatlo siyang kasama,halatang mayayaman din.Naglinya ang mamga maid at bahagyang nag bow.Nang makita ko ang ginawa nila.Ganun din ang ginawa ko,nag bow ako at binati sila ng magandang gabi.Naka apron pa pala ako."Ohh,I did'nt know na may bago ka palang maid.Who is she?"sabi nung isa na nakatingin sa akin.
"Ah,oh no she's not one of the maid,she's my–"natigil si Sir sa pagsasalita nang sumingit ako.
"Ahh,y-yes po,b-bago po ako dito.Ako po pala s-si Aira San Agustin,Kakay nalang po ang itawag niyo."ngumiti ako sa lalaki.
Tumango lang ang lalaki at inianyayahan na sila ng mga maid ang mga bisita sa kusina.
Nang sulyapan ko si Sir Jonathan,kita sa mga mata niya ang pagka dissapoint,ngunit ngumiti pa rin siya sa akin.
Hindi ako sumabay sa kanila.Ganon din ang ibang maids,sasabay nalang ako sa mga maids mamaya.Pinakilala ko kasi ang sarili ko bilang maid.
Nang matapos na silang kumain,umalis na kaagad ang mga bisita.
Ako lang mag isa ang nagligpit ng pinagkainan ng mga bisita,ang ibang maid naman nagsasaing pa.Ulit.
"Hindi ka pa kumain"narinig kong sabi ni Sir sa likuran ko.Humarap ako sa kaniya.
"Ahh,oo,sasabay ako sa mga maids"nagbaba ako ng tingin.
Tumango lang siya at umalis na kaagad.Sinabi niyang matutulog na siya.
Kumain na kaagad kami.Sila na ang naghugas nang pinggan.Natatakot daw kasi silang mapagalitan.
Pumasok na ako sa kwarto ko at naligo.
Pinatuyo ko ang buhok ko at kaagad ng natulog.
Maaga ulit akong nagising kinabukasan,tumulong din ulit ako sa pagluluto.
Nang magising si Sir,binati na niya lang kami ng good morning at umalis na kaagad.Ni hindi niya na ako niyakap.Hmp.
Eh?Nong pake ko?
Nang tumanghali na napagdesisyunan kong pumunta sa kaniyang opisina.Nagdala ako ng makakain niya.Balak ko din sana ngayon na mag apply,sana matanggap ako.
Hinatid akong driver ni Sir,natatakot daw kasi siyang mapagalitan pag may nangyaring masama sa akin.
Hindi na ako umangal.
Nakarating kaagad ako sa kompanya ni sir.Ang laki neto,kaya siguro ang yaman niya.Pumasok na kaagad ako.Nung una pinagtitinginan nila ako,nagtanong ako kung saan ang opisina niya.
Pinagtitinginan pa ako sa daan patungo sa kanya.Dala dala ko parin ang pagkain na niluto ko para sa kaniya.
Nang makarating ako kumatok ako.
"Come in"sagot niya.
Nagulat siya nong pumasok ako,ngumiti ako sa kaniya.
"Uhm,pinagluto kita,kumain ka muna."sabi ko na nilapag sa kaniyang mesa ang pagkain.
Ngumiti siya sa akin at tinigil muna ang tina type niya sa kaniyang laptop.
"Hmm,ang bango naman.Buti naman hindi ka nahiya na pumuta dito.Hinatid kaba ng driver natin?"tumango ako sa tanong niya.
Umupo ako sa bakanteng upuan at ngumiti sa kaniya.Nagsisimula na siyang kumain.
"Uhm,ano kasi,b-balak ko sanang m-magtrabaho dito"sabi ko.
Tumigil siya sa pagkain at tiningnan ako.Seryoso ang kaniyang mukha.
"Hindi mo na kailangang magtrabaho Aira.Sa bahay ka nalang.Kaya ko naman na kitang buhayin eh.Asawa kita,remember?"sabi niya.
"Hindi kasi ano-ano kasi g-gusto ko ding maranasang magtrabaho sa kompanya mo.Kahit huwag mo na akong swelduhan,yung p-perang iswe sweldo mo sakin,yun na lang ang ibabayad ko sa mga perang nagastos mo para samin ni nanay."
Tumango siya.
"Okay,if that's what you want."sabi niya.
Napangiti ako.
"Kailan ako pwedeng magsimula?"
"Tomorrow morning.Sumabay kana sa akin,sabay nalang tayong pumasok dito.Nasa iisang bahay lang sin naman tayo."
Bahagyang nawala ang ngiti sa aking labi.
"Ano kasi,pwede bang huwag tayong magsabay.K-kasi ano,nahihiya ako.A-ayoko din sanang may makaalam na mag asawa tayo."kinakabahang sabi ko.
Tumango lang siya,at ngumiti.
"Sige.Umuwi kana.May pupuntahan ka pa ba?"
Umiling ako.
"Umuwi kana then,Kumain ka naman na siguro.Magpahinga kana sa bahay.Paghandaan mo ang trabaho mo bukas."sabi niya.
Tumayo na ako at aalis na sana nang magsalita siya.
"Take care,aight?"nakangiti siya habang nagsasalita.Tumango ako at lumabas na.
Pinagtitinginan ulit ako ng mga tao paglabas ko.Kaya nagbaba ako ng tingin habang naglalakad.Nakahinga ako ng maluwag nang tyluyan na akong makalabas.
Umuwi na kaagad ako.Naligo ulit ako pagdating ko sa bahay.Binalita ko sa kanila ang ipinunta ko sa kompanya ni Sir.
Nagulat sila.Asawa daw kasi ako ni Sir tapos nag apply pa ako ng trabaho.Pinaintindi ko nalang sa kanila.
Nang sumapit ang gabi,sabay sabay kaming kumain.Hindi nila hinayaan na ako ang maghugas ng pinggan.
Pumunta ako sa sala at doon ko nakita si Sir.Tumabi ako sa kaniya.
"Uhm,s-salamat talaga.K-kasi pinayagan mo akong magtrabaho sa kompanya mo."
"Your welcome.Hindi ka pa ba matutulog?"
"Matutulog na din ako maya maya"
"Hmm,okay.Mauuna na ako sayo kung ganon.Goodnight."
"Goodnight"
Tumayo siya.Bago siya tuluyang pumunta sa taas.Hinalikan niya ako sa noo.
Ehe eneve!
Natulog na kaagad ako pagpasok ko sa kwarto.
Naghanda na din ako ng gamit at ng masosoot para sa trabaho ko bukas.
Hanggang sa pagtulog ko,hindi nawala ang ngiti sa aking mga labi.
Naging mahimbing ang aking tulog.
Sana,marami akong maging kaibigan sa opisina.
Sana nga...
BINABASA MO ANG
Since Day One
Teen FictionMahirap lang kami,hindi nakakakain ng maayos,walang desenteng bahay at marami pa kaming utang na hindi nababayaran. Ikaw? mayaman,sikat,at maraming pera at higit sa lahat may sarili kanag bahay sa edad mo nayan,may sarili ka na ring kompanya.At mala...