Nagising ako ng maaga.Hindi na nila ako hinayaan na tumulong sa pagluto sa kanila.Sa halip,pinasabay nila ako sa pagkain kang Sir.Dinahilan nila ang pagtatrabaho ko.Bawal daw ako malate.
Sinabay ako ni Sir sa kanyang kotse.
Ba't ba sir tawag ko?
"Let's go"tinanggal ni sir ang seat belt niya.At lalabas na sana siya nang mapansin niyang hindi ako gumagalaw sa kinauupuan ko.
Bumuntong hininga siya.
"Fine...Sa susunod ikaw ang mauunang papasok sa loob.But....now,kailangan nating magsabay.Ipapakilala kita sa kanila."sabi niya.
Aangal na sana ako,ayokong ipakilala niya ako bilang asawa niya.Ngunit nagsalita siya.
"Don't worry......I.....I will introduce you.......as my employee."nahihirapan niyang sabi.
Nakahinga ako ng maluwag.
Salamat naman..
Agad na kaming pumasok.Agad akong pinagtinginan ng ibang empleyado.Nang makita nila na kasama ko ang boss nila,kaagad lumipat ang tingin nila sa kanya.
Ang iba kinilig pa.Tss.
"Listen,everyone"pagkuha niya sa atensyon ng lahat.
"Meet Aria San Agustin-Monteverde"kinabahan ako sa sinabi niya.
Baka magtaka ang mga empleyado kung bakit pareho kami ng apelyido.
"Bago lang siya dito sa kompanya.Pakisamahan niyo sana siya.Huwag na huwag niyong hahayaan na may manakit sa babaeng to.Maliwanag?"tanong niya.Mukhang galit.
Tumango ang mga empleyado na mukhang natatakot.
May isa pang naglakas ng loob na magtanong.
"Ahh,sir?Bakit po pala pareho kayo ng apelyido?"kinakabahang tanong nang isa.
Ngumiti si Sir.
"That's for you all to find out"huli niyang sinabi bago umalis.
Sinamahan niya ako sa pwesto ko at sinabi ang mga kailangan kong gawin.
Madali lang naman pala,gagawa lang ako ng mga reports.Tapos,kung may papepermahan huwag daw akong mahihiya na lumapit sa kaniya.Asawa niya naman daw ako.
Hindi ko alam kung bakit naiilang ako sa tuwing tinatawag niya akong asawa niya.Hindi ko rin maitatagong kinikilig din ako pag tinatawag niya ako ng ganon.
Nang magtanghali,sumabay na ako sa iba patungong canteen.Marami ang kumakain dito.
Binigyan ako ng pera kanina ni Sir Jonathan pambili ko daw pag nagtanghalian na.
Bumili ako ng kanin at ulam.Malamang!
Ako lang mag isa sa inuupuan ko.Pinagtitinginan pa ako ng halos lahat ng nagtatrabaho.Pati na rin ang mga tagabigay ng pagkain.Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagkain habang yukong yuko.
Maya maya pa,may naramdaman akong umupo sa kaharap kong upuan.
Nag angat ako ng tingin.
Halos mabilaukan ako nang makita ko si Sir Jonathan na nakaupo sa harapan ko.
Juskopo.
"Masarap ba pagkain dito?"sumubo siya ng isang kutsara pagkatapos,nginuya ito saka siya tumingin sa akin ng nakangiti.
"Uhm.o-oo naman"jusko ka.
"Mabuti naman.Binayaran mo ba yan?Pwede mo namang sabihing asawa kita para makalibre ka."he smirked.Tsaka nagpatuloy kumain.
BINABASA MO ANG
Since Day One
Teen FictionMahirap lang kami,hindi nakakakain ng maayos,walang desenteng bahay at marami pa kaming utang na hindi nababayaran. Ikaw? mayaman,sikat,at maraming pera at higit sa lahat may sarili kanag bahay sa edad mo nayan,may sarili ka na ring kompanya.At mala...