I. The Lost Application Form

5.5K 43 30
                                    

“Franz! Bilisan mo na kaya diyan o male-late ka na naman.” Sigaw ni Aling Freedom, ang ina ni Franz.

“Opo ma, tatapusin ko na lang po tong buhok ko.” Sagot ni Franz na nagaayos sa kanyang buhok.

“Kuya, bilisan mo na.” Wika ni Ching, kapatid ni Franz.

“Oo na, oo na.” Lumabas si Franz sa kanyang kwarto papuntang kusina.

“O, di ka ba kakain?” Tanong ni Aling Freedom.

“Di na po ma, diba sabi nyo male-late na ako?” Biro ni Franz.

“Naku, ayan ka na naman. Kung buhay lang sana ang papa mo, papagalitan ka talaga no’n.” Wika ni Aling Freedom. Agad namang huminto si Franz sa pagaayos ng kanyang bag at natahimik.

“Sige ma, alis na po ako.” Matamlay na sinabi ni Franz at hinalikan ang kanyang mama. Lumabas ng pinto na naluluha.

“Ikaw na man kasi ma eh.” Sinabi ni Ching kay Aling Freedom.

“Pre anong oras na?” Tanong ni Franz sa katabi niyang lalaki.

“Alas 8:30 na po.” Sagot ng mama.

“Sige po salamat.” Wika ni Franz.

Habang sumasakay ng bus papunta sa lugar na pinag-aaplyan niya, nahold up ang bus na sinasakyan niya.

“Hold-up to! Wag kayong gagalaw!” Wika ng hold-uper. “Ibigay ninyo lahat sa akin ang inyong mga pera at cellphone ngayon na!” Dagdag niya habang nakahawak ng baril.

Napansin ni Franz na hindi pala totoo yung baril kaya may naisip siya na ideya; tumayo siya at tumakbo papuntang harap upang lumabas ng-

“Saan ka pupunta toy?” Wika ng isa pang hold-uper.

“Ahh... sa labas po.” Sagot niya.

“Akin muna ang bag mo.” Tukso ng mama.

Natahimik si Franz ng ilang saglit at lumuhod.

“Kuya, wag nyo pong kunin ang bag ko, nandito po lahat ng papeles ko. Kuya, alam nyo po na lahat ng mga Pilipino naghihirap. Hindi lang kayo. Kami rin. Kuya, may aaplyan po akong trabaho ngayon at late na po ako sa job interview ko. At mas male-late pa ako kung hindi niyo ako palalabasin kuya. Please? Sige na kuya.” Wika ni Franz habang lumuluhod at nagmumukhang tanga(haha).

“Oh? Unfair sa amin lahat noh! Ikaw lalabas, kami ibibigay namin ang mga gamit namin? Wag kang lumabas.” Sabi ng babae na nasa may bandang gitna ng bus.

“Oo nga!” Nagsabayan ng pagbigkas ang mga pasahero ng bus.

“Please naman po, naghihirap po talaga kami at wala na po kaming halos makain. Eto lang po ang chance ko na ma-prove sa mama ko na may silbi ako sa buhay nila. Na hindi ako pabigat. Pramis, ililibre ko kayo lahat ng kwek-kwek, kahit ilan pa gusto ninyo. Please naman ho, I barely have 10 minutes to arrive to that building at get the job.” Mangiyak-ngiyak na sinabi ni Franz.

“Sure ka ha? Libre ka ng kwek-kwek.” Wika ng estudyanteng nasa likod ng drayber.

“Tanga! Mahirap? Eh nagbu-bus nga yan eh!” Sabi naman ng kasama ng babaeng estudyante.

“AT AIRCON PA!” Sigaw ng lalakeng nasa likod ng bus.

“Nag-eenglish pa!” Wika ng hold-uper.

“Ser, maaaaam, sige na po, palayain niyo na po ako. 7 minutes na lang po talaga. Hindi po ba kayo naaawa?” Tanong ni Franz.

“Ikaw? Hindi ka ba lalabas? Kanina pa kami naiinitan dahil kanina pa nakabukas ang pinto.” Wika ng drayber. “Sige go na! Make your mama proud.” Dagdag niya.

“Salamat po talaga mamang drayber!” Hinalikan ni Franz sa pisngi ang drayber at lumabas.

Tumakbo ng malakas si Franz palabas ng bus patungo sa building na kanyang pupuntahan na mga 300 meters ang layo. Magulo ang buhok niya nang dumating siya sa kanyang destinasyon, pero umabot siya sa tamang oras. Inayos niya ang makusot niyang damit at magulong buhok.

“Paki pasa na lang po ang application form ninyo at magsisimula na po ang interview ng 8:45.” Wika ng babae na mukhang sekretarya.

“Application... application... application form.” Hinanap ni Franz ang folder niya. “APPLICATION FORM! NASAN ANG APPLICATION FORM KO?” Sigaw ni Franz at tumingin ang lahat ng mga aplikante sa kanya. “Ang bus... ang folder... ang application form...” Halos mawalan ng malay si Franz.

“Oh, eto. Application form. Fill-up mo lang yan ng maayos. And it will be good as new. As for the picture, you need to go sa harap ng building. May rush-ID dun. Mga 5 minutes lang. Trust me.” Wika ng babae habang inabot ang bakanteng application form. Tinanggap naman ni Franz ito, ngunit hindi nakatingin sa dalaga.

“Si Cherry!” Gulat na wika ng babaeng aplikante.

“Si Cherry nga!” Sabi ng lalake.

“Cherry!” Nagsabayan ang lahat ng mga aplikante.

“Cherry?” Tanong ni Franz. “Cherry! Cherry Diaz!” At nilingon ni Franz ang artista pero wala na siya. “Salamat!” Sigaw ni Franz.

“Cherry naman kasi eh. Sabi ko na nga ba na sana hindi ka nalang nagpakita. Ayan tuloy, muntikan na tayong mahuli.” Sabi ng assistant ni Cherry na si Yen.

“My dad works for the company. It is my duty to help sa mga whereabouts ng kompaya ni daddy. Alam mo na man diba? Na gusto niya ako ang magmana sa kompanyang itinayo niya. Ayoko namang mapahiya ang daddy ko. Wala na nga akong ibang magawa.” Sagot ni Cherry.

“Your shooting will be on 10:00, at ang dinner/press conference mo para sa new movie will be at 7:00.” Wika ni Yen.

“Okay. Salamat Yen. Starbucks?” Tanong ni Cherry.

“Sige, pero wear your hat and sunglasses.” Demand ni Yen.

“Okay.”

“You’re hired. Be sure to be here tomorrow morning at 10:00 am sharp. Your work floor is at the 18th and be sure to arrive tomorrow beforehand. Dapat mo ding kunin bukas ang mga gamit mo sa Secretary’s office. Got it Mr. Luna?” Wika ng interviewer na lalake.

“Yes sir.” Sagot ni Franz na natutuwa dahil natanggap na siya at last sa inapplyan niyang trabaho. Limang job interview din ang hindi niya nakuha at ngayon sa wakas natanggap na siya.

“Be sure to not flunk your first day. Got that Mr. Luna? You’re excused.” Wika ng babaeng interviewer.

“Yes ma’am! Thank you so much ma’am. I promise i wont fail your great expectations.” Nagpasalamat si Franz at biglang sumigla.

Umuwi siyang may dalang Sr. Pedro’s Lechong Manok. Nagulat ang kanyang mama dahil biglang nag pa blow-out si Franz.

“Oh? Anong meron?” Tanong ni Aling Freedom.

“Natanggap po ako.” Sagot ni Franz na niyakap ang kanyang ina at hinalikan sa noo.

Pagkatapos nilang kumain ay naghanda na si Franz na matulog. Bukas, magbabago na ang buhay ko. Wika niya sa sarili. Pero kailangan ko pang magpasalamat kay Cherry. Pero artista siya. Paano kaya? Tulog na nga lang ako. Salamat po Lord sa kabaitan ninyo.

At natulog na si Franz dahil alam niyang mahaba-haba din ang araw niya bukas.

[KathNiel] Celebrity Bodyguard (CANCELLED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon