19

9 0 0
                                    

19



"Sungchan, itago mo ako sa likod mo." Mahinang bulong ni haechan sa kasama sabay tago sa likod nito.



"Sino tinataguan mo?"



"Si mark, wag ka maingay."



Mark is leaning on his car while waiting for haechan, when he noticed sungchan na parang tanga kung mag lakad dahil tinatago nito si haechan sakanyang likuran.


"Aray!" Sigaw ni sungchan ng maapakan ni haechan ang likod ng sapatos nya, muntik pa sila madapa.


Natawa nalang si mark sa nakita, alam nya na nasa likod ni sungchan ang kanyang dating kasintahan. Alam nya na ito dahil ang pag tago sa likod ni sungchan ang laging ginagawa ni haechan para makatago at maka-iwas sakanya, matangkad kasi ito kaya hindi talaga sya kita pero kabisado na ito ni mark.


"Umayos ka sungchan." May diin na bulong ni haechan kay sungchan, tumango lang ito at nag patuloy sa pag lalakad hanggang sa makalapit sila sa kotse ni sungchan na nasa tabi ng kay mark.


Paano ako papasok sa kotse?  Tanong ni haechan sakanyang sarili.



Natawa na lamang sya dahil ang bobo nya, makikita parin naman sya ni mark dahil hindi sya makakapasok sa kotse ni sungchan kung hindi sya hihiwalay dito.


"Sungchan, tulungan mo ako makapasok."


"Sige, teka may naisip ako."



Tumango si haechan at nag hintay sa kung ano ang gagawin ni sungchan.


"Mark, talikod ka nga muna papasok lang si haechan sa kotse."



Suko na si haechan. Wala na.



MAMAYA KA SAAKIN JUNG SUNGCHAN!


Umalis na si haechan sa pag kakatago sa likod ni sungchan, he awkwardly faced mark.


"Hehe, hi." He awkwardly wave his hand to his ex lover, ang pag ngiti nya ay pilit lang.


Kinakabahan sya.


"Let's talk, hyuck. Yung tayong dalawa lang." Mark said softly which melts haechan's heart. Miss na miss nya na ito.


"Iwan ko na ba kayong dalawa?" Naka-ngiting tanong ni sungchan sakanila.


Tangina mo talaga sungchan! Nakaka-dalawa ka na!


"Yes please." Sagot ni mark.


Sungchan nodded and went inside his car, at pinaharurot nya na ito paalis.


Awkward silence filled the parking lot.



"Ahm, bakit tayo mag uusap?" Haechan asked as if hindi nya alam.



"About your chat last night." Mark answered calmly.


"Ah, yun ba? Lasing ako nun, hindi ko alam ang ginagawa ko. Kalimutan mo na yun." Haechan said sabay iwas ng tingin kay mark.


"Alam mo na mahal pa kita right? I never and I will never stop loving you, hyuck kahit sabi mo hindi mo na ako mahal."


"Mark, wala lang yung sinabi ko okay? Kalimutan mo na yun lasing lang talaga ako. Hindi yun seryoso."


"Then ako seryoso ako, let's get back together."


Nanlaki ang mata ng nakababata sa sinabi ng kanyang dating kasintahan.



"Tanga ka ba, mark? After all those painful words na sinabi ko sayo that night that we broke up mahal mo parin ako? Hindi ka man lang galit saakin?"


"Nagalit ako, pero wala na. And yes tanga ako sayo."


"Ang baduy mo! Bumalik ka na nga sa canada shuta ka!"


"Gusto mo ba?"


"Oo, tapos sasama ako dun na tayo titira?"


Parang tanga ngayon na naka-ngiti si mark, nahawa din si haechan sa ngiti nya kaya dalawa na sila na parang tangang nakangiti sa isa't-isa.


"Tayo na ulit?" Mark asked still wearing his parang tangang smile.


"Hindi, ligawan mo muna ako." Haechan playful replied.


"Sige starting this day nililigawan na kita."


"Sige din starting today sinasagot na kita."


"Are you serious?"


"Hindi, asa ka."


"Tsk, let's go. Date tayo."



Mark grabbed haechan's hands and guide him to his car. Pinag-buksan nya ito ng pinto bago sya pumasok.


Okay na siguro na nalasing ako. Miss na miss ko na talaga kasi sya.


And also, mahal ko parin din naman sya.


I never stop loving him.

balik | markhyuckWhere stories live. Discover now