Chapter 35.

1.4K 31 9
                                    

=====

Kimy's POV

"Hello b! Paano ba patahanin 'tong FO mo? Kanina pa iyak ng iyak!"

"OA lang panget??"

"Ay sige maluha luha lang pala HAHA."

Kasama ko si Ara ngayon sa bar. Langya 'to ako pa sinama. Nag away kasi sila ni Mika. Matinding away ba. Dahil sa mga chix ni Ara. HAIXT!

"Hoy! Wag kang iinom ng madami diyan ha! At yang mga mata mo, baka kung saan saan nanaman nakatingin yan! Tusukin ko yan kapag nalaman kong saan tumitingin sa iba!"

"OA lang, pango??"

"Aba't human--" pinutol ko na yung sinasabi niya. Patay hulk nanaman 'to HAHA.

"Joke lang b! Eto naman hahaha opo! Promise, sayo lang ako titingin."

"Siguraduhin mo lang, tatanong ko diyan kay FO!"

Eto pa tatanungan niya, eh lasing na 'tong katabi ko HAHA.

"FO!!!! A-alam mo ba madameng chix si--" Tinakpan ko agad yung bibig ni Ara. Leche 'to.

"Hoy ano yon??" tanong ni Mela.

"Wala 'yon! Lasing na 'tong katabi ko HAHA sige na b, text nalang kita."

"Magtext ka, okay? Wag mo 'kong papa-alahanin. At wag kang masyadong iinom wala ako sa tabi mo!"

"Opo. I love you b."

"I love you more, sobra.." she said. At napangiti naman ako dun. Kahit ganto siya. May side talaga siyang sweet. Hindi nga lang showy pero kahit ganun, nagiging masaya naman ako. ;)

"Tagay pa wafs!!!!" sabi ni Ara. At tsaka ako binigyan ng isa pang bote. Siya naman tumagay ulit. Napakamot nalang ako sa ulo.

"Tama na nga 'yan Vic, nakadami ka na oh. Magagalit sakin si Ye." sabi ko at kinuha ko ulit yung bote sa tapat niya. Pero kinuha niya ulit. -__-

"Sus, walang magagalit noh! Wala ngang pake sakin yun. Hahahaha." Tinignan ko lang siya.

"Hahahahaha.. tangina kimy ang sakit." Nakatingin lang ako sa kanya at halatang pinipigilan niya yung mga luha niya. "Wala ba siyang tiwala sakin?"

Lumapit ako sa kanya at inakbayan siya. "Alam mo Vic, kapag man chi-chix ka kasi wag kang pahalata. Tignan mo 'ko, gayahin mo kasi ako." sabi ko at tuluyang tumulo yung mga luha niya. Luh! Di ko naman pinapaiyak.

"L-lul ka! Sumbong ko kay FO mga kalokohan mo eh!"

"Vic, alam mo namang simula nung nakilala ko si Mela nagbago ako. Saksi ka sa lahat ng pagbabago ko. Di na 'ko nan ch-chix pero minsan tinutukso ako." I said at natawa naman siya. "Pero seryoso, alam ni Mela mga ginagawa kong kalokohan nagiging totoo ako sa kanya. Kaya tinatanggap ko kapag inaaway niya talaga ako. Wala eh, aminado ako. Pero hindi na kami umaabot ng tulad sa inyo."

Ilang minuto kami natahimik ang siya naman tumungga ng alak na nasa harap niya. "Kimy, si Mika kasi.."

"Si Mika wala siyang tiwala sayo? Vic, sino ba kasi matutuwa sa ginawa mo ha? Maski ako, kapag sakin nangyari yan masasaktan talaga ako eh." I said to her. "Tandaan mo, Ang tiwala ay parang sticker. Once na natanggal mo, maaari mo pa itong maidikit ulit pero di na kasing tibay ang kapit tulad ng dati."

Mas lalo naman siyang naiyak sa sinabi ko. "Tulungan mo ako please?"

"Oo naman. Tutulungan kita, hahayaan ko bang mawala yung pina iingatan kong ship? Yung pinanukala kong barko? Baka pagbabatuhin ako ng pakwan ng mga fans niyo."

Love Will Keep Us Together ( Jessey De Leon & Ria Meneses ♥ )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon