Chapter 27.

1.7K 44 0
                                    


=====

Present

Riri's POV

Nung nakita ko na siyang nakatayo doon, biglang bumilis ang tibok ng puso ko pero this time hindi na dahil sa kaba. Kundi dahil sa kasiyahan, kasiyahan dahil nakita ko na ulit siya ng malapitan. Kasiyahan kasi finally mayayakap ko na ulit siya.

Pagkatangal niya ng piring niya nagtama na agad ang mga mata namin at bakas sa kanya ang pagkagulat. Nginitian ko siya at naglakad papalapit sa kanya. Siya naman tumakbo papunta sakin at sinalubong ako ng yakap.

"Riri"

The way she call my name. Oh, namiss ko 'to. Namiss ko ulit makalapit sa kanya ng ganto. At namiss ko ang yakap niya.

Ginantihan ko siya ng yakap yung tipong ramdam niya yung pagkamiss ko sa kanya. At naramdaman ko namang may pumatak na liquid sa balikat ko.

"Hey are you crying?" tanong ko. Tinangal ko yung pagkayakap ko sa kanya at pinaharap ko siya sakin. "Why? Bakit ka umiiyak? Sabi ko sa'yo sa lahat ng ayaw ko yung nakikita kang umiiyak eh."

"Namiss lang kita.. Haha." She laughed and pinunasan ko naman yung pisngi niya gamit yung dalawa kong thumb.

Maya maya bigla nalang tumunog yung instrumental ng Thinking Out Loud. Ngumiti ako sa kanya.

"Can we dance?" alok ko sa kanya.

Tumango naman siya at hinawakan ko yung kamay niya at dinala siya sa gitna.

Habang sinasayaw ko siya nakatitig lang ako sa kanya sa mga mata niya same with her. Nakakatitig lang kami sa isa't isa.

And, darling, I will be loving you 'til we're 70
And, baby, my heart could still fall as hard at 23
And i'm thinking 'bout how people fall in love in mysterious ways
Maybe just the touch of a hand
Well, me I fall in love with you every single day
And i just wanna tell you I am

The next thing i knew is nakaluhod na ako sa kanya. Bakas naman sa mukha niya yung pagkagulat.

"KASAL AGAD????" rinig kong sigaw ng barkada sa gilid and i mouthed "gago" to them at pareho naman kaming natawa ni Jessey.

Jessey's POV

Kung nakakamatay lang yung kilig siguro kanina pa ako pinaglamayan. Marivic Meneses why u do dis to me? 😭💕

"I know recently hindi maayos yung pagsasama natin. Madami akong nagawang kasalanan sayo at higit sa lahat nasaktan kita. Please forgive me." she said at kita sa kanya na totoong sincere siya.

"Tumayo--"

"HINDI PA SIYA TAPOS!" sigaw ng barkada. Okay chill sabi ko nga hindi pa siya tapos.

"Sa dinami dami kong katangahan na nagawa alam mo kung ano yung pinakamalala? Yung pinakawalan kita.. Ang tanga ko kasi. Pero kahit ganun nangyari satin dati, hindi kita tinigilang mahalin. Yeah, i still love you Jessey."

I don't know what to say.

"Wala ka namang dapat sabihin eh. Pero after nito dapat may sabihin ka na. Haha. I still love you Jessey i really do. And ramdam kong mahal mo pa din ako...

Jessey, will you be mine?"
😳😳😳😳😳

Tumingin muna ako sa barkada and ibang teammates ko dito sa gilid. Lahat naman sila nag thumbs up at nakangiti na halatang kilig na kilig.

"Yes Riri... I will be yours, you will be mine and together we will be one love." nakangiti kong sagot.

Tumayo siya at agad akong niyakap at hinalikan sa noo. "Thank you so much Jessey! I promise na magiging mabuti akong girlfriend mo at araw araw kang nakangiti dahil sakin." She smiled at me at ngumiti din ako sa kanya. Nagsipalakpakan naman yung barkada na kanina pang kilig na kilig samin sa gilid.

Love Will Keep Us Together ( Jessey De Leon & Ria Meneses ♥ )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon