Chapter 4.

2.9K 55 8
                                    

====

Jessey's POV

Nagising ako narinig kong may bumaba mula sa hagdanan. Si Mela pala.

Mela: Oh anyare 'bat diyan ka na nakatulog?

Jessey: *bumangon* Plates as always! *stretch*

Pero wait. Napansin ko na may kumot at unan na nakapaligid sakin, nakaayos yung mga gamit ko sa pag gawa ng plates, at bigla kong naalala yung mga nangyari kagabi.

Jessey: Wait. Mela si Riri?

Mela: *nagtitimpla ng kape* Umagang umaga si Riri agad ah? Iba na 'yan. *Laughs*

Jessey: Loko. Sinamahan niya kasi ako kagabi dito eh, then ako pa nakatulog.

Mela: Ow. Naalimpungatan nga ako nung umakyat siya kagabi para kumuha ng unan. Wala eh, maagang umalis.

Jessey: Ha?! *tumingin sa oras* 8am palang oh.

Mela: Siguro mga 6 siya umalis. Ginising lang din ako para magpaalam eh, may pupuntahan daw siya.

Jessey: 'Tas ako hindi man lang ginising. Tss.

Tumayo ako at pumunta sa ref para kumuha ng milk ng mapansin kong may sticky note dun, kaya agad kong kinuha at binasa.

Goodmorning Stick-o ko! :*Alam ko dito ka unang pupunta pagka gising mo, kaya dito ko na iniwan. Sorry kung hindi kita ginising para magpaalam ha? Alam ko kasi mahimbing ang pagkatulog mo, kasi puyat ka nanaman. Wag kang magtampo ha? Btw, umalis ako ng umaga kasi may pupuntahan ako. Eat your breakfast na nilutuan kita ng favorite mo. Labyu Ate Jess! :*

-Riri

Napangiti naman ako. Haayy. Riri you never failed to make me smile, everyday.

Mela: Sweet talaga ni Riri noh?

Jessey: Sinabi mo pa. *smiles*

Haay. Riri.. Pababa na ng pababa yung hulog ko sa'yo.

Kinuha ko yung phone ko at tinext siya para magpasalamat.

To: Baby Riri

Thank you sa Breakfast. Ingat ka sa pupuntahan mo. Labyutoo! :* :)

Sinunod ko yung nasa letter, kumain na ako at nilutuan niya talaga ako ng Tapsilog then Bacon.

After nun, gumawa ulit ako ng plates atleast 3 lang matapos ko okay na.

Pam: *kababa lang* Hey Guys! No classes daw ngayon araw 'tas wala din daw training dahil sa lakas ng ulan.

Tumakbo agad ako sa bintana. Shit. Baha na. Ngayon ko lang din napansin na umuulan.

Nasan kaya si Riri? Nakasilong kaya 'yun o Nauulanan? Kaya agad kong kinuha yung phone ko, wala pa siyang reply sa una kong text, kaya tinext ko ulit siya.

To: Baby Riri

Riri, Where are you?! Malakas yung ulan. Nasan ka? Nasa silong ka ba? Baha na dito, umuwi ka na pls.

Makalipas ang 5 oras, wala paring nagbago. Mas lumakas pa yung ulan at yung baha sa labas hanggang bewang na. Hindi naman pinapasok yung dorm namin kasi mataas may ilang hagdanan bago ka maka pasok sa dorm.

Mela: Baha din daw sa taft sabi ni Kimmy!

Tumingin ako sa phone, wala paring reply si Riri simula ng maaga. Nagaalala na ako. Ilang beses ko na siya tinetext at tinatawagan pero hindi niya sinasagot or out of coverage area.

Love Will Keep Us Together ( Jessey De Leon & Ria Meneses ♥ )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon