2 : Dream

66 4 0
                                    

[ Hanni's POV ]

Nandito ako ngayon sa isang garden na may nakaset-up na table for two at may petals na nakakalat sa baba. Ang ganda niya tignan, sobra... Habang iniikot ko ang paningin ko sa paligid, may natanaw akong lalaki na papalapit. Napangiti ako ng mapagtanto kung sino ito.

" Nate..."

"Nagustuhan mo ba?" tinutukoy niya yung set-up nung place. Tumango ako bilang sagot

"Nga pala bes, ano bang ibig sabihin nung nakalagay sa sticky note na 4 words...?" hinawakan niya yung isa kong kamay at inilagay dito ang isang bulaklak na may nakadikit na sticky note.

"Diba ang sabi ko sayo, itanong mo sa bulaklak?"

Inumpisahan kong tanggalin ang bawat petal sa bulaklak na ibinigay niya sa akin. Hanggang sa makarating ako sa huling petal "......He loves me not" tumingin ako sakanya. Nakatingin siya sakin ng seryoso. Eto na ba yung 4 words na sinasabi niya?

"Baliktarin mo yung sticky note..." ang seryoso ng boses niya

Kinakabahan kong binaliktad yung sticky note. At ng nakaharap na sakin yung nakasulat, sana pala di ko na lang ginawa...

"I DON'T LOVE YOU"

*~krrrriiiiiiiiiiiiiiiiiiiinggggggggggggggggggggg!!!~*

Nagising ako sa tunog ng alarm ko. Napahawak ako sa pisngi ko, basa. Hindi ng tubig, kundi ng luha... Pumunta ako sa harap ng salamin.

"Ano ka ba naman Hanni! Bakit mo iniiyakan yun? Panaginip lang yun... Wag ka mag-alala, di mangyayari yun. At tsaka may pag-asa pa naman, malay mo gusto ka din ni Nate diba? At tsaka malay mo ba kung iba naman pala yung ibig sabihin nung 4words?" Kinuha ko yung suklay para ayusin yung gulo-gulo kong buhok. Pero tila parang gumalaw si AKO sa salamin??

"Ano ka ba girl, pano kung totoo yung nasa panaginip mo? Hahaha. Wag na kasi umasa girl. Bilang bestfriend ang gusto ni Fafa Nate, at hindi bilang Girlfriend. Eto lang ang masasabi ko girl : Stop making 'asa' , because it feels like having 'pasa'. MASAKIT.. Sige na , I gotta go. Busssssshhhh~"

Natulala na lang ako pagkatapos ng mga sinabi ni 'AKO' ?. Tinaas-baba ko yung kamay ko para malaman kung umalis na nga siya, at oo umalis na nga dahil kung anong ginagawa ko ay siya ring ginagawa nung nasa salamin. Nagbalik na si AKO. Pero ilang sandal pa lang ay.......

"Ayyy girl, wag na mag muni-muni dyan... Check the time!!!"

Napatingin ako sa orasan,

7:30am pa lang naman...

Pero NO-NO-NO.

8:00am ang pasok koooo !!! O___________________O !!!

"Hanni !!!" napatingin ako sa bintana ng kwarto ko at nakita ko si Bes. Naalala ko nanaman yung kanina. Bakit ganun? Ang ganda na nung umpisa eh. Tapos biglang nasira nung dulo. Aasa ba o hindi? At sino ba yung 'AKO' na nagsalita kanina? Susundin ko ba yung sinabi niya na wag na umasa? O go pa rin ako dahil baka may chance? Bakit ako tinatawag ng gwapong nilalang sa baba? Ay, oo! Sabay dapat kami papasok. At bakit ba napakarami kong tanong? Aba ewan ko. MALE-LATE NA AKOOOOOOOOOOO !

"Uy Hanni ano na?! Wag ka na tumunganga diyan, Tara na!"

"Ay sorry bes! Mauna ka na, nalate ako ng gising eh! Sige na, mag-aayos pa ako." Hindi ko na hinintay yung sagot niya. Hindi dahil sa kadahilanang gusto ko siyang iwasan dahil nga dun sa napaginipan ko, kundi dahil..... LATE NA NGA AKOOO!

Kumaripas na nga ako ng takbo papuntang banyo at ginawa ang mga dapat gawin.

* * * * *

Time Check : 8:30am

4 WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon