1 : HaTe

71 3 1
                                    

Kasalukuyan akong nasa garden ng school ngayon. Hindi para titigan kung gaano kaganda ang mga bulaklak na nakatanim dito, kundi para pitasin sila at taggalin ang bawat petal hanggang sa maubos ito.

"......He loves me not" yan na yung last petal sa hawak kong bulaklak. Napabusangot na lang ako hang tinititigan yung mga petal na nahulog sa baba.

"Kailan ba magbabago yan ha? Kailan mo ba sasabihin na gusto niya rin ako? May pag-asa ba kung sakali mang magtapat ako sakanya?!" sigaw ko dun sa tangkay ng bulaklak na hawak ko.

Alam ko namang di sasagot sakin yun kaya binitawan ko na lang. May nakita akong mga paa na lumapit at pinulot yung tangkay.

"Panibagong bulaklak nanaman ang nasawi dahil kay Hanni Ashley Galvez." napaangat ako ng tingin.

*dug.dug.dug.dug* napatayo ako bigla.

"U-uy bes, kanina ka pa dyan?!"

"Hmmm...Yup ^_^" oh great -__- meet my guy bestfriend, Nathan Garcia. Nate for short. Inakbayan niya ako pabalik sa pagkakaupo ko kanina. "So tell me, sino yung nagugustuhan mo? Who's the lucky guy?"

If you're thinking na inlove ako sa bestfriend ko, then-----ughh, oo tama ka. And I wanna tell it to him right now.

"S-secret ko na yun 'no! At bakit gusto mong malaman, aberr?" tumawa siya tapos ginulo niya yung buhok ko

"Para matulungan kita. At para kapag nagkagusto rin sayo yun, di mo na kailangan pang tanggalan ng petals ang bawat bulaklak na mahawakan mo. Oh diba? Haha" sagot niya sakin

"Then I don't need your help. Ang saya kaya, try mo." tapos inabot ko sakanya yung isang bulaklak na kapipitas ko lang. Kinuha naman niya ito sa kamay ko. *dug.dug.dug.dug*

"Seriously? Haha. Sige, try natin" then he started to remove each petal, until the last one. "......She loves me ^______^" tumingin siya sakin at ngumiti.

"Oh pano bayan, SHE loves me! Whooo~" tinaas niya pa yung dalawang kamay niya. Tapos inakbayan niya 'ko. "Tara na Hanni, uwi na tayo"

"Ba't ang lapad ng ngiti mo? Sino ba yun bes?" tanung ko sakanya habang naglalakad kami pauwi.

Walking distance lang naman kasi mula school hanggang bahay namin.

"Secret ko na rin yun!" napabusangot ako. "Oh, bakit nakasimangot ka dyan? Ayaw mo nun, quits na tayo. Secret din yung sayo dibaaa? Hahaha" tumawa siya tapos ginulo niya yung buhok ko. Di ko na lang pinansin. Malalaman ko rin yun. Bwahahaha.

* * * * *

Natatanaw ko na yung bahay namin kaya naman binillisan ko na yung lakad. Papasok na sana ako ng...

"Hanni, teka lang!" napalingon ako. Nagulat ako ng biglang tinapik ni Nate yung noo ko at may kung anong idinikit rito. Pagkatapos nun ay tumakbo na siya papunta ng bahay nila which is katapat lang nung samin.

Kinuha ko yung dinikit niya sa noo ko, isang sticky note. Binasa ko yung nakasulat "4 words...?" tinignan ko si Nate ng may pagtataka habang nakataas yung sticky note. "Itanong mo dun sa mga bulaklak mo! Hahahaha" sigaw niya habang nakadungaw sa pintuan nila.

Tssss -____- Pinagttripan nanaman niya ako. Kagaya dati, habang naglalakad kami sa hallway dinikitan niya ko ng sticky note sa likod ko na may nakalagay na "Free Hugs" .. Niyakap tuloy ako nung isang lalaki na sabi nila may gusto daw sakin. Isang nerd na hating-hati sa gitna na akala mo eh ginamitan pa ng ruler at sang-katerbang gel. Ang baduy rin manamit at ang baho -____- Pagkatapos nung nangyari, tinawanan lang ako ng sobra ni Nate.

Pumasok na lang ako sa bahay deretso sa kwarto ko at tinignan ko siya habang nakangiti.

"Hello HATE ! May panibago nanaman tayong koleksyon, Oh!!! ^________________^" sabi ko sa kanya habang nakataas yung sticky note na bigay ni Nate.

Let me introduce HATE , siya ay black & pink box na nilagyan ko ng googly eyes. At ang name niya? Pinagsamang pangalan namin yun. HAnni+naTE = HATE . Pangit ba pakinggan? Well I don't care, basta kinikilig ako kapag naririnig ko yun *o*

Nakatabi rin kay HaTe yung mga binibigay sakin ni Nate, kagaya na lang nung mga balat ng Fres na may sweet messages... Iniwan ko na kay HaTe si Sticky (yung sticky note) at nahiga na sa kama ko. Kinuha ko yung cellphone ko at tinignan yung picture ni Nate.

Hayyy Nate... Kung sabihin ko ba sayo na ikaw yung dahilan kung bakit laging may nabibiktimang bulaklak dahil sakin, tutulungan mo ba ako gaya ng sinabi mo? O dapat bang wag ko na lang sabihin sayo at makinig sa mga bulaklak na sinasabing 'He Loves Me Not' ?

4 WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon