M. U. (one shot story)

241 4 4
                                    

a/n: this is my first one shot story. hope you like it. pagpasensiyahan niyo na rin kung may mga mali. yun lang. HAPPY READING!!! d^______^b

M. U.

Dalawang letra na tila napakadaling sabihin ngunit napakahirap intindihin. Mutual Understanding ang tunay na ibig sabihin ng M. U., pero sa panahon ngayon, ano nga bang ibig sabihin nito?

Sabi nila, 'wag kang masyadong mag-expect dahil wala kayong commitment.

Pwede kang magselos. Pwede kang magtampo, pero hindi ka pwedeng magalit.

Pwede kang makipagdate sa iba, pero hindi mo na kailangan magpaalam.

Pwede mo siyang lambingin, pwede mong yakapin.

At 'pag nalaman mong may girlfriend/boyfriend na siya, pwede kang umiyak. Pwede kang masaktan, pero hindi mo siyang pwedeng sumbatan.

Dahil wala kang karapatan.

Dahil kung minsan, ang M. U., hindi lang mutual understanding ang ibig sabihin. Dahil ang M. U., isang MAGULONG USAPAN.

<HER POV>

"Noelle, Noelle!! Sandali, hintayin mo 'ko..." tawag sa 'kin ni Calvin.

"Oh!! Calvin, bakit? May problema ba?" tanong ko sa kanya.

"Wala naman. Gusto lang kitang sabayan."

"Ganun ba? oh di, sige. Halika na!" "Halika na!!!" sabi niya. Nagulat na lang ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at tumakbo.

Wala na rin akong ibang nagawa kundi tumakbo na rin. "Uy,Calvin! Dahan-dahan naman, wala naman sigurong humahabol sa atin diba?" sabi ko sa kanya. "Hahaha!!! Wala nga pero kailangan na nating magmadali." aniya.

"Eh bakit ba? ano bang meron?" "Basta malalaman mo rin mamaya." Sagot niya sa tanong ko. Sa totoo lang, naguguluhan ako sa kanya ngayon.

Madalas kasi, tahimik lang siya. Seryoso, laging nakaharap sa libro, madalang tumawa, kung minsan natatawag pang loner. Pero kahit ganyan siya, mahal ko siya.

Oo. Mahal ko si Calvin Boromeo. Siya kasi ang nagpaparamdam sa akin na espesyal ako, na iba ako sa lahat.

Pero nakakapagtaka talaga siya ngayon. Ano kayang meron at ang saya-saya niya?

Maya-maya pa, nakarating na kami sa kwarto kung saan kami nagkaklase. Konti palang ang tao pero, nakakapagtaka rin kasi lahat sila nakangiti nang dumating kami ni Calvin. Doon ko lang napansin na lahat pala ng mga kaibigan namin ay nandoon.

"Ano ba talagang nangyayari? Hoy, Calvin Boromeo!! Ipaliwanag mo nga sa akin kung ano 'tong kalokohan mo..." sabi ko.

"FYI, Ms Noelle Catigbak, hindi po ito kalokohan! Isa 'tong surpresa..." sagot niya sa akin. Pagkasabi niya non, ay bigla na lang may nahulog na tarpaulin sa pader at may nakasulat na 'Can you be my Valentine, Noelle?'.

Laking gulat ko ng Makita ko iyon. Hindi ko alam kung ano ang irereact, at habang lutang pa rin ako sa aking nakita saka naman ako nilapitan ni Calvin na may dalang bulaklak. Nakangiti siya, nakatitig sa akin.

"Noelle, matagal na kitang gustong tanungin nito. Kaso kinakain ako lagi ng takot ko eh. Pero ngayon kahit papaano nakaipon na ko ng lakas ng loob para masabi ko sa'yo ito...

Noelle, I WANT YOU TO BE MY VALENTINE!!! Can you be my date?" parang sirang plaka na paulit-ulit kong naririnig sa utak ko ang mga sinabi niya. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.

M. U. (one shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon