"Hindi sya maputi. Hindi siya mahinhin. Hindi siya sweet. Hindi siya palangiti at lalong hindi siya maganda. Lahat ng ayaw ko sa isang babae nasa kanya."
"Alam mo pre. Mabait yang si Abi. Mahinhin din yan. Sweet yan. Palangiti. Hindi sya maganda kase cute sya. Hindi sya maputi kase hindi sya nagpapaputi."
"Siguro type mo si Abi?"
"Pre. Friends."
"Friends? Baduy mo pre!"
"Alam mo pag nakilala mo si Abi. Ewan ko lang sayo."
"Kilala ko na sya. Ilang beses na kaming nagkasama. Tapos itong one week swimming na to pa. Hayyyy! Chicks kailangan ko ng chicks."
"Chicks? Ayan si Abi!"
"Alam mo pre, wag ka ngang ano."
"Abi.abi.abi."
"Tanga pre baka marinig ka. Ingay naman nare e. Mapagkamalan pa kong may gusto sa KPOP na yon."
"Ewan ko lang kung pagkatapos ng 1 week na bakasyon nateng magkakaibigan e hindi mo sya magustuhan."
"Magustuhan? Baduy mo talaga pre!"
"Minsan na kong nahulog sa kanya. Ingat ka." sabay bato saken ng tuwalya at iniwan ako magisa sa may gilid ng pool.
Ako nga pala si Jack. Jack frost. Joke! Jack Mendoza. May oneweek swimming kame ngayon ng tropa / barkada / classmates ko. 12 lang kame na kasama. Bakasyon na rin kumbaga. Yung kausap ko kanina ni Paul. Paul Roxas. May mga tropa pa ko, si Renz, Carl at Henry. Ang mga gwapong nilalang na nalahian ko. HAHAHA.
Napaisip lang ako sa huling sinabi saken ni Paul. "Minsan na kong nahulog sa kanya. Ingat ka." Siguro nagtaob sya dahil sa babaeng yon.
Si Abi. Classmate ko sya since 2nd year. Engineering students kame. Hindi ko man lang napapansin ang babaeng yon. Ngayon lang kase lagi syang kasama ng crush ko. Si Laika. Siguro magbestfriends sila. Lagi syang binibitbit ni Laika. Minsan mukang labag sa kalooban nya o siguro nahihiya. Aba malay ko. Leche bat ko ga iniisip yon? Nonsense. 4th year na pala kame ngayon. Isang taon na lang! Yuhuuu