Chapter 4: Second Night

2 1 0
                                    

Sa kwarto namen ni laika

Hindi ako makatulog. Gusto kong kausapin si Paul. Bestfriend ko sya pero wala syang sinasabi saken?

"Okay ka lang ba Jack?" sabi ni Laika

"Okay lang ako." sabi ko.

"Naguguluhan kaba sa mga nangyayare?"

"Huh?"

"Wala. Matulog kana. Andami nateng ginawa ngayong araw. Bukas magkakaron na tayo ng bagong partners sa kwarto. Masaya kong nakasama kita dito."

Si Laika. Nawawala na ang atensyon ko sa kanya. Diba gusto ko sya? dapat sya lang ang iniisip ko kase yung lang ang bagay na talagang naiintindihan ko. Hindi yung Abi na yon. Hindi ko naman yun type e.

"Laika?" sabi ko.

"Hmm?" sagot nya.

"Masaya din akong nakasama kita. Masaya kong nakasama ko ang babaeng gusto ko dito sa kwarto."sabi ko.

"Gusto mo ko." sabi ni Laika

"Oo? Gusto ko sanang ligawan ka kung--"

"Sa tingin ko nagbago na ang nararamdaman mo saken. Inaantok na ko. Tutulog na ko ha? Wag kang masyadong mag-isip. Baka magkasakit ka nyan." sabi ni Laika.

Nagbago na? Panong nagbago laika? Eto nalang ang tanging bagay na -- tapos pumasok bigla sa isip ko ang ngiti ni Abi.

"Diba ang sabi ko matulog kana?" si Laika biglang sumulpot.

"Tinakot mo ko." sabi ko. Nabigla kase ko.

"Si Abi. Sya ang tipo ng babaeng kayang mang-akit ng lalaki kahit sa isang kisap mata lang. Si Abi ang tipo ng babaeng hindi mabilis makuha. Gusto kong maging kagaya nya. gusto kong pagtinginan ng iba. Gusto kong maging bida sa paningin ng mga lalaki. Magustuhan ng lahat ng lalaki pagkatapos makikilala ang tunay na ako. Gustong gusto kong maging si Abi. Akala ni Abi nasakin na ang lahat pero mali sya. Kung nasa kin na ang lahat bakit naiinggit pa rin ako sa kanya?"

"Hah? Pasensya kana--" Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Si Abi. Sya ang babaeng unang nakakuha ng atensyon mo tama?"

"Hindi kita maintindihan." Ano bang sinasabi nya?

"Kay Abi ka unang tumingin at hindi saken."

"Kay abi ako tumingin pero sayo ako nagkagusto." sagot ko.

"Sakin ka nagkagusto pero yung paningin mo nakay Abi pa rin."

"Huh?" Nagseselos ba sya?

"Nung firstday naten magdamag ka yatang nakatingin saken. Pero nung nagsecond day.. Wala na. Wala na yung mata mo saken kase na kay Abi na. Si Abi." naiyak na sya

"Hey! Bakit ka umiiyak?" Nilapitan ko sya at niyakap.

"Gusto mo sya pero pinipilit mong ayawan sya. Kung hindi ba ko maganda magugustuhan mo pa rin ako?"

"Oo naman. Hindi lang ako naattract sayo dahil maganda ka. Yung -- Yung ngiti mo kase. yung makulit mong personality." tapos nakangiti akong sinasabi yon sa kanya habang yakap ko sya.

"Kinikilig naman ako jan. Salamat."

"Not at all."

"Goodluck Jack. GoodNight." paalam ni Laika taps humiga na sa kama nya

"GoodNight Laika." sagot ko.

-

"GoodMorning guys!" si Carl yan. Nakasuot ng hawaiian shirt. Maliligo na ata

"GoodMorning guys!" si Laika yan.

"GoodMorning laika." bati ko pabalik kay laika tapos ang sama ng tingin saken ni Abi.

"GoodMorning Abi. GoodMorning din Jack" tapos ngumiti sya.

-

Nagswimming na kaming lahat. Nakita kong lumapit si Paul kay Abi. Tapos parang niyaya sya. San sila pupunta?

"San ka pupunta Jack?" sabi April.

"Nagutom ako bigla e. Sige." Ang totoo. Ang sama ng pakiramdam ko. Mukang magkakasakit pa ata ako.

-

Afternoon Lunch

"Guys! Magkaron kaya ayo ng Activity for today? Ano sa tingin nyo?" suggestion ni Chad.

"Tama ka. Ang boring na kaya ng magspin the bottle lang tayo pag gabi tapos magbavolleyball after kumain. Magtry tayo ng bago." sabi naman ni Princess

"Basketball kase ang gusto mo Princess. Tara ano? One on one?" hamon ni Renz kay Princess.

"Alam nyo guys? Bagay kayong dalwa. Chickboy at Chickchick. May pagkamataba si Princess. Siksik kumbaga

"Guys. magpapahinga lang ako sa kwarto." sabi ko.

"Anong problema?" sabi ni paul

"Wa;a pre. don't woryy mahal pa rin kita." Pangjojoke ko. Ayokong magalala pa sila.

-

"Well guys dahil nagpapahinga pa si roommate Jack. Ako ang bubunot sa kanya kung sino ang bagong makasama nya sa kwato okay ba yon?" sabi ni laika

"Okay lang samin." sabi ng lahat

"Sasali kami ni francis. Para hindi naman kame mabored dito. tsaka guys may tiwala ako sa inyo no :)" sabi ni kim

Napili ni Renz si Princess. Si Henry kay April. Si Laika kay Carl. Si Francis at Kim. Si Abi kay Jack. Si Paul kay Francis at si Chad at Kim.


All set guys. Kuhanin na natin ang mga gamit naten. Enjoy the night.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Right Next To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon